Chapter Twelve: Rivals

1201 Words
Chapter Twelve: Rivals Kheil’s PoV “Chevy, welcome home.” I felt something painful down in my heart when Chevy saw that good looking CEO sa phone niya. Hindi agad siya naka kibo at nakapagsalita. She was so shocked. “Jeremy…” That’s the only thing she said, almost a whisper. Ipapasok na sana niya ang cellphone sa pocket niya but I snatched it from her hand and browsed this Jeremy sa social media app . Yeah, I feel like a jealous boyfriend. “So, this Jeremy, the first love...” “Let’s go na, Kheil. Uuwi na ‘ko sa bahay ni Lance. Kahit huwag mo na ‘ko hatid. Nando’n pa si Lexi.” “Bakit biglang gusto umuwi?” Hindi na niya ako sinagot . Fine, if that is what she wants. Wala na akong magagawa kundi pauwiin siya, of course hinatid ko naman siya sa bahay ni Lance.And wow, I didn't expect na ganun ka-grand ang bahay ni Lance. May something sa lalaki na yun. Hindi siya ordinary painter. Tama nga siguro ang sinabi ni Chevy masama magalit ang kapatid niya. ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ Chevy was invited to an event na puro elite lang ang imbitado. Everyone came from high profile clans. Chevy doesn’t want to be alone sa event na ‘yon kaya niyaya niya rin ako. I hate flashy gatherings pero hindi ko maiwasang i-turn down si Chevy. “Jeremy is also invited.” Napa simangot ako. Yes, I’m jealous pero ano bang magagawa ko? Hindi naman kami mag boyfriend, I don’t have any right to feel this way much more to interfere with her life. “So, what? Go on. Hindi naman kita pipigilan. Sino ba ako?” Napa-irap lang siya at hinampas ang dibdib ko ng ubod lakas. Halos maubo ako sa sakit. “Huwag ka na mag-drama. Come on, punta tayo sa boutique. Bibilhan kita ng suit.” Wala na talaga akong magawa nang hinila niya na ako para makapunta ng boutique. Isasama niya ako sa event na yun na hindi ko alam kung tungkol saan ba yun at makaka-relate ba ako sa lugar na yun. ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ Dalawang oras na lang at start na ng event kaya madalian lang ang pag bili namin ng isusuot ko. Napili niya ang puting suit at puti ring slocks na medyo beige, not quite white. Hindi man ako fashionista as she is pero ang ganda talaga. Very stylish. Napa takip ng bibig si Chevy while looking at my overall looks. “OMG, Leonardo DiCaprio is that you? You're stunning, so dashing, so handsome sweetheart.” Napa-irap lang din ako. “Bolera. Yeah. you’re right. But not as stunning as that CEO. Simpleng New Yorker lang ako.” She put her arms around my neck, smiled naughtily, and whispered in my ear. “Sobrang gwapo mo kaya. And you’re better than him in bed. Mas magaling. The best ka.” Pinagpawisan ako. Though compliment ang sinabi niya pero nakaka-inis isipin na ang Jeremy na yun pala ang naka-una sa kanya. She was so young back then. Hindi na ako umimik. I remained quiet hanggang sa dumating na kami ng venue. ~ ~ ~ ~ ~ ~ Naramdaman ko agad ang presence ni Jeremy. Pinagkakaguluhan kasi siya ng media Lahat ng naroon ay naka focus sa kanya at pagkatapos nila kay Mr. CEO, sa amin naman ni Chevy natuon ang pansin nila. Ang suot na itim na mahabang gown ni Chevy ay bumagay sa kanya nang husto, Sa sobrang ganda niya, hindi maalis tingin ni Jeremy kay Chevy. Jeremy’s naughty smile towards Chevy is so irritating. I want to punch him in the face. Naramdaman kong para bang unti-unti akong sinasakal ng selos. Sinukbit ni Chevy ang kamay niya sa bisig ko habang abala ang lahat na pakinggan siya habang ini-interview ng media. Pagkatapos nun, lumapit si Jeremy sa amin at bumati. Nagkamayan sila. “Welcome home, Miss Chevy,”seryosong bati nito at inimbitahan siya na sumama sa kanya saglit. Ah damn it. Chevy was caught off guard, walang magawa kundi ang tumingin sa akin. Ako naman na mag mukhang kontrabida , masyadong sensationalized ang love story nila kaya may disadvantage agad ako. Umupo sila sa engrandeng table full of fancy utensils. Nang mapansin ni Chevy na wala ako sa tabi niya, ay hinanap niya ako ng kanyang tingin. Her hand was calling me to come over at tabihan siya sa table. “It’s OK, go on,” I mouthed. Pero hindi siya pumayag na nakatayo lang ako mula sa malayo kaya tumayo rin siya at nilapitan ako. “Oh come on. Pinilit kitang isama dito kasi gusto kitang kasama. Ikaw ang gusto kong katabi” sabi niya. Kaya sumunod ako at umupo sa tabi niya. Tahimik lang akong nakamasid sa kanila ni Jeremy habang nag uusap. Hindi ko mapigilang tumutok sa bawat kilos nila kahit naka-upo lang naman at nagku-kwentuhan. Their every move is fvcking killing me. Alam kong first love niya si Jeremy.Ano naman ang panama ko sa lalaking yun. Kahapon lang kami nagkakila ni Chevy. Tumatawa si Chevy, ngunit hindi ko maiwasang isipin kung paano siya tumawa noon kay Jeremy, kung paano sila dati. Naramdaman ko ang pagbilis ng dagundong ng puso ko nang makita kong hinahawakan ni Jeremy ang kamay ni Chevy. It was fvcking killing me, really. I couldn’t take it anymore. Hindi ko na kayang panoorin sila mula sa gilid habang tila muling binabalikan ni Jeremy ang mga alaala nila. Wala akong pakialam sa paligid. Tumayo ako, naglakad palapit sa kanila, at bago pa ako magdalawang-isip, hinawakan ko ang bisig ni Chevy, hinila siya palapit sa akin. Hindi ko alintana kung magugulat siya. Sa totoo lang, hindi ko nga naisip kung tama ba ang ginawa ko. Ang mahalaga lang sa akin ay mapaalam kay Jeremy na hanggang dito na lang siya. “Please excuse us Mr. CEO,” seryoso kong sabi habang matalas ang tingin kay Jeremy. Nagulat si Jeremy, pero alam ko sa tingin pa lang niya na hindi ako nagbibiro. I could feel his anger. Pakialam ko naman.past na sila at ako na ang present. "And who are you, Sir?" tanong ni Jeremy na para bang insult. Tumingin ako sa kanya, tahimik, pero puno ng galit at babala. Alam kong naintindihan niya ang mensaheng gusto kong iparating. “Back off,” yun lang ang sinabi ko dahil kung pagsasalitaan ko siya ng masakit, siguradong maraming magagalit sa akin. Kasusuklaman ako ng public. "I think it’s time for us to go," malamig kong sabi. Wala akong balak magpaliwanag. Ayoko nang patagalin pa ang awkwardness between us, gusto ko nang matapos ito. Naramdaman ko ang pagtingin ni Chevy sa akin. Sigurado akong naramdaman niya ang tensyon sa paligid namin. Alam kong naguguluhan siya, pero hindi ko na nagawang magpaliwanag. Ang mga mata ko ay nakatuon pa rin kay Jeremy, gumanti siya ng titig. Hindi naman ako magpapatalo, I grabbed Chevy’s forearm and held her closer to me. Nagpakawala si Jeremy ng isang mapait na ngiti. “Wanna fight? Bring it on,” he said as if challenging me. ~ ~ ~ITUTULOY ~ ~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD