Chapter Nineteen: Curious

1157 Words
Chapter Nineteen: Curious Lance’s PoV “Don’t you dare touch Chevy. Ipadala mo na siya sa bahay ko. Huwag ikaw. Ayokong makita pagmumukha mo.” “Why should I?” “You knew exactly why.” “Fine, all right, Fvck you!” Matapos kong kausapin si Jeremy sa telepono, agad akong umuwi sa bahay para hintayin si Chevy, malayo-layo ang Tagaytay kaya baka mamaya pa ang dating ni Chevy. Ako na ang sumagot ng billing ni Kheil at lahat ng kailangan niya. Nang malaman kong nagkakamabutihan sila Chevy at Kheil ay syempre tinutulan ko agad. Matapos naming magsuntukan sa office ni Lexi ay biglang isang araw magiging ok na kami? No way. Matagal kong nilayo si Chevy kay Jeremy tapos biglang isang araw ay guguluhin niya ang buhay ng ate ko. Ano siya sinuswerte? Matapos niyang guluhin at harassin si Lexi. Pero dahil mas agresibo si Brix, sa kambal niya natuon ang atensyon ko hindi ko na namalayan na lumalalim na pala ang ugnayan nila Kheil at Chevy. Sino ba naman kasi mag aakala na sa maikling panahon ay magkakamabutihan sina Chevy at Kheil. Nakita ko ang diamond ring sa ring finger ni Chevy, I assume engagement ring yun galing kay Kheil. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na sa unang araw pa lang ng makita nila ang isa’t isa ay may nangyari na. Pina imbestiga ko na si Kheil at ang kambal niyang si Brix, marami akong natuklasan. Basta ang mahalaga sa akin ay alam kong hindi mapapahamak ang kapatid ko. I made sure na walang sabit si Kheil, walang asawa, walang anak, walang girlfriend sa America. Si Kheil din ang bumili ng abstract painting ko na ireregalo niya daw sa ate ko pag ikakasal na sila. With that, it strengthened my trust in him. Kahit pa may konti pa akong alinlangan sa kanya. But this incident na na-ospital siya sa pagtatanggol kay Chevy ay kahit papaano ay napanatag na ako. Si Lexi na ang nag drive pauwi ng bahay dahil sabi niya ay magpahinga na raw ako. I was so fvcking stressed dahil sa Jeremy na yun. Kasalanan ko rin naman kung bakit nagawa yun ni Jeremy. Alam kasi niya na hinding hindi ko siya palapitin kay Chevy kaya I left him with no choice but to kidnap her, “Mukhang ok na si Ate Chev, naka-usap ko na siya, pauwi na raw. Pahinga ka na,” sabi ni Lexi habang nagda-drive. Ipinikit ko na ang mga mata ko at sumandal sa upuan. Nagpakawala ng malalim na paghinga. Na-stress talaga ako kay Jeremy. “Lance…” “Uhmm” sagot ko naman habang nakapikit pa rin at nag rerelax. “Paano mo yun nagawa?” Nabigla ako sa tanong niya. I know what she meant. Kung paano ko na-locate si Chevy at kung paano ko napa-atras si Jeremy at ibalik si Chevy. “I mean… how? Malakas si Jeremy. Maraming connections, influential–” “Wala ka talagang tiwala sa best friend mo.” Oo nga pala, lumevel up na kami, hindi na lang kami basta best friends, we’re fvck buddies. “Seryoso ako,Lance.” “What? I’m serious too, Lexi. Simula sa araw na ito, huwag mo na akong pagdudahan dahil you still don’t know what I’m capable of doing.” “That’s it, Lance. Ano pa ba ang kaya mong gawin? At paano mo nagagawa? “Just trust me, Lexi.” Napa buntong-hininga na lang siya at nagpatuloy sa pag drive hanggang sa maka-uwi na sa bahay ko. Hindi na muna ako tumuloy sa loob dahil hihintayin ko sa gate si Chevy. Hindi ako makakatulog hanggat hindi ko nakikita ang ate ko na nasa maayos na kalagayan, After an hour, may bumusina at humintong tim na rolls-royce sa tapat ko. Nandyan na si Chevy, naka masking tape ang kanyang bibig at nakatali ang mga kamay. Agad kaming sinalubong ang isa’t isa at nagyakapan. Pagkatapos ay tinanggal ko ang masking tape na nakatakip sa bibig niya. Pati na rin ang tali sa kamay. Sumunod na yumakap si Lexi kay Chevy ng mahigpit. “Oh thank God, Ate Chevs. Thank God!” “Si Kheil! Where’s Kheil!” sigaw ni Chevy ng paulit-ulit, natataranta at umiiyak. “Huli kong kita sa kanya, a man was pointing his gun to Kheil, ready to shoot him—” Niyakap ko siya ng mahigpit at hinaplos haplos ang kanyang buhok dahil masyado na siyang hysterical. “Ok na Chevs. Nasa hospital si Kheil. Kakapunta lang namin. Stable na siya. Hindi naman siya napuruhan o kung ano man. Just bruises and petty wounds.” Huminga siya ng malalim, finally felt relieved. “Oh, thank God. Totoo nga. Thank you Lance. Thank you so much. Let’s go sa hospital, gusto ko siyang makita—” “Hindi pwede.Sabi ng doktor he needs to take a rest at obserbahan pa. Hayaan muna natin siya magpahinga, to recover, and hindi naman siya papabayaan ng staff at ng kambal niya. It’s all right, Chevs, tahan na. Pahinga na tayo.” ~ ~~ ~ ~ ~ ~ ~ Nasa living muna kami nag stay ng sandali dahil namiss namin ang isa’t isa. Naka kuyom ang mga kamao ko sa galit. Tanaw ko kasi sa kilos ni Chevy na natrauma siya sa pangyayaring pag dukot sa kanya. Idagdag pa ang pag aalala niya sa fiance niya. “Chevs! Wear this,” sabi ko at nilagay sa wrist niya ang isang bracelet. “Is it a tracking device? Hindi ka naman magbibigay ng bracelet sa akin ng walang occasion.” “Nadali mo, Chevs. You need that. Ever since wala akong tiwala sa Jeremy na yan.” Yes, she’s right. It was a tracking device. Mukhang kailangan ko na rin bigyan si Lexi ng ganung apparatus dahil. . . I always wanted to know her every move, her whereabouts, her whatnots. Yes, I’m so fvcking obsessed with my best friend. Chevy and Kheil’s love story was a whirlwind. But I can see and feel na in love talaga sila sa isa’t isa. Na love at first sight yata kaya, napag isip isip ko na sino ba naman ako para humadlang sa kaligayahan ng ate ko. Deserve niya lumigaya sa piling ng lalaking mamahalin niya at magmamahal sa kanya. Bumuo ng pamilya at mamuhay ng payapa. “Chevs…” tawag ko sa ate ko at lumingon siya sa akin. “Yeah?” “Bakit naman kasi mai- in love ka lang ay dun pa sa mga bad boy. Lalo na sa Jeremy na yun?” “Come on, Lance. Mapipigilan ba ang puso? Ikaw nga eh, ang dami mong nililihim kay Lexi–” “Chevs!” saway ko sa kanya. Nagulat lang din si Chevy dahil alam niyang may sinabi siya na hindi dapat. “Like what, Ate Chevy?” Nagtanong tuloy si Lexi. “Ano pa bang nililihim ni Lance na hindi ko pa alam? ~ ~ ~ ~ ~ITUTULOY ~ ~ ~ ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD