Chapter Four: Nude Painting Session
Lance's PoV
"Lexi... Lexi..."
Nakatitig lang si Lexi sa akin habang hinihintay ang susunod kong sasabihin.
"Lance ..."
Pinakawalan ko na ang pulsuhan niya at napayuko na lang. “I’m sorry, Lexi. I’m just a man, tinitigasan din.” I heaved a deep sigh. Kailangan ko pigilan ang sarili ko. “Sige na, pose ka na.”
Nilayuan ko na siya at umupo sa upuan ko para maumpisahan na ang pag pinta ko sa kanya. Habang siya naman ay pumwesto ng naka tagilid ng higa at nakaharap sa akin. Napalunok ako nang tinanggal niya ang puting tela na tanging tumatakip sa kanyang kahubaran. Ang fierce ng kanyang tingin sa akin. Tumutulo ang pawis ko sa noo kaya panay punas ko. Bakit ganon bukas naman ang aircon pero tagaktak ang pawis ko. Iba talaga si Lexi, presensya pa lang niya ay nangangatog na ako, much more, she being naked in front of me. Glaring at my eyes with an intense look. Tiklop talaga ako.
Isang oras ko na siyang ginuguhit pero wala pa ako sa kalahati. Mukhang aabutin kami ng gabi. Panay kasi ang sulyap ko sa kanyang bo0bs kahit pilit kong iniiwasan. Nadidistract talaga ako. Panaka-naka ang tingin ko sa kanyang ibaba. Ayoko talaga siyang manyakin dahil professional painter ako pero iba ‘to, si Lexi ito.
Hindi ko talaga matapos-tapos ang pag paint sa kanya, alam kong masakit na ang leeg at balakang niya sa pag-pose ng tagilid. Isang oras na rin kaya sabi ko ay mag break time muna kami. Umabot kami ng buong maghapon, ilang oras bago matapos ang private session namin.
“Ita-transfer ko na lang sa bank account mo yung bayad,” sabi ko at kinuha ko na ang damit niya. Hinablot niya mula sa kamay ko ang damit at nagbihis. I don’t know pero parang sobrang awkward ng pakiramdam sa pagitan namin. Kasi naman ngayon lang kami nagkaroon ng ganitong intimate moment. Natigilan ako at naalala ko ang kanina na muntik ko na siyang angkinin.
Kinabukasan, pumasok siya sa office. Hindi ko siya napigilan. May kailangan daw siyang ayusin don kaya kahit na sinabi kong mag leave na siya ay hindi niya ako sinunod. Hindi ko naman siya mapigilan. Ayoko talaga but what can I do? I cannot keep her in my house forever. Natutulala ako sa tuwing naaalala ko ang hubad niyang katawan.
Lancelooot!
Nangarag ako sa hiyaw niya. Napabalik ulit tuloy ako sa reality.
“Oy Lance. Uwi na tayo,” sabi niya matapos niyang tapusin kung ano man ang ginagawa niya.
Gabi na nga. Hindi ko namalayan ang oras. Parang kaka lunch lang namin kanina tapos 10:12pm na pala. Tumunog ang cp niya, napa kunot ang noo niya mukhang si Kheil ang nag text sa kanya.
“Lance, pwedeng paki hatid ako sa bahay?”
“Bakit? Mag-uusap kayo ni Kheil?”
“Ah no. Wala siya sa bahay. Pwede daw akong matulog sa bahay niya ngayon kasi nasa out of town siya.” Napa-irap siya, inangkin na kasi ni Kheil ang bahay niya. Please, Lance. Kasi ihu-whole body massage mo pa ko eh. Wala ka namang pininta ngayon, tumambay ka lang sa office ko saka hindi ka rin nag turo. Mag hapon ka nga nandito di ba? Kaya hindi ka mapapasma.”
“Oo na nga di ba? Di ba? Atat na atat?” sabi ko.
At syempre as usual dun ako matutulog. Automatic na yun. Pag labas namin ng office niya. Naabutan namin si Shiela na natutulog sa desk nito at naalimpungatan yata dali-daling napatayo. Super loyal nitong secretary niya. Hindi umuuwi hanggat nasa Office pa si Boss.
“Halika na. Sabay ka na sa amin.” Niyaya ko si Shiela.
“Yeah, Shiela. Ihahatid ka na namin,”segunda naman ni Lexi.
After naming ihatid si Shiela, diretso na kami sa bahay ni Lexi. Ewan ko ba, lagi naman akong nandito sa bahay niya pero this time, kinakabahan ako.
After I parked my car inside her garage, bigla na lang siyang sumalabay sa likod ko na
parang bata. Yun bang tulad ng napapanuod sa k-drama na pasan-pasan ng lalaki yung
babae sa likod niya. Piggyback yata ang tawag dun. Ang cheesy daw ng meaning nun.
Para sa akin, pagpapahirap ang meaning nun. Kasi ba naman hanggang sa pagbukas ng pinto,
(may duplicate ako ng lahat ng susi ng kwarto sa bahay niya) hanggang sa pag akyat ng hagdan, buhat buhat ko siya. Pag dating namin sa master’s bedroom dun lang siya bumaba sa likod ko. Sa pinto dun na namin tinanggal ang mga sapatos. Sinuot ko ang pink na slippers. Akin yun eh. Kay Lexi yung blue... Hate kasi niya yung pink. Wala naman akong reklamo kahit tingin ko masagwa ang pink sa kayumanggi kong balat. Sabi kasi nila real men wear pink.
Anyway, ito na si Lexi biglang nag dive sa kama niya. Mukhang pagod na pagod. Magpapahinga lang daw siya saglit at magsha- shower na. Napalunok ako… Dumudumi na naman ang isip ko. Then bigla siyang bumangon and uttered a prayer...
Siguro, pinag pray niya ako... Kasi parang biglang luminis yung pag iisip ko. Pumasok na siya sa banyo na nasa loob ng room dala ang mga anik-anik. Matagal kasi siyang maligo. Bumuhos na ang tubig mula sa shower. Kumanta kanta kahit out of tuned. Sweet naman yung singing voice niya kaya masarap pakinggan.Parang ibong Adarna. Unti-unti ng pumipikit ang aking mga mata. Kahit na mas malambot ang kama ko, mas feel kong matulog sa kama na ‘to. Katabi ko kasi si Lexi.
Nananaginip na ata ako kasi parang naaninag ko si Lexi. She’s naked. Parang katulad nung nude painting sa office ko.
Ah ok... Nananaginip nga ako. Lagi ko kasi yun tinitignan kaya kahit sa panaginip nakikita ko. Pero lume-level up na ‘tong panaginip ko ha. Nararamdaman ko na, hanep! Parang 3D! Pero mas high-tech pa kasi naaamoy ko na, ang bango-bango. 5D na ito! Nangigigil na ‘ko! Tutal panaginip lang naman ‘to lulubusin ko na.
Niyakap ko siya ng mahigpit. “Huli ka sa wakas!” sigaw ko. At sinigaw ko pa talaga ng malakas.
Lancelooot! Bitiwan mo nga ko. Gumising ka nga!
Ay syeeeet! Parang totoo na talaga! Kasi may audio na.
Bigla akong napa balikwas sa malalim kong pagkatulog. Nakita ko si Lexi hawak ang palad. Namumula.
Ouch! Napa hawak ako sa panga ko, parang masakit ah.
“Sorry ha. Niyakap mo kasi ako eh. Kaya nasampal tuloy kita.”
Muntik ko na siya mamura dahil sa sampal na yon. Totoo palang nangyari yun habang tulog ako.
“Anong ginawa mo sa akin?” tanong ko sa kanya. Napataas ang kilay niya.
“Wow ha. Feeling mo ni-rape kita?”
“Itsura mo kasi... Mukhang bold star.”
“Sabi mo I mamassage mo ‘ko? Matutulog ka lang pala.”
“Ang tagal mo kasi maligo. O sige na. Higa na.”
Aba ang bilis. Dumapa nga kagad at tinanggal ang suot na bathrobe. Wala siyang bra. Naka short shorts lang.
“Lotion o powder?” tanong ko. Ngunit hindi na siya sumagot. Tulog agad? Ano ba yan. Edi hindi ko na pala siya kailangan i-massage. I tutulog ko na lang din. Hihiga na sana ako nang bigla siyang nag salita.
“Lotion.”
Hay... Gising pa pala. Kaya kinuha ko ang lotion niyang napaka bango. Pinahid sa likod niyang napaka kinis at kaputi-puti. Dahan-dahan... Nanginginig na ang mga kamay ko. Lalo na nang marinig ko ulit ang ungol niya.
Ahhh Lance...
Yun na ang last kong narinig mula sa kanya at tuluyan na siyang naka tulog. Ilang sandali lang, nag change position siya.
Good sht! Umayos siya ng higa at nakaladlad ang kanyang alindog. Naalala ko na naman yung de painting session namin kahapon. At heto ako ngayon, nakatulala sa kanyang kagandahan. Nagtatalo na si evil at si clean conscience.
At tama nga ang old cliche—
“Sa huli, ang mabuti pa rin ang nagtatagumpay. Hindi matatalo ng kasamaan ang pwersa ng kabutihan.”
I decided to cover her with a blanket at matulog na lang. Niyakap ko siya gaya ng lagi, hindi naman iba ito sa amin. Nagulat ako nang gumalaw siya
“Lance” ang sambit niya.
—----ITUTUOY—--