Chapter Five: The Fraternal Twins
Lance’s PoV
“Lance…”
Biglang nagising ang diwa kong antok na antok na nang sambitin ni Lexi ang pangalan ko. Akala ko ay tulog na siya. Kakaiba ang pagkaka-banggit niya kaya hindi na ako sumagot, hinayaan ko na lang siyang magsalita.
“Lance, do you… do you lo—”
Napahigpit ang yakap ko sa kanya. Nakatalikod kasi siya sa akin kaya hindi ko makita ang kanyang mukha kung gising ba siya o nananaginip lang. Ako kasi ay madalas nag sleep talk kaya baka ganun lang ang nangyayari kay Lexi ngayon dala ng sobrang stress sa work, properties, at stepbro niya. Pigil hininga kong hinintay ang karugtong ng kanyang tanong.
“Lance, did you transfer your payment? Kailangan ko na ng milyon.”
Napabuntong hininga ako at tumamlay ang pagkakayakap sa kanya. I was so disappointed. Hindi yun ang inaasahan kong marining. I was expecting something romantic like, “Lance, do you love me?” Marahil nga, hanggang bestfriend lang ang tingin niya sa akin. Kailangan ko na yun tanggapin.
“Yes. Almost half a million. Yun lang pwede kong i-deposit. Pero nag bayad siya ng cash. Fifty million.”
Bigla siyang napabalikwas at niyugyog yugyog ako. “Lance, wake up. Huwag mo ‘kong binibiro ng ganyan .I have to clear things up. Gising. Magkano nga ang binayad niya sa painting?”
“I’m wide awake, Lex. Alam ko pinagsasasabi ko. Fifty million cash.”
“No way. No fvcking way! Sinong bobo ang bibili ng nude painting ko?”
“Nasaktan naman ako. Parang sinabi mong ang pangit ko mag-paint,” sabi ko sa malungkot na tinig habang nanatiling naka-pikit. Nasaktan talaga ako.
“No. It’s not what I meant, Lance. I mean, syempre ‘di ba, ako lang naman ‘to—” narinig ko ang pag buntong hininga niya. Mukhang na-kalma na siya. “Alright, oo nga. Hindi naman dahil sa akin kaya yun nabenta. Huwag akong assuming. Yung pirma mo talaga ang binayaran don. Lance Luna lang sakalam.”
“Matulog ka na. Bukas dadalhin ko sa office mo yung fifty million.”
Bumalik siya sa pagka-higa na nakatalikod sa akin. Muli ko siyang niyakap. I love cuddling her, especially at night.
“Pakisabi ka Mr. Billionaire, salamat.”
“Umh uhm,” I uttered.
“Thank you, Lance. I owe you so much,” bulong niya at hinimas himas ang braso kong nakapulupot sa kanyang baywang. Natulog kami sa ganong ayos.
Kinabukasan...
Mas maaga akong nagising. Valentine’s day kasi ngayon. At yearly ritual ko na ang magpadala ng bouquet of flowers kay Lexi.
Pag pasok niya sa office yun ang una niyang makikita sa kanyang table. Aamoy- amuyin. Tapos yayayain kong kumain sa favorite resto na college friends namin ang mga owner at alam na alam na ang kakainin namin pag Valentine’s Day... and that will make her day.
But this time, para maiba ng konti ay personal ko ng ibibigay sa kanya. For sure masu-surprise yun. This time, three red roses. Bahala na kung isipin niyang’ I love you’ yun. Eh totoo naman. At ok lang kung hindi niya tanggapin. Ihahanda ko na ang sarili ko.
Pag pasok ko sa office niya, ako ang na-surprise.
Meron na siyang hawak-hawak na dozen of red roses at inaamoy-amoy.
Alam kong magte- thank you na sana siya sa akin pero napa kunot-noo siya habang nakatingin sa hawak kong three red roses waring tinatanong ako kung ...
“Definitely it’s not mine,.” agad kong sabi sa kanya kahit wala pa siyang tinatanong.
“Eh kanino yan/to galing?” sabay naming tanong.
Biglang may tumapik-tapik sa balikat ko. Ka gwapong nilalang! Nakaka bakla ‘to.
Patay na! Galing ba sa kanya yung mga red roses? Bigla akong napanghinaan ng loob, kung ako nga nagwapuhan sa lalaking to, paano pa si Lexi? Ayaw kong makita ang reaction niya ngayon.
Kasi alam ko naman kinikilig siya. Ngayon na para niya ng nakita sa personal ang kanyang super ultimate crush since birth pa ata--- Leonardo DiCaprio. Pero black hair at green eyes.
Pero...
Kabaliktaran yun ng reaction ngayon ni Lexi. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang galit. Parang pinag sasampal na nga niya sa pamamagitan ng titig lang ang Amerikanong may pagka ngiting aso.
“Brix? Oh bloody hell, hindi pa nga tapos ang isang problema ko may isa na namang dumating. Bakit hindi maubos ang kontrabida sa buhay ko?”
‘Brix? Sa pagkaka-alala ko ay kambal ito ni Kheil. Fraternal twins sila. Mas mukhang mabait siya kaysa sa kambal niya pero lahat ng kumakalaban kay Lexi ay kalaban ko na rin. Lalo na kung popormahan niya si Lexi. Bakit may pa dozen of red roses?
Nag usap sila sa labas. Hindi na ko naki chismis mukhang seryosong usapan yun. Saka sasabihin rin naman ni Lexi kung ano ang napag usapan nila. Kaya habang nag uusap sila sa isang mas private na room, umupo na lang ako sa mahabang couch. Maya-maya, may pumasok na lalaki,. Napa kunot ang noo ko. Akala ko ba nasa out of town ang kumag na ito bakit ba nandito na naman?
Sinamaan ko siya ng tingin para iparamdam na hindi siya welcome. Pero sadyang makapal ang mukha nito. Umupo sa couch at tinignan ang mga books ni Lexi na naka display sa center table.
“What a crap–” Narinig kong bulong niya. Hindi lang ako sure kung yun mismo ang sinabi niya. Hinagis pa niya ang iba parang tn-trigger talaga akong magalit. Inangasan ko rin. H’wag siyang loloko-loko sa akin. Pero…
Bad trip! Dahil napilitan akong mag yayang kumain sa resto. Lumabas na sina Lexi at Brix sa office ni Lexi. For the first time, apat kaming magde-date. Mukhang nadaan nila sa malumanay na usapan ang mga conflicts nilang step-siblings.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa office ni Lexi. Ayoko ng ikwento ang nangyari sa resto. Napahiya kasi ako dun dahil sa kalokohan ng kamablna ‘yon. Dapat dun ako sa office ko ngayon eh but I can’t leave Lexi alone. Napag usapan kasi ulit ang properties ng kanilang dad na namayapa na. Hays, kung ako lang, bibilhin ko na lang ang lahat ng properties na pinag aagawan nila para wala ng away pero it’s more than material things ang usapan nila. Pride, ego, at rivalry ang puno’t dulo ng conflicts nila. Pare-parehong ma pride kaya ayaw magpakumbaba. Walang gustong mag paubaya. Pumasok si Lexi at Brix sa loob ng office ni Lexi. Habang kami ni Kheil ay nanatiling naka upo sa couch, kapwa naghihintay na matapos ang pag-uusap nila Lexi at Brix. Nakaka-stress nga para kay Lexi ang mga bagay-bagay. Usto lang naman niyang ipaglaban ang karapatan niya at alaala kanyang namayapang ama na hindi niya nakasama.
Mukhang mas matinding pag uusap ang ginagawa nila ngayon. Nagsisigawan na sila. Siguro ito na yung cue ko para pumasok na sa eksena. But damn! I hate what I am seeing. Lexi looks so pale. Parang may ginawa ‘tong mokong na ‘to sa kanya. He’s looking at me sharply so I gave him a sharper look. Yun bang tingin pa lang, nananapak na.
Immediately I dragged Lexi away from that @s$h0le named Brix. Maaga pa pero dinala ko na lang siya sa bahay. Dun muna kami and she told me everything that happened.
“ Asar! Talagang asar! “
Hiyaw ni Lexi while yanking my hair. Naka Indian sit siya sa kama while ako ay naka dapa. Ang sakit ng sabunot niya. Ok lang naka yakap naman ako sa kanyang bewang habang nakasubsob ang mukha ko sa kanyang lap.
“Chill Lex...” Yun lang ang masasabi ko.
“No, I can’t! Ang sama ng ugali niya. Sayang kamukha pa naman niya si ultimate crush. Hay ang gwapo niya talaga. In fairness.”
Loka-loka na ‘to. Kanina lang galit na galit tapos binanggit lang crush niya kilig na kilig na. Bukod kasi kay Leonardo wala ng gwapo para sa kanya. At sa dinami-rami ng pwedeng makahawig ni Kiel at Brix, bakit si Leonardo pa?! Nagseselos tuloy ako.
“Oy Lexi. Si Leonardo bakla yun. Kailan ka pa nagka crush sa bakla?” asar ko sa kanya.
Napa isip... Sumeryoso... At tumitig siya sa akin...
“Simula nung... Naging crush kita.”
Nagulat ako sa sinabi niya. Natahimik ako. Parang gusto ko na siyang halikan, lamas-lamasin, at angkinin.
— ITUTULOY—-
salamat po sa pagsubaybay. comment naman po. thank you.