Chapter Two: Kheil: The Wicked Step-brother

2113 Words
Chapter Two: Kheil: The Wicked Step-brother Lexi’s POV “Hi gorgeous. Are you ready to pack your things up?” Sabi ng six-foot tall, blonde, at blue eyed man na mukhang Hollywood actor na pumasok sa office ko. Pinagalitan ko si Shiela sa pamamagitan ng nananampal kong titig, kung bakit pinayagan niyang makapasok ang hambog na ito. “Oh, I’m sorry, Lex. I thought you’ll be pleased. He looks like Leo— “ “Shiela!” saway ko agad sa secretary ko dahil nakakahiya ang sasabihin niya. Alam nila Shiela at Lance na ultimate crush ko since birth si Leonardo Di Caprio at kung bakit sa kasamaang-palad, naging kahawig nito ang wicked stepbrother ko. At anong sabi? Pack your things up? Bakit? Papalayasin niya ba ako? “Hey, mister, you must be mistaken. This isn't the US Embassy,” patuyang hayag ni Lance. “Fvck off, monkey,” pang-iinsultong ganti ni Kheil. Napatayo si Lance at hinablot ang kuwelyuhan ng lalaking nagpa-init ng kanyang ulo. Bihira lang siyang magalit dahil kalmado lang siya sa buhay but this time, he wouldn’t let him pass. Agad akong pumagitna at niyakap si Lance para pigilan ang kanyang kamao na naka-amba na sa hangin. “Lance, please, calm yourself. Lumabas ka muna—” Aangal pa sana siya ngunit pinisil ko ang kanyang kamay at naki-usap ang aking mga mata. “I’ll settle this in a calmer manner. Don’t worry.” Mabuti naman sinunod niya ako at naiwan kaming dalawa ni Kheil para mag-usap. Akala ko ay madadaan namin sa diplomasya at masinsinang usapan ngunit ilang sandali pa lang ng aming argumento ay nag-init na bigla ang bumbunan ko. Maybe Lance heard our heated argument, his raging fist suddenly came from out of nowhere. Ilang palitan ng suntok pa bago ko sila naawat ni Kheil. Kinaladkad ako ni Lance palabas, hindi man lang ininda ang suntok na natanggap. Hindi na ako makatanggi sa alok niya na manatili muna sa kanyang bahay. Matapos niya akong ipagtanggol sa lalaking ‘yon, susunod talaga ako ano mang sabihin niya. “Lance, I appreciate what you did but you don’t have to do this. May klase ka pa mamaya, paano ka haharap sa mga estudyante mo kung may black-eye ka?” sermon ko sa kanya habang ginagamot ang sugat sa pumutok na labi habang tangan niya ang ice bag na nakalapat sa kanyang kaliwang mata. “Sabi ko naman ‘di ba, ako na ang aayos—“ “Ang sabi mo, you’ll settle it on a calmer manner. Bakit panay mura narinig ko? I can’t stand watching you being harassed. Kung hindi ako sumulpot baka—“ Napatitig ako sa kanya na waring tinatanong kung anong karugtong ng kanyang sinasabi. “Baka nahalikan ka na niya. Kaya ka siguro nagagalit kasi hindi natuloy ‘yung kiss.” Tinigil ko na ang pag-gagamot sa kanya. “You silly. Anong pinagsasabi mo? Saka ano naman kung halikan niya ako?” He heaved a deep sigh at binitiwan na ang hawak na ice bag. Humupa na ang pasa. “Concern lang ako. Baka ma-turn-off siya sa’yo, maamoy niya ang iyong morning breath.” I just rolled my eyes. Nang-aasar na naman tulad ng lagi. Babawi sana ako nang bigla naman siyang tumayo. “May klase pa ako, ikaw na bahala dito, kung nagugutom ka, mag-luto ka na lang o kaya magpa-deliver. Gagabihin ako ng uwi.” “Seryoso, magtuturo ka nang may black-eye?” “Tatakpan ko naman ‘yan. Saka excited masyado mga estudyante ko; nude painting kasi ang lesson namin ngayon. Lalo na siguro bukas actual model ang nude session. But unfortunately, walang klase bukas, nagkasakit yung model. Maghahanap pa ng replacement. So, I have to go now to tell them the bad news.” Actual model na nakahubad, great. Boys will be boys. Ngayon ko lang nalaman na isang bad news pala ang ‘walang klase bukas’ at marami ang malulungkot. Oh, did I hear him say ‘nagkasakit yung model? Biglang naka-isip ako ng magandang gagawin bukas. Hindi ako pwedeng mag-stay ng magdamag dito sa bahay ni Lance nang walang ginagawa habang unti-unting inaangkin ang mga bagay na tanging alaalang iniwan sa akin ni Dad. Nagpa-alam ako kay Lance na uuwi muna sa bahay ko para kumuha ng mga damit at gamit pero hindi siya pumayag, naroon kasi si Kheil sa bahay. Bukas na lang daw at siya mismo ang kukuha tutal wala naman siyang pasok. Mabuti na rin ‘yon para maisakatuparan ko ang plano ko bukas. Kinagabihan, alas-dyes na siya naka-uwi. Naka-higa na agad ako sa kama niya para matulog. Tinawagan ko na ang bago niyang apprentice para mag-apply bilang nude model. Pumunta raw ako ng maaga para sa screening. Papa-tulog na sana ako nang binuksan niya ang dim light, narinig kong nagpapalit siya ng damit. Pagtapos no’n ay tumabi na sa akin at naramdaman ko ang yakap niya mula sa likod. Hinimas-himas ko ang matigas niyang braso. “Good night, Lex,” bulong niya sa aking tenga matapos samyuin ang aking leeg. Nagbigay ‘yon ng kakaibang init sa kaloob-looban ko mabuti at tuluyan na siyang nakatulog. Maaga akong nagising para mag-luto ng almusal. Nag-iwan lang ako ng note sa ref at sinabing may pupuntahan lang. Dumiresto ako ng art school niya na malapit lang sa bahay at office ko. Bumungad agad ang sinasabi niyang bagong apprentice na assistant teacher din, si Sir Arnelli. Bata-bata pa pala ito, mukhang fresh grad at maloko rin mana sa kanyang maestro. Isang mapanlokong ngiti ang bati nito sa akin at sinabing umpisahan ko nang mag-hubad para makilatis. Ano siya sinuswerte? Wala nga akong balak na mag all the way tapos paghuhubarin niya ako? Kaya inunahan ko na ng sindak, “Kilala ko si Lance Luna, baka gusto mo sabihin ko sa kanya na tumataggap ka ng nude model nang hindi niya alam—” “Oo na, tanggap ka na miss. Maghintay ka na lang ng isang oras dahil mamaya pa ang klase,” sabi niya. Buti naman at nasindak ko siya. Takot din mawalan ng trabaho. Napakatagal naman, isang oras pa, samu’t saring emosyon ang nararamdaman ko. Kaya tumingin muna ako sa mga painting na naka-display sa gallery ni Lance na karamihan ay siya ang may-gawa. May ilan ding naka-display na obra ko. Pero ang pinaka-paborito ko sa lahat ay ang abstract painting na nasa pinaka-dulo ng gallery. It has pitch black background, the centerpiece is a silhouette of couple kissing and in the very center of it is a broken heart. For me, it’s so majestic, so deep, and so enchanting. Para akong nahi-hypnotize sa tuwing tinititigan ko ‘yon. I asked him what’s the reasoning and inspiration behind it, ‘abstract ka kasi’ ang sagot niya. Parang siya yung abstract eh, magulo. Unti-unti nang nagsidatingan ang mga estudyante at ilang sandali lang ay nakumpleto na silang labing-tatlo. Mukha nga silang excited gaya ng sinabi ni Lance kahapon. Ako lang yata ang hindi maipinta ang mukha sa kaba. Parang gusto ko na rin umatras, hindi ko yata kayang humarap sa kanila ng walang saplot. “Miss, mag-ready ka na. Mag-uumpisa na,” paalala ni Arnelli. Huminga na lang ako ng malalim at humugot ng lakas ng loob. Hindi ko talaga kayang maghubo’t hubad kaya kinuha ko ang puting tela bagamat manipis ay pwede na’ng panakip. Nadismaya sila nang lumabas ako sa ganoong ayos. Sinabi kong aalis na lang ako kung may reklamo sila. Kaysa naman wala silang model, pinatyagaan na nila ako. Nasa kalagitnaan ng session nang tumunog ang cellphone ko. Walang humpay sa pagtawag ang caller. Sigurado akong si Lance ‘yon. Kailangan kong sagutin ang tawag niya dahil hindi talaga siya titigil hanggat hindi niya ako makaka-usap. Nakakabulabog na ang ingay kaya napilitan tumawag ng break si Sir Arnelli. [Lance, I’m busy. Uuwi rin ako—] Miss, can you please turn off your phone or at least silence it? Nakaka-sira ng concentration. Oh gosh, hindi alam ni Sir Arnelli na kausap ko si Lance at lagot na dahil narinig ni Lance ang boses niya. Agad kong pinutol ang linya at sinabing aalis na ako dahil paparating na si Lance. Ayaw niyang maniwala, sinabihan pa akong scammer, bukod sa hindi naman ako ‘nude’ ay isang oras pa lang akong ‘naka-display’. Wala tuloy akong magawa kundi manatiling naka-upo at hilingin na huwag dumating si Lance. Ilang sandali lang at bumukas na ang pinto, expected kong si Lance na ang dumating. Matalim ang kanyang tingin habang papalapit sa kinaroroonan ko. “Lance, sandali na lang, patapusin mo muna—“ hindi na niya ako pinatapos sa sasabihin ko at dali-dali akong binuhat. “Class dismiss, you can all leave.” Panay angal ang naririnig ko sa background pero wala naman silang magawa kundi sumunod dahil si Lance ang boss. Dinala niya ako sa loob ng kanyang private painting room at marahas na inupo sa couch. Wala man siyang sabihin, alam kong galit siya sa akin. Pabalik-balik ang lakad niya habang nakapamewang. Hindi siya maka-tingin kaya binalot ko ang sarili ko ng manipis na tela. “Wow, ngayon ka pa nahiya kung kailan dalawa na lang tayo rito.” Wala naman akong masabi dahil ayaw kong salubungin ang galit niya. “Arnelli!” sigaw niya at agad naman tumugon ang apprentice. Paki-kuha nga ‘yung damit ng babaeng ‘to. Saka bakit mo nga pala ‘to tinanggap? Hindi mo ba alam na best friend ko ‘to?” “Sorry po, Sir, hindi ko alam. Mapilit kasi. Saka qualified naman; alam kong pasado sa taste niyo.” Kinuyom na lang ni Lance ang kanyang kamao, gusto na niya yatang kutusan ang assistant niya buti at nakapag-pigil pa siya. “Pinagbibihis mo na ako? Ano ‘yon, gano’n na lang? Isang oras akong nag-tiis do’n. Nasaan na ang bayad ko?” “Walang-hiya, isang oras na silang tumitira do’n, mata pa lang, buhok pa lang ang napipinta? Ano ‘yon nag-eenjoy sa nakikita? Tapos hinahayaan mo lang na pag-pyestahan ka ro’n? Oh my goodness,” sigaw ni Lance sa akin at inutusan si Arnelli na iwanan na kami. Mukhang matinding sermon ang aabutin ko sa kanya. Sinimulan ko ng isuot ang aking panloob sa harapan niya. “Alam kong hindi mo ‘ko papayagan kaya nga ako tumakas.” “Is that how desperate you are?” sigaw niya sa akin. “Oo! Kaka-ayos lang ng publishing, bumabangon pa lang ako, tapos yung bahay ko naman ang nanganganib.” Ang dami ko pa sanang gustong sabihin but I’m getting emotional. Hindi ko na napigilan ang luha na kumawala sa mata ko. Ayoko man kaawaan ni Lance, pero anong magagawa ko, I’m a failure, so helpless, and so weak. Ang bahay at ang munting kumpanya ko na lang ang meron ako. “Magkano ba kailangan mo? Ten, forty, hundred million? Barya lang yan sa isang billionaire. Trust me, Lexi, kaya niyang ibigay ‘yan sa’yo in just a snap.” Pinigilan niya ang kamay ko at dahan-dahang tinanggal ang kakasuot ko pa lang na bra, pagkatapos sinunod naman niya ang aking pang-ibaba. With his intent gaze on me, hindi ko na siya kayang tutulan. I’m trembling, nilalamig yata ako kaya niyakap ko si Lance. Pero siya ay pinagpapawisan. Hindi ko tuloy maintindihan ang pakiramdam. “Twenty-million,” bulong niya habang naka-yapos sa akin “Pose for me, wearing nothing.” Dito na ako kumalas sa yakapan namin. “For twenty million or higher, I can sell my masterpiece. It’s a lifetime exclusive contract. Exclusively ako lang ang pintor mo.” Pabor sa akin ‘yon. Wala naman ibang kukuha sa akin bilang model kaya kahit lifetime exclusive contract sa kanya, hindi naman big deal ‘yon. He’s giving me ample time to decide but his serious stare is telling me that I have no choice but to go for it. Twenty million… kahit buong buhay akong mag-sulat ng kwentong pambata, hindi ko kikitain ang twenty million. Pumayag na ako. Sigurado naman sa kasikatan niya bilang painter, napakarami niyang koneksyon, mabebenta niya ang obra niya sa gano’ng kalaking halaga. I wonder kung sino naman kayang bilyonaryo ang walang magawa sa pera niya na bibili ng nude painting na ako ang model. Kasama rin ba sa kontrata ang paghaplos niya sa aking balakang at pag-halik sa aking leeg? Bakit hindi ko siya magawang pigilan? Bakit ang sarap sa pakiramdam tuwing dumadampi ang kanyang mainit na labi sa aking balat? Ang sarap pakinggan ng kanyang malalim na pag-hinga at pagbanggit ng ‘Lexi’ sa malambing na tinig. The sensual pleasure he’s giving me is ecstatically pleasing to my body, wanting for more... “Ooh, Lance,” I moaned. ~`ITUTULOY``
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD