Chapter Ten: Morning Date

2181 Words
Chapter Ten: Morning Date Chevy’s POV Na starstruck ako sa lalaking dumating sa art school ni Lance. I smiled at him. Care less kung sabihin man niyang flirt ako. A stunningly handsome man, blonde hair, blue eyes, six-footer. Perfect. Pero parang hindi natutuwa ang dalawang lovers. Parang ang bigat na ng atmosphere dahil nakasimangot ang dalawang kasama ko. Si Lexi ay naka kunot ang noo. Habang si Lance naman ay parang nanununtok na ang tingin niya. Ah ok. It must be Lexi’s twin step brothers na kinukwento nila sa akin. He’s either Kheil or Brix. Gwapo lang daw ‘tong fraternal twin na ‘to pero masama ang budhi. Mukhang hindi naman. Parang mas gagawa pa nga ng kalokohan yung kapatid ko. Kung si Lance pa ang nagsabi nun hindi talaga ako maniniwala. Kaso si Lexi na ang mismong nag sabi. She told me earlier na huwag na huwag kong kakausapin ang mga step brothers niya kasi nga masasama ang budhi. Kakarating lang nung lalaki tapos bigla namang umalis sina Lexi. Ay walk-out? Halatang hindi welcome So... Ano na? Iwanan ba ako rito, kasama ang lalaking may masama daw ang budhi. Buti sana kung maniyakin lang ako eh, pero bad pa rin yun, what I mean is, paano kung saksakin ako? Scary. Napaparanoid ako. Pero yang mukhang yan... With his blue eyes. Oh goodness, ang sarap niyang titigan. Parang may background music akong naririnig... ♪ ♪Why do birds suddenly appear, every time you are near. Just like me they longed to be.... Close to you.♪♥ Ayiee, para akong teenager na kinikilig. Kahit na 34 years old na ako. Matandang dalaga na raw ako sabi ng mga friends ko, pati nga rin colleagues at mga hindi ko kilala. Kasi naman, hindi ko alam kung bakit walang nanliligaw sa akin. Maganda naman ako,sexy, mayaman, at mabait. Si Lexi, 30 years old na yun at NBSB kasi walang nagtatagal na manliligaw. Kasalanan yun ni Lance. Sa akin siya nag kukumpisal sa tuwing may hinaharang siyang manliligaw ni Lexi. Pero bakit naman ako? Wala naman akong best friend na obsessed sa akin para humarang sa manliligaw ko. Sadyang wala lang suitors. Kahit paramdam lang ay wala. Sometimes I question myself, ano bang kulang sa akin? Sabi nga nila, nasa akin na ang lahat pero bakit ang malas ko sa pag-ibig? Parusa siguro sa akin kasi binigyan ko ng sama ng loob ang mga magulang ko. Mukha raw akong kapreng kalansay sabi ni Lance, magtataka pa raw ba ako? Si Lexi lang talaga ang may matinong conclusion. Masiyado raw akong classy kaya ang mga lalaki, intimidated. At ang isang ‘to na nasa harap ko at naka ngiti pa, hindi man lang nailang sa akin. Hindi na ako mag papakipot kapag niyaya ako ng date. At talaga naman... Nabasa yata ang isip ko... “May I invite you to have a cup of coffee with me?” tanong niya sa akin pero mukhang mag babago pa yata ang isip. Nakatingin kasi sa kape ko. “Ah sure. I’d love to.” Pumayag ako kahit pangalawang kape ko na to. Basta makasama ko lang siya, kahit tatlong kape pa lalaklakin ko. Wala na kaming inaksayang sandali. We went to the nearest cafe. Wala kaming in-order na kape. Naka dalawang cup na kasi ako ngayong umaga, pag amin ko sa kaniya. Habang siya naman hindi nagkakape.. Kaya orange juice na lang. Umorder pa siya ng waffles for two. “You want me to slice it to bits for you?” tanong niya sa akin. Wow sweet ha. Ito ba ang may masamang budhi? I don’t think so. Kita ko sa kanyang mga mata ang genuinity ng pagiging gentleman. “Ah sure,” sagot ko then I smiled. Uy kinikilig ako. Nakakatuwa naman siya. Typical American ang itsura niya pero walang accent ang Tagalog kahit na madiin ang New Yorker accent niya. Mukhang siya na ang gusto kong makasama habambuhay. Mabilis ba? Baka kasi maunahan pa ako. Saka dapat ko nang malaman ngayon pa lang kung talagang masamang tao ‘to. “By the way... Kanina pa tayo magkasama, I still don’t know your name. I think I saw you somewhere. I just can’t remember when or where,” sabi niya sa akin. Oo nga pala noh. “Chevy Luna. Lance’s older sister. I’m a professional model from Thailand. You? Kheil Malik?” malandi kong tanong habang nang-aakit din ang aking tingin sa kanyang mga mata. Oh, how I love those blue eyes of his. “Yes. So, siguro sa magazine kita nakita.” He smiled. Uy, may dimple siya. Ang cutie. “Nakwento ka na nila sa akin,“ sabi ko sa kanya before sipping my orange juice. Nalungkot siya bigla. Nawala yung dimple niya. Nalungkot din ako. “Evil monster daw ako. Ogre. Beast. Yun siguro sabi nila about me.” “No. Ano ka ba hindi noh,” sabi ko sa kaniya to cheer him up. Totoo naman hindi yun yung sinabi nila. Masama ang budhi- yung term nila. “Hindi ko talaga alam ang nangyayari between the two of you ni Lexi. Ang alam ko lang pinag aagawan niyo yung bahay at publishing company. Tama ba?” Binaba niya ang hawak na fork at tumingin maigi sa mga mata ko. Naku! Na offend ko yata siya. “I don’t know if I should tell you this...and how I will tell it.” “Ah ok lang naman kung ayaw mo. Out na ko sa issues niyo. Si Lance lang naman talaga ang affected. You know naman siguro he loves Lexi so much.” “And Lexi feels the same way too. Alam ko rin yun. You know... I like you. “ Nabigla ako sa sinabi niya. Pero wala akong naramdaman na spark. Casual lang kasi niya sinabi. Hindi man lang nilagyan ng konting lambing. “I like you. Mukhang hindi na ko maiinggit sa friendship nila Lexi kasi I think I found a friend in you. Can we be friends?” Kaya pala walang spark... Yung ‘ I like you’ na sinabi niya, as a friend pala. “Sure.” Kahit girlfriend pa gusto mo. Well, Nice idea. Naiinggit din ako kina Lexi. “Thanks... May someone to hold on na ako.” Hay. Naramdaman ko yung lungkot niya. Siguro mag isa lang siya. Bakit hindi ko tanungin tutal friends na kami. “Are you alone? Wala ka bang asawa?... Girlfriend?” He shook his head. I sighed in great relief nung marinig ko yun. Kahit impossible na wala siyang gf. “Impossible. Sa gwapo mong yan?” Medyo pabulong kong sinabi yan kasi nakakahiya. “Impossible? So may husband or boyfriend ka na?” tanong naman niya. “Huh? Wala pa noh. Wala ngang nanliligaw sa akin” “Yan ang impossible. With that sophisticated beauty, gorgeous body...” Yan na nagkaka bolahan na kami. It’s been a while since someone complimented me like this. Yun bang dalawa lang kami in a cozy resto. Lakas maka- high school ang peg. Oh goodness, naalala ko ang first love ko. “Ewan ko rin kung bakit wala akong suitor. Ang tanda ko na nga eh. Mahirapan na akong manganak. Eh ikaw, bakit single pa rin? Ilang taon ka na ba?” “Thirty six. I hate women,” he said in disgust. At napangiti na lang nang maalalang may kaharap nga pala siyang babae. Such an awkward smile. “I’m sorry. Alam mo kasi... “ Ngumiti ako lang ako at nakinig ng maigi. “I hate Lucy so much, you know that mother of Lexi. Because of her, my mother committed suicide. Brix and I were left all alone. We rebelled. We want revenge.” “Ok... And you think it’s unfair kasi pinamana ng step dad mo yung bahay at company kay Lexi.” I respect his feelings kung ganun ang nararamdaman nilang kambal but wala naman kinalaman si Lexi dun. She was so so young back then. Masyadong malihim si Yaya Lucy marami siyang tinatago na sikreto na she only knows. “Hindi naman. Honestly, I really don’t care about that damn house and that stupid business.” “Then... Bakit mo siya ginugulo? Bakit gusto mo kuhain yung mga binigay sa kaniya? Lexi is so sweet, very hard working and passionate. She grew up without a dad. Iyang properties na lang na inaagaw niyo ang pambawi ng dad niya para sa lahat ng taon na inabandon siya. Can you hear me?” “I want revenge. Gusto ko maramdaman ni Lucy yung sakit... It will hurt her more kapag yung anak niya ang nahihirapan.” Yung maamong mukha ni Kheil kanina ay napalitan ng galit. It was like a calm sea na biglang binagyo and turned into a raging sea. “I’m sorry. Siguro natatakot ka na sa akin ngayon.” Bumalik sa pagiging payapa ang mga mata niya. “No. Syempre hindi.” Hindi takot ang nararamdaman ko sa kaniya kundi sympathy. “Si Lexi... Wala siyang kasalanan. Ruining the life of an innocent woman, will your conscience be able to bear that?” “Ruining the life of an innocent man! Bakit si Lucy nagawa niyang hindi makusensiya!” Napataas na rin ang boses. “So, talagang sisirain mo ang buhay ni Lexi? I’m warning you.” Tinitigan ko siya ng matiim. “You think I am scared of you?” Ginantihan niya ako ng matalim na titig. It’s getting serious. Really. Parang nag ka clash na yung mga tingin namin. Kaya I try to regain my composure. “I’m warning you Kheil. It’s an advice given by a real friend. I’m warning you, pag ginawan mo ng masama si Lexi... Hindi mo alam kung anong kayang gawin ni Lance. Masama yun magalit. He will do everything for Lexi kahit pa maubos ang yaman niya.” “Then, I’ll fight him man to man if I have to.” Napangisi na lang ako, hindi kasi niya kilala ang binabangga niya. My brother is lowkey, filthy rich and powerful. “Then you should be scared of me right now.” Bago pa siya makarating kay Lance ay ako muna ang kailangan niyang harapin. Napa iwas siya ng tingin. See, titigan pa lang ang labanan, hindi niya na ako kinaya. “I’m....” Parang gusto sana niyang mag sorry. But he just sighed instead. “Isipin mo Kheil, yung magiging mga anak natin maghihigantihan, ubusang-lahi. Walang katapusang vendetta. Is that what you want?” “Yes...”sSabi niya na nakangiti pa. How I wish I could erase that annoying smirk. “Aarghh!” Nakakapikon. “I like the idea... Yung magiging mga anak natin.” Napangalumbaba siya at naka ngiti sa akin. “B*llsh*t! Hindi ako nakikipag biruan sa’yo.” Bigla na lang akong nakaramdam ng galit. Very unbecoming. Nawala yung ngiti niya. At hinawakan ang kamay ko. “I’m serious. Alam kong it’s too fast and absurd pero na-realize ko bigla na masiyado na’ kong naging busy. That I actually forgot about having a family. Dahil sa’yo, na-realize ko yan.” Oh my... What is he up to? What is it supposed to mean? Did he say, having a family? Yeah really absurd. Pamilya agad? Eh kanina lang kami nagkakilala. No no no. Baka tama nga si Lexi masama ang budhi nito kaya gagamitin lang niya ko sa pag hihiganti niya. Pero mukha naman siyang sincere. At kung gagamitin niya ko bakit sinabi niya lahat sa akin? Goodness. I really don’t know what to think about this man anymore. “I’m tired... Tired of this bitterness. I can forgive but it’s hard to forget,” sabi niya na puno ng kabigatan. Now naintindihan ko na ang feeling niya. “Kheil... Si Yaya Lucy. You should feel sorry for her.” Bago pa siya maka react, pinag patuloy ko na yung sasabihin ko. “She was my nanny for so many years.” “Is that my fault kung naging nanny—” “Your Mom killed her. Your Mom is a murderer.” Natigil siya bigla. Hindi niya mapaniwalaan ang sinabi ko. Of course, wala naman akong evidence. “She went to Yaya Lucy’s room and there, God knows how she shot her.” “What are you saying? Lucy died because of illness.” “Said who?” Hindi na siya naka-imik pa. And I went on to further explain.”Kheil, sinabi lang kay Lexi na namatay ang mom niya dahil sa sakit kasi biglaan but the truth is pinatay siya. Ng Mom mo. See? Yaya Lucy and Lexi, they are the real victims here.” Napa hinga siya ng malalim. “Fine, I will investigate more. Narinig ko na rin naman yan. Hindi lang ako naniniwala.” Of course, na-brainwash na siya ng Mom niya. Our conversation ended there. And a new conversation takes place. Tingin ko, naconvince ko na si Kheil to forgo any bitterness he’s hoarding in his heart. Nagkayayaan sa bahay niya na legally bahay ni Lexi. And there, the biggest change happened in our lives. ~ ~ ~ ~ ~ ~ ITUTULOY ~~~~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD