Chapter Sixteen: Almost
Chevy’s PoV
“Chevy, I know you still love me. I want to win you back. Lahat gagawin ko, bumalik ka lang sa akin.”
Those words were like a knife piercing my heart. Bakit? Bakit ngayon lang? Tumulo na naman ang luha ko. Muling bumalik ang sakit na dulot ng first love ko.
“Too late, Jeremy, too late! Bakit ngayon pa? Ikakasal na ‘ko. Maraming taon, maraming pagkakataon na pwede mo kong puntahan sa Thailand–”
“For goodness sake, Chevy, gaya ng sabi mo, we’re both too young back then. Kahit gusto kitang ipaglaban, I’m just eighteen!”
Nagtaasan na kami ng boses at dumadagundong na ang mga boses namin sa loob ng kwarto na tahimik. Napa hugot siya ng malalim na paghinga para kalmahin ang sarili at humiga na lang sa tabi ko. Niyakap niya ako, hinimas himas ang aking buhok. Sinamyo samyo ang leeg ko.
“Kaya nga ako nag bago, Chevy. Tinapos ko ang pag aaral kahit na alam mo kung gaano ako kabarumbado. Binuhos ko lahat ng sakit sa pag aaral at pagtatrabaho hanggang sa marating ko na kung nasaan na ako ngayon. Dugo at pawis Chevy para maging successful. Para pag ok na ang lahat ay maipagmamalaki mo rin ako–”
“Tama na, Jeremy,” pag putol ko sa kanyang sinasabi. “Para saan pa? As I said, it’s too late. Ikakasal na ‘ko–”
“Too late? I’ve been waiting for you half of my life, Chevy. Si Kheil, gaano mo na ba katagal nakilala. Wala pang week ‘di ba? Are you sure sa lalaking yun?”
Naahimik ako, totoo naman na wala pang isang linggo kaming magkakilala ni Kheil. “How did you know? Are you stalking me?”
“Matagal na kitang binabantayan sa malayo.”
Nagulat ako nang sinabi niya yun napatingin ako sa kanya. He cupped my chin, at nang maramdaman niyang gusto kong umiwas sa kanya ay agad siyang pumaibabaw ulit sa akin.
“Hindi ka ba nagtataka, you’re famous, maganda, sophisticated, maraming pwedeng maghabol, pero bakit walang nanliligaw?”
Nanlaki ang mga mata ko. “Oh gosh, don’t tell me—”
Seryoso siyang nakatitig sa akin, hindi ko alam kung anong reaction ko, kung ano ang mararamdaman ko. Kung magagalit o malulungkot, matutuwa? After all these years, siya ba ang dahilan kung bakit walang lalaking nagtangkang manligaw sa akin? Akala ko ay si Lance lang ang gumagawa ng ganun kay Lexi. Pero mas matindi pala si Jeremy.
“Yes, Chevs. Nagbago ako dahil sa’yo. Nagsikap, nag-hirap. Hinintay ko maging CEO bago ako humarap sa’yo. Para kahit papaano ay maipagmamalaki mo ako.”
Yumakap siya sa akin, ramdam ko ang pagsusumamo niya sa akin. Hanggang sa papahigpit na nang papahigpit. “It hurts, Jem. Let me go—”
“Matagal kitang hinintay, pinaghandaan ko ang pagbabalik mo, tapos ilang araw mo pa lang nakikilala yung Kano na yun, magpapakasal ka na? Kilala mo ba yun?”
Hindi ko na talaga maintindihan ang nararamdaman ko dahil sa mga pag amin niya sa akin. How could he do this to me? “You’re lying!” sigaw ko.
Muling nagtaas ang boses namin at nagiging intense na naman ang tensyon sa pagitan namin. Hinalikan niya ang leeg ko at parang napapalambot niya na ako. Gaya ng dati, palagi na lang niya akong napapasa-ilalim sa lakas niya. Hindi ko akalain na tatalab pa rin sa akin ang kanyang halik. Ang braso niya na lalo pang lumaki at tumigas paglipas ng panahon ay napakapit ako ng mahigpit. Nang lumalim na ang kanyang halik, bigla kong naalala si Kheil. How could I do this to him? Nasa ospital siya ngayon, halos mamatay na sa takot dahil sa kaululan ni Jeremy. Kheil doesn’t deserve any of this. Kaya tinulak ko ng malakas si Jeremy at dahil malayo ang agwat ng lakas namin ay hindi man lang siya natinag.
“I said, enough! Bakit mo sinaktan ang fiance ko! I have to see him sa hospital,” mariin kong sabi. Sa galit ko sa kanya ay sinampalko ang pisngi niya. Dito ko nayanig ang pagka lalaki niya.
Hinimas himas niya ang kanyang pisngi na sinampal ko.
“That hurts, Chevy.”
Napangisi ako. “Really? A gangster… nasaktan sa sampal ng isang babae—”
“Exactly, I was a gangster. Balewala ang mga suntok, sipa. But not this Chevy, a slap coming from you. It pierced through my heart. Sana nagsuntukan na lang kami ni Kheil.”
Kanina pa mabilis ang pagtibok ng puso ko, parang gusto nang lumabas sa dibdib ko sa sobrang bilis. Nasa ibabaw ko pa rin si Jeremy, nanginginig ako sa kaba at takot dahil lam ko ang kaya niyang gawin. Alam ko ang ugali niya. Nanananakit siya sa tuwing hindi nakukuha ang gusto. Ramdam ko ang bigat ng katawan niya sa akin. Nakita ko ang mga mata niyang nag-aapoy, punong-puno ng pagnanasa.
"Jeremy... tama na," bulong ko, halos hindi ko na ito masambit sa takot at sa nginig ng katawan ko.
Hindi siya tumigil. Mas lalo pang dumidiin ang pagkakahawak niya sa mga braso ko, pinipilit akong manatiling nakapako sa kama. Piniid niya ang mga kamay ko, parang bakal ang mga bisig niya, ayaw talaga niya akong pakawalan. Pilit kong iniwasan ang mga labi niyang papalapit sa akin, ngunit agad agad niyang hinuli ang mukha ko, hinawakan niya ang aking baba, pinilit na ipaling paharap sa kanya.
"Jeremy, please!" Nagpumiglas ako, pilit inilalayo ang aking katawan, pero mas malakas siya. Ramdam ko ang bigat ng katawan niyang sumasakop sa akin. Hindi na ako makahinga sa kaba. Nakipagbuno ako sa mga kamay niya, pero tila mas lumalakas pa siya sa bawat pagpiglas ko. Dumampi ang labi niya sa akin, marahas, pilit, at mapusok. Pilit akong lumaban, pilit akong tumakas, pero masyado siyang malakas. I’m sorry Kheil, I’m too weak.
Pakiramdam ko, wala na akong magagawa. Hanggang sa—
“Boss! Boss!” sigaw ng tauhan niya habang kumakalampag ng katok.
Napatingin si Jeremy sa pinto, kumunot ang noo niya, halatang galit na galit. Bumalik ang tingin niya sa akin, parang pinipilit pa rin ang gusto niyang gawin. Pero alam kong hindi ito pangkaraniwang katok.
Sino man ang nasa likod ng pinto, may mahalagang dahilan para guluhin siya.
"Bakit?!" galit na sigaw ni Jeremy, hindi inaalis ang bigat ng katawan niya sa akin. Tumigil ang halik niya, pero hindi pa rin niya ako binitawan.
"Sir, may tumatawag. Emergency," sabi ng tauhan niya mula sa labas ng pinto, mabigat ang boses, seryoso, natataranta.
Alam ni Jeremy na hindi basta-basta kakatok ang mga tauhan niya nang walang mabigat na dahilan. Mula sa galit, napuno ng inis ang mukha niya. Ramdam ko ang pagkabigo niya, pero hindi siya pwedeng magmatigas. Kinailangan niyang bumangon mula sa pagkakadagan sa akin, at ang mga kamay ko ay pinalaya niya na.
Kinuha niya ang kumot at itinakip sa katawan ko bago siya tumayo. Tinitigan niya ako sandali, parang nag-aalangan kung ano'ng gagawin, bago tuluyang tumalikod para abutin ang telepono. Tahimik kong inayos ang sarili ko, nanginginig pa rin ang mga kamay ko habang sinisikap kong huminga nang malalim. Ah, he scared the freakin’ sh!t out of me.
"Who’s this!?" malamig na tanong ni Jeremy, hawak ang telepono habang nililingon-lingon ako, bakas sa mukha niya ang pagkainis. Naghintay akong makinig sa sagot mula sa kabilang linya, pero halata sa tono ng boses niya na mabigat ang usapan. Nagsalubong ang kilay niya at lumalim ang kunot sa noo.
"Why should I?" malamig niyang sabi sa kabilang linya.
Nanlaki ang mga mata niya, I wonder kung ano ang pinag uusapan nila, at sino ang kausap niya. “Fine, all right, Fvck you!” gigil niyang sigaw.
Pagkatapos ay binagsak ang telepono. Tumalikod siya at huminga ng malalim, kita ko ang tensyon sa mga balikat niya. Nagtagpo ang mga mata namin, pero wala akong nabasang emosyon sa kanya, tila biglang nawala ang init na naramdaman niya kanina.
"Chevy," marahan niyang sabi, pero malamig. "We’ll continue this some other time."
Nanghina ako sa sinabi niya. I heaved a deep sigh. Oh thank goodness. Kung sino man ang nagligtas sa akin ay malaki ang pasasalamat ko. Gusto kong magalit, gusto kong magsalita, pero parang natuyuan ako ng laway at hindi ko alam kung paano sasabihin ang nararamdaman ko. Gusto ko siyang murahin, saktan, sampal-sampalin.
“Tangina talaga niyang kapatid mo. May araw din sa’kin yan.” Tumalikod siya, iniwan ako sa kama, at mabilis na lumabas ng kwarto.
Naiwan akong nakahiga, hinihimas ang mga pulsuhan kong pulang-pula. Tahimik kong inisip ang mga nangyari, umaasa na sana, hindi na ito mangyari ulit.
Salamat Lance.
Usal ko at pumkit. Tumulo na ang luha na kanina pa gustong kumawala sa aking mga mata.
Paano kaya niya patigil si Jeremy? Ano kayang pinag usapan nila? Hindi basta-basta susuko si Jeremy hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niya.
~~ ~ ~ ~ ~ ~ITUTULOY~~~~