Chapter Thirteen: Quit Playing Games

1344 Words
Chapter Thirteen: Quit Playing Games Kheil’s PoV Nagpakawala si Jeremy ng isang mapait na ngiti. “Wanna fight? Bring it on,” he said as if challenging me. In the middle of this grand event, Mr. CEO? Not in the midst of the media. “Sure,” that’s what I only said. Pero ang dami ko ng sinabi sa isip ko. I will fight you man to man if you want. I hope he gets what I wanted to say. I’m sick of this man. Ilang beses ko nang sinubukan magpigil dahil salta lang ako rito. I don’t belong here, hindi papanig sa akin ang lahat. Pero talagang hindi marunong tumigil si Jeremy. Ayaw niyang bitiwan ang kabilang braso ni Chevy. Kanina pa ako nagpipigil, but I am already furious. Gigil na gigil na ako. Hindi ko na kinaya, sa sobang gigil ko ay lalo ko pang hinigpitan ang kapit ko sa forearm ni Chevy. No, I wouldn’t let go of Chevy. Halos hilain ko na siya. Nag hilahan na nga kami ni Jeremy sa arms ni Chevy. “Stop it, both of you. Ang daming nakatingin,” bulong ni Chevy. At dahil nga alam kong nasasaktan at nahihiya na rin si Chevy dahil sa ginagawa namin ni Jeremy, I pushed Jeremy’s chest para mabitawan niya si Chevy. Then I took the opportunity to drag Chevy away from him, away from the venue. “K-Kheil, anong ginagawa mo?” tanong niya, halata ang gulat sa boses. "I am keeping you away from that guy. Basta, sumunod ka na lang.” Matigas ang boses ko, hindi ko kayang itago yung inis ko. When we reached the parking lot, sa tapat ng kotse ni Lance na gamit namin, ay nanatili lang siyang nakatayo. “Kheil! Hindi pa tapos ang event–” Hindi ko na rin siya pinatapos sa sasabihin niya. Binuhat ko siya at sapilitang pinasok sa passenger’s seat. Napatili pa nga siya sa ginawa ko but I don’t care. Pabalibag kong sinara ang pinto at agad kong minaneho ang sasakyan nang maka upo na ako sa driver’s seat. “Turn left. Hindi dyan ang bahay ni Lance.” “Sa bahay tayo ni Lexi,” seryoso kong sagot. So, dinala ko siya sa bahay ni Lexi, malapit lang naman. Tahimik si Chevy buong biyahe. Hindi ko alam kung natatakot siya o naguguluhan, pero hindi ko na iniisip pa. Pagdating namin sa bahay ni Lexi, hinila ko ulit siya, dire-diretso sa master’s bedroom which is room ni Lexi. Pagkasara ko ng pinto, hindi ko na napigilan na isandal siya sa pintuan at kumapit sa magkabila niyang braso. I used to look at her eyes without hesitation but this time, there’s something inside me na bigla na lang naduduwag. “Chevy, ayoko nang nakikita kang nilalapitan pa ni Jeremy. Don’t talk to him.” Nanginginig ang boses ko, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa sobrang gigil at… alright, jealous. ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ Chevy’s PoV Hindi ko inaasahan na sa mahabang panahon ay muling mag krus ang landas namin ni Jeremy. Who would have thought that a wayward heir ng Alas Corp. ay mag seseryoso sa buhay at magiging successful CEO. I still remember kung paan siya naging bad influence sa akin. He was this bad boy sa school na gwapo, macho, pero loyal, lakas maka w*****d leading man. Sumobra na talaga ang pagiging in love namin noon dumating din yung time na lumagpas na kami sa limitation. Nasaktan ko na ang parents ko dahil sa pagmamahal na yun. Wala ng magawa ang parents ko kundi ang ipadala ako sa Thailand doon sa Tita kong ubod ng yaman at walang anak. Nang malaman ni Jeremy ang balita, sobra syang nasaktan. Wala rin naman siyang magagawa. Ang totoo niyan, niyaya niya akong magtanan, we were just 18 back then, kaka debut ko lang. Nagalit ang parents ko nang nagtanan kami ni Jeremy. Tatlong araw pa lang ay natunton na agad kami ng parents ni Jeremy. Nagkalamat ang pagkakaibigan ng parents namin. Nagkagulo dahil sa amin. And yeah, sa tatlong araw naming nag tanan, Kinuha niya ang virginity ko. For so many years, siya lang ang lalaking nakatikim sa akin. Wala ng ibang lalaki. Not until dumating si Kheil, he's so hot and wild, muli niyang binuhay ang init ko. Sobrang tagal na ang taong lumipas, akala ko ay tapos na rin ang lahat sa amin ni Jeremy dahil past na lang ang lahat ng tungkol sa amin. Hindi ko inaasahan na magkikita ulit kami at single pa rin siya. We’re already in our mid 30’s, wala na sa kalendaryo, nalipasan na ng panahon. Kaya nang magkita kami sa isang event ay hindi ko tuloy alam ang ikikilos. Sobrang awkward to be in the middle of your past and present. Lalong nakakagulat dahil si Kheil ay sobrang aggressive at clingy sa mga sandaling ito. Kinaladkad pa ako ni Kheil palabas ng venue nang nagkainitan sila ni Jeremy. Tahimik lang kami habang pauwi. Diretso lang ang tingin niya sa daan kaya nakakabingi ang katahimikan sa loob ng magarang kotse ni Lance na hiniram ko para sa event na ito. Kumanan si Kheil sa isang kanto na dapat ay kakaliwa siya. Pero sa bahay pala ni Lexi niya ako dadalhin. Maybe he’s already missing our intimate moment. Aasahan ko na na we will end up in bed. Damn him, wala naman siyang planong seryosohin ako. Kaya hindi ako papayag na may mangyari sa amin ngayong gabi. Hindi ako kaladkarin. Not easy- to- get gaya noong bata-bata pa ako. Pero nang pag dating namin sa master’s bedroom ay agad niya akong sinandal at tumitig ng maigi sa mga mata ko. Weird, kasi nawala ang aggression niya. “Chevy, ayoko nang nakikita kang nilalapitan pa ni Jeremy. Don’t talk to him.” Nabigla ako, hindi ko inaasahan na pag babawalan niya ako. Mataas ang self-confidence ni Kheil, alam kasi niya kung gaano siya kagwapo at many women would fall for him isa na ako dun. Pero nang sinabi niyang wala siyang balak mag seryoso ay biglang nawala ang excitement ko. Isa lang pala akong past time habang nandito siya sa Pilipinas. Pagtapos niya makuha ang porsyento ng ari-arian ng step dad niya ay babalik na siya ng US at iiwan na rin niya ako. “Enough Kheil. Let's stop this play.” Tinulak ko ang dibdib niya para malayo siya sa akin but he stood firmly sa harapan ko at madiin niya na naman akong sinandal sa pinto. This time hindi na niya ako pinakawalan. “That’s it? Dahil dumating na first love mo, itatapon mo na lang ako?” Seryoso ang mukha niya. Nakakapanibago talaga. Akala ko ay madali lang siyang matatatakasan, tutal palipas oras lang naman ako at hindi siya seryoso. “Pinagsasabi mo Kheil? We’re just playing, right?” “Said who? We date, we kiss, we make love, hindi pa ba seryoso yun?” I heaved a sigh. “Ikaw. Sabi mo sa kambal mo ‘di ba? You’re just playing with me. Tuloy pa rin ang plano niyo na pabagsakin si Lexi. After na makuha mo ang gusto mo, babalik ka na sa States—” “People change, Chevy, so as plans,” sabi niya na nauutal pa. “So, what do you mean?” Imbis na sagutin ang tanong ko ay dahan dahan niyang ibinaba ang strap ng bra ko. Inaasahan ko na nga ito kaya agad kong itinaas ang ibinaba niyang strap at tinulak siya palayo sa akin. Hindi niya ako makukuha ng ganun kadali. Pagtalikod ko para buksan ang pinto, napatili ako dahil binuhat niya ako at dinala sa kama. Ramdam ko ang gigil niya habang nasa ibabaw ko siya at saglit lang na tinanggal ang suot kong gown at underwear. Mabilis din niyang hinubad ang damit niya at dumagan sa akin. “Hindi ka niya makukuha sa akin. “ Parang tumigil ang mundo ko nang sinabi niya yun at nakatitig ng matiim sa aking mga mata. ~ ~ ~ ~ ITUTULOY ~ ~ ~ ~ ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD