Chapter Fifteen: The Kidnapper

1502 Words
Chapter Fifteen: The Kidnapper Chevy’s PoV Kinagabihan, nagkayayaan kaming bumili ng pizza dahil mag momovie marathon kami at bigla akong nag crave ng coffee doon sa labas ng subdivision, dahil malapit lang naman, nilakad na lang namin para bonding na rin. Habang naglalakad kami ni Kheil sa gilid ng pavement, sa may madilim na part ng daan dahil nakapatay ang poste ng ilaw, may tumigil na itim na Rolls-Royce Phantom na sasakyan. Napakabilis ng mga pangyayari. Lumabas mula sa sasakyan ang mga lalaking naka itim at nakatakip ang buong mukha, mata lang ang nakikita. Dahil marami-rami sila, wala kaming kalaban-laban ni Kheil, lalo pa at armado sila. Hindi ko na kinaya. Napakabigat ng dibdib ko, parang sasabog sa takot at galit. Wala akong magawa nang pinagsusuntok at pinagsisipa nila si Kheil habang pinapa-takas niya na ako. . Nanginginig ako sa takot. Napalunok ako habang tumingin sa mga mata ni Kheil. Hindi siya sumuko. Nakatingin siya sa akin na parang may sasabihin pa. Pero walang salitang lumabas sa kanya. Puno ng takot at galit ang mga mata niya. Kung kailan naman ikakasal na ako ay bakit ganito pa ang nangyayari. Wala naman akong kilalang may galit sa akin. Imposible rin kay Kheil dahil hindi naman siya Pilipino at hindi rin siya nakatira dito sa Pilipinas. Isang iglap, hinila ako ng lalaki patungo sa van. Pilit akong nagpupumiglas, pero walang silbi. Mabigat ang kamay ng mga tauhan. Parang bakal ang mga bisig na nakahawak sa akin. Nakita ko Isang baril ang nakatutok sa ulo niya. "Kheil!" Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko bago ako mawalan ng malay dahil sa may tumakip sa ilong ko gamit ang panyo na may pampatulog. Tuluyan na akong nawalan ng malay at nagising na lang ako na nakahiga sa likod ng isang umaandar na sasakyan. Naka busal ang bibig ko at naka tali ang aking mga kamay at paa. Hindi ako maka sigaw o maka kilos man lang. Pinipilit kong mag-isip ng paraan para makatakas pero, hindi ko alam kung saan kami papunta. Sa sobrang bilis ng pangyayari, para akong nawawala sa sarili. Bumilis ang t***k ng puso ko habang umuuga ang sasakyan sa mga humps sa daan. Mabilis kaming umaarangkada, tila ba may hinahabol o tinatakasan. Hindi ko alam kung ano ang mas kinakatakutan ko—ang hindi alam kung sino ang dumukot sa akin o ang posibilidad na hindi ko na makikita si Kheil. Umiiyak na ako dahil ano na ba nangyari sa kanya? Ang huli kong nakita ay nakatutok sa kanya ang isang baril. Pagdating namin sa kung saan man ito, nakita ko agad ang malaking gate at ang engrandeng facade ng napakalaking bahay. Napatingin ako sa paligid, umaasang may makakita sa akin, pero parang tahimik ang buong lugar. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko habang iniisip kung paano ako makakawala dito. Sobrang takot at kaba ang nararamdaman ko, pero hindi ko maipaliwanag kung bakit parang pamilyar ang lugar.Pinilit kong tanggal paain ang busal sa aking bibig, panyo lang naman ito ngunit hindi ko talaga matanggal ang tali sa paa at kamay ko. Napasulyap ako sa driver ng sasakyan, at doon ko lang naisipang tanungin, "Sino ba kayo? Bakit niyo 'ko dinukot?" “Huwag kang mag alala Miss. Napag-utusan lang ako ni Boss. Mabait naman yun kaya chill ka lang,” sagot ng katabi ng driver. Huminto kami sa napakalaking wooden front door at dahil nakatali ang mga kamay at paa ko ay binuhat ako ng driver na parang kargador sa pier. Matangkad at macho naman siya habang ako ay bagamat matangkad pero magaan lang ako dahil payat ako. Hindi na ako pumalag hanggang sa pinasok na ako sa isang silid sa third floor.Dahan-dahan akong ibinaba sa kama. Isang malalim na boses ang narinig ko mula sa kung saan. Dahil dim light lang ang ilaw kaya hindi ko gaanong maaninag kung nasaan ang kinaroroonan ng tinig, "Huwag ka nang mag-alala, Chevy. Hindi kita sasaktan." Nagulat ako. Hindi ko inaasahan na maririnig ko ang boses na iyon, it was Jeremy’s. I don’t know why I begun to feel nostalgic. Biglang bumalik sa akin lahat ng alaala ng kabataan namin. “Jeremy…” Hindi ko akalain na siya ang nasa likod ng lahat ng ito. Siya, na matagal nang nawala sa buhay ko. Siya, na isang parte ng nakaraan ko na pilit kong kinalimutan. Pero bakit siya nandito? At bakit niya ako dinukot? "Jeremy? Ikaw ba 'to?" Napalunok ako ng laway habang tinitingnan ang madilim niyang silhouette. Lumapit siya sa akin, at doon ko lang napansin ang kabuuan niya. He’s half-naked, showing off his upper body full of tattoos. Yeah, that bad boy vibes. "Oo, ako nga," sagot niya, may kakaibang ngiti sa labi. Parang alam niya na magugulat ako sa mga susunod niyang sasabihin. "Ikakasal ka na pala.” Natigilan ako. “How did you know? Wala naman nakaka-alam nun kundi kami lang ni Kheil. Are you stalking me?” Lalong nanlaki ang mga mata ko. Naalala ko si Kheil. “No way! Anong ginawa mo kay sa fiance ko?” nag hihisterical kong tanong sa kanya. Lumapit siya sa akin at nanlaki ang mga mata ko nang may hawak siyang panaksak. “Relax, Chevy. Buhay pa si Kheil. He’s in the hospital right now, pasensya na at masyadong mainit ang mga tauhan ko. Nanlaban kasi si Kano kaya nakatikim tuloy.” “Damn you…” anas ko sa kanya. I felt disgusted. Bakit kailangan niyang saktan s Kheil. Pinutol niya ang pagkakatali sa kamay at paa ko gamit ang hawak niyang kutsilyo. “I miss you chevy. Alam kong hindi mo rin ako makalimutan. Kaya nga tumandang dalaga ka na. Mahirap talagang makalimutan ang naka-devirginize sa’yo.” Nahiya ako bigla nang sinabi niya yun pagkatapos ay pumaibabaw pa siya sa akin. Naalala ko tuloy ang nakaraan namin na pilit kong kinakalimutan. Flashback Biglang bumalik sa akin ang lahat ng alaala, ang mga araw na magkasama kami ni Jeremy, mga kabataan namin kung saan puro kalokohan ang inatupag. Siya yung tinaguriang 'troublemakers' sa school. Laging nasa detention, lagi siyang pinapatawag ng principal. Sa tuwing may gulo sa eskuwelahan, Typical bad boy ng school na pang telenobela. Sa totoo lang, siya ang tinaguriang "gangster heartthrob" noon. Palaging may nagagalit na teacher sa kanya, laging may pasa dahil sa away. Pero, kahit ganun siya, parang may kakaiba sa kanya na nagustuhan ko. Siguro kasi marunong siyang magpakita ng concern, at strong liking sa akin kahit na sobrang payat ko pa noon at mukha nga raw akong kapre. Nakakatawang isipin na ako, si Chevy na tahimik lang noon, ay nadala niya sa ganoong klaseng mundo. Sa kalokohan niya. Naging bad influence siya sa akin, at hindi nga iyon naging maganda para sa akin at relasyon ko sa parents ko.. Noong una, akala ko kalokohan lang lahat, we’re childhood friends, family friends ang ma magulang namin. Mga bata pa kami ni Jeremy, hindi marunong makinig. Pero habang tumatagal, iba na ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano, pero nahulog ako kay Jeremy. Pinakita kasi niya sa akin ang vulnerability niya, ang soft side ng isang bad boy. Isa kasi siyang neglected child dahil na rin busy ang family niya sa kumpanya. Sa akin siya nagpapa comfort. Sa pagkahumaling namin sa isa’t isa, napilit niya akong makipag-sx sa kanya. Napabalik ako sa kasalukuyan nang naramdaman kong hinubad na niya ang damit ko. "Naalala mo ba yung mga first time natin noon?" tanong ni Jeremy, habang hinawakan ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit ko siya hinayaan. Parang may parte sa akin na gustong bumalik sa mga panahong iyon, pero hindi ko rin maiwasang magalit. Kasi, bakit ngayon lang? Bakit ganito? Pakiwari ko kasi ay kinuha niya lang talaga ang virginity ko at hindi niya na ako pinaglaban pagkatapos nun porke nakuha niya na ako, "Jeremy, hindi mo na kailangang gawin 'to. Wala na 'yung dati. Tapos na 'yun." .Parang lumulutang ang isip ko sa bigat ng sitwasyon. Pero hindi siya nagpatinag. "Hindi pa tapos ang lahat, Chevy. Alam kong may nararamdaman ka pa rin. Hindi ba?" Tumigil ako. Hindi ko alam ang isasagot. Gusto ko siyang sampalin, gusto kong sabihing mali siya. Pero... mahina ako. Lalo pa nang dumampi ang mga labi niya sa labi ko, Si Jeremy ang first ko sa lahat, lahat. First holding hands, first kiss, first sx. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Sinasabi ng isip ko na mali 'to, na dapat lumaban ako, na dapat lumayo ako kay Jeremy. Pero wala akong magawa. Ganito ba ako karupok? Ganito pala ang epekto ng emotional attachment ng first sx na kahit ilang taon na ang lumipas ay tila ramdam ko pa rin ang haplos niya sa akin, Pilit kong binabalikan kung ano ba ang nangyari noon. Bakit hindi niya ako pinaglaban noon. At ngayon, bakit bigla siyang bumalik? At sa ganitong paraan pa? “Chevy, I know you still love me. I want to win you back. Lahat gagawin ko, bumalik ka lang sa akin.” ~ ~ ITUTULOY~ ~ ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD