CHAPTER NINE: Chevy Luna

1104 Words
CHAPTER NINE: Chevy Luna CHEVY’S POV Yeah, Chevy Luna is my name. Kinda weird... Parang gay lingo lang. Thanks be to my parents. I was conceived daw sa loob ng Chevrolet... Kaya Chevy. Wow ha! What a nice idea. Paano na lang kung sa jeep ako ginawa ng parents ko? What then would be my name? Sarao? Ridiculous! Pero pang asar lang naman sa akin yun ng younger brother kong si Lance. Maloko yun lokong yun eh. Si Lance, I miss him so so much. Isang taon na kaming hindi nagkikita. Busy kasi ako sa Thailand bilang model. Actually, high school pa lang ako noon nang pinadala ako ng parents ko sa Thailand kaya matagal na talaga na hindi kami nagkikita at nagkakasamang magkapatid. Pasyal pasyal lang siya sa Thailand at inaasikaso ang mga kumpaniya niya pero hindi talaga siya nag tatagal. Na-mimiss niya yata agad ang childhood sweetheart niya. Last year nang huli siyang dumalaw sa akin kaya this year ako naman ang dadalaw sa kaniya dahil masiyado yata siyang abala bilang petiks na painter. Kaya nga pala ako pinatapon sa Thailand ay para parusahan. Masiyado kasi akong na in love sa childhood sweetheart ko to the point na nilihim namin ang aming relasyon dahil masiyado pa kaming mga bata. Naranasan ko rin tumakas sa klase para magkita kami ta gumala gala, minsan sa school lang din o sa mall, mag lalaro sa arcade . Basta isa siyang bad influence sa akin. Masama ang loob ko noon sa parents ko dahil masyado pa akong bata para sa ganito katinding parusa. May mayaman akong tita sa Thailand na hindi magka-anak kaya parang gusto niya akong ampunin. Hangang sa namatay na lang ang parents namin ni Lance dahil sa car accident. We don’t know kung aksidente ba talaga yun o planado. Dahil masyado pa kaming mga bata noon ay hindi namin naisip ang ganung bagay at ngayong malaki na kami, maraming haka-haka na posibleng may pumatay sa kanila dahil matagal na rin silang wala ay pinasa-Dyos na lang namin ang lahat. Hindi naman ako nag aalala kay Lance, alam kong inaalagaan siya ni Lexi. Alam ko rin na obsessed siya sa so-called bestfriend niya. Hindi naman ako bothered sa obsession niyang yan. Tingin ko kasi ay mahal din naman siya ni Lexi. And still puzzles me bakit kaya hindi na lang sila magka aminan at ng matapos na? Matatanda na sila, 30, I think. Mentally, physically, financially stable na sila pareho. Maybe emotionally ay hindi pa? I don't know. Bihira ko lang din kasi makausap si Lance. Bakit ko nga ba sila pinipilit mag asawa eh ako nga mismo ay walang love life. Thirty-three years old na ako pero single pa rin. Hindi naman sa hindi ko malimutan ang first love ko sadyang, wala lang akong matipuhan, yun bang magpapatibok ng puso ko. Anyway, excited na akong makita sila Lance at Lexi. Sinadya kong February 15, ang flight ko para masolo nila ang Valentine’s ng sila lang. Alam kong nag de date sila na parang mag boyfriend. Bakit kasi hindi pa totohanin parang mga tanga lang. Sinadya ko rin na maaga ang flight at hindi pinaalam sa kanila ang pag dating ko para surprise! Well, they surprised me more. Akalain mo ba naman na naabutan ko sila sa bahay ni Lance na tulog na tulog. Anong twist? Magkayakap lang naman. Anong bago? Eh common lang naman sa kanila yun. Well, sila ay magka yakap ng parehong nakahubad! C’mon try to explain it. Anong kaguluhan yan? Dahil nakaka aliw silang pag masdan habang magkayakap kaya hinayaan ko na lang silang magising ng kusa. Bumaba ako at nagtungo sa kusina at nagtimpla muna ako ng black coffee. Pagkatapos ay doon ako sa couch ng bedroom ni Lance para hintayin silang magising. “Aaaahhhh! Oh my goodness! Fvck!” Tawa ako nang tawa nang magising si Lance at napatili pa nga nang makita akong naka upo at nakatitig sa kanila habang nagkakape. “What the hell, Chevy! Binabangungot ba ako? You look like a witch na may mini cauldron,” hiyaw ni Lance na naalimpungatan pa. “Oh MG, dear bro, nakakatawa talaga yung mini cauldron. Grabe ka naman sa’kin. Sinabihan mo ‘kong mangkukulam.” I laughed out loud habang pilit na hinahawakan ang hawak kong cup of coffee para hindi ko mahulog. Nagising din si Lexi sa lakas ng sigaw niya. At kapwa nahiya sa akin dahil sa itsura nila. “Kailan pa kayo nag pakasal? Ni hindi niyo man lang ako naisipang i-invite,” tanong ko sa kanila habang nagbibihis sila. “ Chevs... Walang kasal,” sabi ni Lance. “O, eh bakit may honeymoon na?” Hindi sila maka imik. So does it mean, may nangyari sa kanila? “It’s not what you think, Chevs.” Yun lang ang sinabi ni Lance. Should I believe him? Eh ibang-iba sa nakita ko. May bahid pa nga ng dugo ang bedsheet. Oh shoot, no way. It was their first time? Sa itsura kasi ni Lexi mukhangmasakit ang katawan niya at yung ibaba niyang part. Hay... O siya... I have to leave them alone. Pumunta kami sa gallery ni Lance. Tinignan ko ang pinagmamalaki niyang mga paintings. Ewan ko ba, minsan naniniwala na rin akong unfair ang life. Kasi naman, itong kapatid ko, sinwerte talaga sa career. Akalain mo ba naman na magiging sikat na painter at ang mga obra niya, mabebenta mo sa napaka unreasonable price. Hey, yun bang ang bibili nung mga yun eh walang magawa sa pera. Saka ‘di hamak naman na mas magaling, mas, maganda, at mas artistic ang mga obra ni Lexi. At kung bakit naman kasi nag tiyaga sa pagsusulat. Sa bagay kaniya- kaniyang trip lang yan. Dun siya masaya eh. Dun siya nakakakuha ng satisfaction. Parang ako. Isa akong nurse by profession pero sa pag momodel ko natagpuan ang hinahanap ko. Anyway... May isang painting dun na agaw pansin. Favorite ko na yun siguro. Masyadong mystical. Abstract ang concept. Kaya hindi ko maunawaan kung anong gustong iparating ni Lance sa painting na ito. So I asked him, “what's the meaning of this painting, Lance?” “ Abstract... Dedicated yan kay Lexi,” bulong niya sakin. “Abstract kasi siya... Abstract ang love namin. Malabo, hindi maunawaan, mahirap ma gets, ganun. Understood?” Ahh. Tumango-tango na lang ako dahil gets ko na. Speaking of abstract... Naki Sali si Lexi sa usapan nang makita kami ni Lance na pinag uusapan yung painting. Kaka upo lang namin nang may dumating na ooowwwowow am I actually looking at a Hollywood actor? OMG he’s stunningly handsome para akong nagayuma. ~ ~ ~~ITUTULOY ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD