Chapter One: Reminiscing Sweet Childhood Memories

2167 Words
Chapter One: Reminiscing Sweet Childhood Memories Lexi’s POV Isang tipikal na umaga para sa isang writer at may-ari ng munting publishing company. Nakatitig lang ako sa blankong screen ng aking computer nang pumasok sa aking office si Shiela, ang aking secretary. “Good morning, Ms. Lexi. Nandito na po si Sir Lance,” sabi ni Shiela na tulad ng lagi ay nakangiti. Palagi naman nandito si Lance at dire-diresto nang pumapasok sa office ko ng walang pahintulot at nilalampasan ang working station ni Shiela. Himala, masyado yata silang pormal ngayon, ano bang meron? Niluwa si Lance ng pinto na nakatago ang mga kamay sa likod na parang may tinatagong bagay sa kanyang likuran. Nanatili lang si Shiela na nakatayo sa tabi niya. “Happy anniversary,” bati ni Lance sa baritono at malumanay na tinig. Seryoso ba siya? Ginagamit niya lang ang kanyang deep manly voice sa mga formal gatherings o sa oras ng klase niya sa tuwing nag-tuturo siya sa art school. At ano daw ‘happy anniversary?’ Kailan pa? Prank ba ’to? “Happy tenth anniversary, Miss Writer.” Isang mapanlokong boses at ngiti ang pinukol ni Lance sa akin. Inilabas na niya ang tinatago niyang bungkos ng bulaklak na pulang gumamela. “Happy ten years, Miss Lexi!” segunda naman ni Shiela at mahinhing pumalakpak. Ah all right. Anibersaryo pala ng aking pagsusulat. Sampung taon na pala akong writer, children’s book author, novelist, at illustrator. Lumabas na si Shiela at binigyan na kami ni Lance ng privacy. Umupo si Lance sa upuan na nasa harapan ng aking desk. Pagkatapos ay inilagay sa ibabaw ng table ko ang dala niyang gumamela. “Anong drama ‘yan, Lando?” tanong ko na naka-taas ang isang kilay. “I just remember our precious childhood memories. Wala bang ‘thank you’ man lang d’yan? Nag effort pa akong magtanim ng gumamela sa balcony ko just for this occasion,” mahabang sagot ni Lance. Dinampot ko ang isang cute na gumamela at sinamyo-samyo ang halimuyak nito. Napangiti ako ng ubod-tamis nang magbalik sa aking balintataw ang aming kamusmusan. “With that smile of yours, I bet, Lexi, you remember something... mushy.” Nabasa niya ang isip ko, naaalala ko nga ang panahon noong una kaming magkakilala. Bata pa kami no’n. Nasa ikatlong baitang ng grade school. Bagong salta kami ni nanay sa Maynila upang mangamuhan siya bilang all-around kasambahay. Naiwan ako sa front porch ng isang magarang bahay habang si nanay naman ay ini-interview ng mag-asawang may-ari ng bahay. Maliit lang naman ang hardin nila, mas malawak pa ang bakuran namin sa probinsiya ng Zambales. Nevertheless, their garden is full of different hanging plants, vines, and bed of flowers. Abala akong pagmasdan ang kakaibang bulaklak, bulaklak yata iyon ng mga mayayaman, nang may kumalabit sa likod ng balikat ko; isang batang babae na mas matanda sa akin ng mga limang taon siguro. Napatingala ako sa kanya at nakangiti siya sa akin, ang tangkad niya at ang ganda. Ang kanyang mala-mocha na kulay ng balat at ang maitim niyang straight and long hair ay nakakamangha. “Hi, there. That's a rare orchid. What's your name?” tanong niya sa akin pagkatapos isuksok ang isang gumamela sa itaas ng aking tenga. “Lexi,” tipid kong sagot dahil nahihiya ako. “Ang puti-puti mo naman. How old are you?” Itinaas ko ang dalawa kong kamay at ipinakita ang walo kong daliri. Hindi ko alam kung bakit nauumid ang aking dila. “Oh, magkasing- age kayo ng younger brother ko.” tumingin siya sa kanyang likuran tila may hinahanap. “Laaance! Come here,” sigaw niya. “By the way, I’m Chevy.” Nilahad niya ang kanyang palad for a handshake at kinamayan ko naman siya. Isang batang lalaki ang bigla na lang sumulpot mula sa kung saan at ngumiti sa akin. May dala rin siyang gumamela. Binigay sa akin ang hawak niyang bulaklak at hinila ako sa loob ng kanilang bahay kung saan ini-interview si Nanay. Pagkatapos naming maglaro ng tagu-taguan, itinuro ko sa kanila kung paano gumawa ng bubbles na gawa sa gumamela. Tuwang-tuwa ang magkapatid, ngayon lang nila nalaman na pwede pala ‘yon. Simula noon, lagi na kaming magkakasama, simula umaga hanggang gabi. Stay in kasi kami ni nanay sa bahay nila. Hanggang sa pagpasok ng eskuwela ay kami rin ang magkakasama. Dahil magkasing-edad kami ni Lance at magkaklase, kami ang mas sanggang-dikit kaysa kay Ate Chevy. High school na kasi siya at iba na ang trip niya sa buhay. Hindi na siya naglalaro ng mga larong pambata. Lahat ng kanyang mga manika at play set ay binigay na niya sa akin. Hanggang sa tumuntong na kami ng high school ni Lance, kami pa rin ang magkaklase. Si Ate Chevy naman ay college na at napagpasiyahan ng mga magulang nila na sa Thailand siya mag-aaral. Nilalayo kasi siya sa kanyang nobyo. Mahigpit na tinutulan ni Mr. and Mrs. Luna ang kanilang pag-iibigan. Wala namang magawa si Ate Chevy kundi ang sumunod. Bago siya lumipad papuntang Thailand, inayos niya ang aking buhok at nilagyan ng kolorete sa mukha, isang make-over dahil dalaga na raw ako at kailangan ko nang ayusin ang sarili. “Kahit anong ayos mo naman diyan kung kilos lalaki naman, hindi pa rin ’yan gaganda,” asar ni Lance sa akin. “Huh, just wait pag naayusan ko na si Lexi, baka umamin ka na bigla.” “Chevy!” hiyaw ni Lance. Namumula siya sa galit. Hala, kahit pala kayumanggi siya, nagbu-blush pa rin. “Best friends kami,” sabi niya at umalis na. Pagkatapos akong ayusan ni Ate Chevy, parang dumistansya na si Lance sa akin. Hindi ko alam kung ayaw niya ng ayos ko, sa tingin ko naman, napaka-ganda ng ginawa ng ate niya sa akin. O baka naiinggit siya sa beauty ko, ayaw lang niya aminin dahil tutuksuhin siyang bakla. Dahil kay Ate Chevy, natuto akong mag-ayos ng sarili nang hindi kailangan mag makeup o gumastos ng mahal. Tamang hilod lang pag naliligo at confidence. “Tandaan mo, Lexi, you are naturally pretty, thanks be to your dad’s American genes. Nakaka-inggit nga ‘yung balat mong smooth at maputi, mahabang eyelashes, at matangos na ilong, at mas may hinaharap ka pa kaysa sa akin,” ito ang pabaon niyang paalala bago siya lumipad papuntang Thailand. Nang mag second year high school kami ni Lance, may nagtangkang manligaw sa akin, si Yohan; varsity ng volleyball at suki ng men’s pageant, in short, campus heartthrob. Naglakas-loob pa na manligaw sa bahay, well technically, bahay talaga nila Lance, nakikitira lang kami dahil isa na rin akong kasambahay bukod sa aking nanay. Nakaka-inis lang itong si Lance dahil kaka-upo lang namin ni Yohan sa sofa, bigla na lang tinawag ang pangalan ko. “Lexiii, nagsaing ka na ba? Magsaing ka na raw sabi ni Mama,” sigaw ni Lance na nasa kusina. Maaga pa naman para mag-hapunan pero napilitan tuloy akong magsaing. Akala ko ay makakapag-usap na kami ni Yohan ng walang istorbo dahil umakyat na rin si Lance sa kwarto niya pero kakau-upo ko pa lang narinig ko na naman ang sigaw niya. “Lexiii! Yung jersey ko!” Muli, tumayo na ako at pinuntahn siya sa kwarto niya. Binuksan ang closet at agad kong nakita ang jersey na kanyang hinahanap. Palabas na sana ako ng kwarto matapos ibigay ‘yung damit nang hindi pa pala siya tapos sa mga utos niya sa akin. “Gusot, pwede bang paki-plancha?” Dito na ako umalma, napaka-arte niya o sadyang nang-aasar. Palibhhasa, inggit sa kasikatan ni Yohan kaya sabi niya ang yabang daw. Hindi naman mayabang si Yohan, mataas lang talaga ang kumpiyansa nito sa sarili. “Ano ba’ng problema mo? Nang-iinis ka ba? Nakita mo na’ng may bisita ako eh,” sabi ko sa kanya habang naka kibit-balikat pa. Bumangon na siya ng higaan at dahan-dahang lumapit sa akin. Bigla akong nakaramdam ng kaba, napahawak pa nga ako sa aking dibdib. Seryoso kasi ang kanyang mga titig na bihira ko lang makita. He’s naturally jolly and mischievous kabaliktaran ng pinapakita niya ngayon sa akin. Napa-atras ako ng hakbang hanggang marating ko na ang pintuan, napasandal pa ako nang wala na akong maatrasan. Tumindi ang dagundong ng dibdib ko nang hinawakan niya ang magkabila kong pulsuhan. “Nagseselos ako.” Seryoso talaga siya at nanlaki ang mga mata ko. I didn’t see that coming. “Mag BF tayo ‘di ba?” dagdag pa niya na talaga namang kinabigla ko. Mag boyfriend pala kami, kailan pa? “Mag best friend,” paliwanag niya na tila nahihiya sa kanyang inasta kaya binitawan niya na ako. Ah mag best friend pala ang ibig niyang sabihin. Nagulat naman ako. Friendly jealousy lang pala. Pakiramdam ko, kailangan ko siyang yakapin at iyon nga ang ginawa ko. Ginantihan naman niya ito ng mas mahigpit. Kung may babae ring dadalhin si Lance dito sa bahay ay tiyak na magseselos din ako. Simula no’n hindi na ako dinalaw ni Yohan sa bahay, hindi na rin niya ako pinansin sa school, ang bilis dahil isang linggo lang ang lumipas, may girlfriend na siya agad. Noong nag-college kami, lalo kaming napalapit ni Lance sa isa’t-isa. Fine arts ang kinuha namin tutal pareho naman kaming artist at napilit niya ako na ang kursong iyon ang kunin. Pero parang hindi ito ang tinitibok ng puso ko, mas gusto kong mag-sulat. Kaya kahit na anong pigil at pagda-drama niya para lang huwag akong mag-shift ng course ay hindi ako nagpapigil na lumipat sa Creative Writing course nang nag second year kami. Palagi pa rin naman kaming nagkikita dahil same university lang naman ang pinapasukan namin. Hindi naman masyadong pressure ang ikalawang taon namin sa college dahil puro minor subjects pa lang at bukod do’n, passion namin pareho ang napili naming course. May panahon pa nga akong makipag blind date. Ayaw ko naman talaga, sadyang makukulit lang sila at kailangan pagbigyan para manahimik na pero ewan ko ba, pinagti-tripan lang yata ako dahil sa tuwing nasa rendezvous na ako at matiyagang naghihintay, kung hindi ako sinisipot, siputin man ay para lang sabihin na ‘it’s not worth it’. The nerve of those men. Ilang beses na rin iyon nangyari at ang huli, ang pinaka-memorable sa lahat. Sapagkat wala akong kadala-dala, ilang sandali rin akong pinaghintay ng ka-date ko. Iiyak na sana ako, pinigilan ko lang ang aking luha. Ilang tubig na rin ang naubos ko sa kakahintay. Napagpasyahan kong umalis na lang to save myself from embarrassment. Tatayo na sana ako nang may naglapag ng gumamela sa table. “Sabi naman sa’yo, tigilan mo na pakikipag date, pang ilan na ba ito puro palpak?” Hindi ko na napigilan ang aking luha na kanina pa gustong kumawala. Si Lance, umupo sa harap ko at tumawag ng waiter para kumuha ng order. He’s saving my ass from all these sh!t. Nagsilbing date ko para sa araw na iyon. Simula no’n, hindi na ako nakipag-date pang muli o mag-entertain ng suitors muntik na rin akong maging man-hater kung hindi lang dahil kay Lance. Ilang taon na rin pala akong no boyfriend since birth at kasapi na ng Samahang Malamig ang Pasko taon-taon. Hindi naman ako malungkot dahil nand’yan si Lance na lagi kong kasama. Masaya na rin maging single, no hurt feelings, no jealousy, no heartbrokenness. Nawasak lang ang puso ko nang namatay si nanay sa sakit na aneurysm, magde-debut na sana ako, hindi na niya nahintay, ang bilis ng pangyayari, biglaan. Dito na dumating ang tatay kong Amerikano. Napatunayan naman niyang siya ang biological dad ko at ramdam ko ang pagsisisi niya sa pag-abandona sa amin. Umalis na ako sa bahay nila Lance at nanirahan sa bahay ng aking dad. Since, wala na ang nanay ko, pinahintulutan ko na rin siyang pumasok sa aking buhay at binigyan ng pagkakataong magpaka-ama sa akin. Isang taon lang ng reunion namin bilang mag-ama, sumunod na siya kay nanay sa huling hantungan. Dahil eighteen na rin naman ako, nasa legal age na para makuha ang properties ni dad. Ngunit ang publishing company na pinamana niya rin sa akin ay nakuha ko pa nang tumuntong ako ng twenty-five. Malapit na itong lumubog at ma-bankrupt dahil sa kapabayaan ng naunang management. Sinagip ko lang ang tinayo ng dad ko na pangarap na naging pangarap ko na rin. I spent sleepless nights, nakuha ko man ito sa madaling paraan pero luha, dugo’t pawis ang aking puhunan, maisalba lang ito sa pagka-lugi. Utang ko rin ito kay Lance, malaking tulong ang financial at moral na sinuporta niya sa akin. That was many years ago at hanggang ngayon nasa tabi ko pa rin siya, sumusuporta. Nasa kasarapan na kami ng pagbalik-tanaw sa aming nakaraan nang biglang kumatok ulit si Shiela at pumasok para sabihing mayroon akong gwapong bisita. Iniluwa ng pinto ang isang lalaking six-foot tall, maputi, blonde hair, at blue eyes, mukhang Hollywood actor. Imbis na ako ay matuwa, kumukulo ang dugo ko. It was Kheil Malik, my wicked step-brother. Ano naman kaya ang ginagawa niya rito? ~~ITUTULOY~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD