Chapter Eighteen: The Powerful

1117 Words
Chapter Eighteen: The Powerful Lance’s PoV “Lance! Lance!” Napatigil ako sa ginagawa kong pagsusuri ng mga reports ng mga asset ko sa Thailand nang tinatawag ako ni Lexi na para bang hinahabol ng multo. Prente lang akong naka upo sa swivel chair ko sa loob ng aking study room. ‘Si Kheil! Saka si Ate Chevs! Si Ate Chevs!” naiiyak niyang sabi. Dito na ako naalarma. Hindi aakto ng ganyan si Lexi at tungkol pa kay Chevy. Wala akong pakialam kay Kheil pero kung kasama niya si Chevy ay ibang usapan na yan. “What happened?” Hinawakan ko ang magkabila niyang braso para kalmahin siya kahit na maski man ako ay kinakabahan na rin. “Kinidnap si Ate Chevs! She was with Kheil–” “Tinangay ni Kheil si Chev?” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig na kinidnap ang ate ko. Dumagundong ang dibdib ko sa kaba. Lalong napahigpit ng kapit ko sa kanya. “No. Hindi. Kheil is in the hospital now, he was trying to save themselves sa mga gusto kumidnap kay Ate Chevs. But he got beaten and they took Ate Chevs.” “Nino? Who the fvcking hell would kidnap Chevy?” sigaw ko and I’m becoming hysterical. “‘I don't know. May tumawag lang sa akin from the South Peace Hospital kung saan na admit sa emergency si Kheil—” Hindi ko na pinatrapos ang sasabihin ni Lexi nang sinabi niyang hindi niya alam kung sino ang magtatangkang gawin yun sa kapatid ko. Wala akong sinayang na sandali, tinawagan ko ang assistant ko, hindi si Arnelli, kundi ang mismong kanang-kamay ko, in-charge sa lahat properties ko, sa mga lihim kong yaman, sa security, lahat-lahat. Bihira ko lang siya tawagan, not in front of Lexi. Pero hinihingi na ng pagkakataon. “Feriol,” sabi ko sa right-hand ko sa cellphone. “Yes, Boss,” sagot niya. “Locate mo si Chevy, she was kidnapped. I don’t know how you will fvcking do it pero bilisan mo.” “Copy Boss. Open mo lang ang communcation mo, please stand by sa update ko.” Pinatay ko na ang linya at kinaladkad si Lexi papunta ng kotse ko. Natataranta na rin kasi ako. Pinipigilan ko ang luha ko. Si Chevy na lang ang natitirang pamilya ko. Ayoko siyang mawala. Hindi ko mapapatawad kung sino mang demonyo ang dumakip sa ate ko. Pinaharurot ko na ang kotse papunta ng South Peace Hospital kung saan daw dinala si Kheil ayon kay Lexi. Halos lumipad na sa bilis ang kotse na minamaneho ko. I have to see Kheil baka sakaling may maitulong siya o may mahanap akong lead dahil siya ang kasama ni Chevy nang mangyari ang pagdukot. Alam kong hindi ko makaka-usap si Kheil kung masama ang lagay niya but I’m hoping to get some info. Hindi ko maatim na naka-upo lang sa bahay at walang gagawin habang ang ate ko ay nasa kapahamakan. I don’t want to think negative things pero hindi dapat ako makampante, buhay na ng pinakamamahal kong Ate Chevy ang nasa panganib. Uubusin ko ang yaman ko just to find and save her. “Slow down, Lance. Baka mabangga tayo,” paki-usap ni Lexi na katabi ko sa passenger seat. All right, kinalmahan ko lang gaya ng sabi ni Lexi. Kung ako lang ang sakay ay papaliparin ko talaga ang kotse. Buti kasama ko si Lexi to pacify my intense emotions and calm my vexed soul. Ilang saglit lang ay narating na namin ang emergency ng hospital at dali-dali kong hinanap si Kheil. Ang una kong nakita ay si Brix, ang kambal niya. May kausap itong pulis at doktor. “Brix!” tawag sa kanya ni Lexi. Pinang isang tabi muna ang conflict nilang step-siblings at ganun din ako kay Brix. Kakalimutan ko muna kung ano ang bangayan nila ni Lexi dahil involve ang ate ko. Napatingin sina Brix, ang doktor, at ang pulis sa amin ni Lexi tumigil sila sa pag-uusap. “What happened? How’s Kheil? Where’s Chevy?” sunod sunod kong tanong dahil hindi talaga ako mapakali. Ang doktor na ang sumagot sa tanong ko at ang masasagot niya lang ay kalagayan ni Kheil. “He’s stable now po. Hindi naman napuruhan ang mga internal organs niya. May mga bruises at nasa state pa siya ng shock kaya binigyan namin siya ng pampakalma. Maayos na ang lagay n patient but he needs to stay for a couple of days para ma-observe pa kung ok na talaga. kailangan pa rin niyang magpahinga ng ilang araw. Siguraduhin lang na susundin ang mga payo ko para sa kanyang mabilis na paggaling." Mahabang paliwanag ng doktor at umalis na. Brix was relieved when he heard what the doctor said. Sabi ni Brix ay natagpuan daw si Kheil na nakabulagta na sa semento duguan at wala ng malay doon sa labas ng subdivision nila Lexi. Ang pangyayari daw ay nasaksihan ng isang bystander at ito rin ang tumawag ng tulong para madala si Kheil sa ospital. Ang pulis naman ang kumausap sa amin at ang sabi ay may mga kalalakihan na armado lulan ng isang itim na luxury car ang umatake kina Kheil at Chevy. Tinawagan ko si Feriol para sabihin kung anong impormasyon ang nasagap ko. Ilang saglit lang ay natukoy niya na ang location ni Chevy. Napamura ako nang sabihin ni Feriol na sa rest house ni Jeremy sa Tagaytay ang location kung saan dinala si Chevy. Si Feriol din ang gumawa ng paraan para maka-usap ko si Jeremy. ~ ~ ~ ~~ Wala akong sinayang na sandali at kinausap ko na si Jeremy. “Don’t you dare touch Chevy. Ipadala mo na siya sa bahay ko. Huwag ikaw. Ayokong makita pagmumukha mo,” banta ko kay Jeremy nang maka-usap ko siya. Hindi lang ako basta naninindak, I can kill him if i wanted to. Masyado niya akong pinakaba. “Why should I?” angas pa niya, He’s getting into my nerves. Pero dahil hawak pa niya si Chevy ay kailangan kong habaan ang pasensya ko. “You knew exactly why.” Natahimik ang bad boy na CEO. Alam kasi niyang dehado siya kung manlalaban siya sa akin. Kung gagaguhin niya ako at hindi papakawalan si Chevy ay sisirain ko siya. Alam ko ang lahat ng baho niya. Kaya nga ginawa ko ang lahat para lang hindi siya makalapit kay Chevy. Involved kasi si Jeremy sa isang malaking sindikato sa bansa. Oras na kantiin niya si Chevy at putulin ang pisi ko ay siguradong walang matitira sa kanya. I could feel him start to shiver now. That’s right, Jeremy, ngayon alam mo na kung sino ang binabangga mo. ~ ~ ~ ~ ITUTULOY ~~~ ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD