bc

Campus Romance

book_age18+
82
FOLLOW
1K
READ
playboy
badboy
bxg
loser
campus
first love
school
like
intro-logo
Blurb

Marialena, Mariana, and Mariam are three best friends who have been constantly bullied at school. They were called the Tres Marias. Marialena or Alena is nice and pretty, but she's naive and not very smart. She always gets the lowest score in their class. Mariana or Yana is the total opposite of her. She's ugly, but at least she's smart. She's an honor student in their class. On the other hand, Mariam or Maya is a boyish kind of girl. Everyone thinks she's a lesbian, but she does not care what everyone thinks of her.

chap-preview
Free preview
Simula
Simula Unang araw ng pasukan, matiyagang naghihintay si Yana sa kanyang mga kaibigan sa harapan ng kanilang eskwelahan. Habang naghihintay ay nakita niya ang pagdating ni Archer kasama ang mga kaibigan nito. Napasimangot siya habang pinagmamasdan ang grupo nila Archer. Ayaw na ayaw niyang makikita ang lalaki dahil madalas siya nitong tuksuhin kapag nagtatagpo ang mga landas nila. Tatalikod na sana si Yana para iwasan ang lalaki pero huli na ang lahat dahil nakita na siya nito. Sumilay ang isang mapang-asar na ngisi sa labi ng lalaki. Mabilis itong nakalapit sa kanya bago pa man siya makatakas. Nakasunod lang dito ang mga kaibigan niya na pareparehong may ngisi sa mga labi. Yumuko si Yana at tinanggap na lang ang kapalaran. Alam niyang tutuksuhin nanaman siya ng lalaki ng kung ano-ano gaya ng madalas nitong gawin sa kanya kapag nagkakasalubong sila. Kahit kailan ay hindi niya pinatulan ang lalaki dahil alam niyang wala din naman siyang laban dito. Mapapahiya lang siya lalo kapag pinilit niyang makipagtalo dito. Isa pa, wala din siyang lakas ng loob para lumaban. Mahiyain si Yana, hindi tulad ng dalawa niyang kaibigan na sina Maya at Alena. Kaya naman, siya ang pinakamadalas na mabully sa kanilang tatlo. Hindi kasi siya marunong lumaban. Mabait si Yana at para sa kanya walang magandang maidudulot kung gaganti o papatulan niya ang mga nang-aapi sa kanya. Kaya minsan, kapag nakikita niya ang grupo nina Archer ay siya na lang itong kusang umiiwas o lumalayo. Hindi nga lang siya nakaiwas sa pagkakataong ito. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi nang tuluyang makalapit si Archer at ang grupo nito sa pwesto niya. “Good morning, Yana. Ang aga mo ngayon, ah?” may mapang-asar na ngising sabi ni Archer. Maayos naman ang sinabi niya ngunit may halong panunuya sa tono nito. Hindi sumagot si Yana at nanatiling nakayuko. Alam niyang kapag itinaas niya ang kanyang mukha ay tutuksuhin siya ng mga ito. Madalas siyang masabihang panget ng mga kaibigan ni Archer at ng ilang mga kamag-aral dahil sa mga tigyawat at sa maitim niyang balat. Nakasalamin pa siya at palaging nakalugay ang mahaba nitong buhok. “Uy, si panget suplada! Ayaw mamansin,” tumatawang sabi ng isa sa mga kasama ni Archer. Nilingon iyon ni Archer at binatukan. “Tumigil ka. Ako lang ang pwedeng mang-asar dito,” naiiritang sabi ng binata sa kaibigang nanlalait. “Umalis na nga kayo! Bakit ba kayo nakasunod sa akin palagi? Mauna na nga kayo!” Agad namang sumunod ang mga kaibigan niya at nagsipag-alisan habang nagtatawanan. “Hoy! Huwag mo masyadong solohin si panget baka maging clingy ‘yan!” pang-aasar na sigaw pa ng isa sa mga tropa n Archer habang papalayo. Malakas silang nagtawanan. Bilang tugon sa pang-aasar ng mga kaibigan ay itinaas ni Archer ang kanyang gitnang daliri sa mga ito. Saktong may dumaan namang guro sa kanilang harapan. Nakita nito ang ginawa ni Archer kaya pinagsabihan. Sinamantala ni Yana ang pagkakataong iyon para matakasan ang lalaki. Dali-dali siyang naglakad palayo. Pumasok na siya sa loob ng eskwelahan at naisipang sa mga bleachers na lang hintayin ang dalawang matalik na kaibigan. Nag-chat na siya sa mga ito na doon na lamang sila magkita-kita. May group chat silang magkakaibigan sa messenger at kapag hindi sila nagkikita-kita ay doon sila nag-uusap. Matalik na magkakaibigan na ang tatlo mula noong elementary pa lamang sila, kaya halos hindi na sila mapaghiwalay. Magkakaibigan din kasi ang kanilang mga ina mula kabataan ng mga ito. “Bakit dito ka nag-intay?” tanong ni Maya pagkarating nito sa pinag-iintayan ni Yana. Nagkibi-balikat lang si Yana at walang sinabi. Tinitigan siya ni Maya bago ito muling nagsalita. “Iniiwasan mo nanaman ang Archer na iyon, ano?” Nakataas ang kilay na tanong nito. Dahan-dahang tumango lang si Yana. Ayaw na dapat niyang banggitin iyon sa kaibigan dahil baka sumugod nanaman ito at makipag-away. Sa kanilang tatlong magkakaibigan si Maya lang ang malakas ang loob na makipag-away. Siya ang madalas na magtanggol sa dalawa niyang kaibigan kapag tinutukso ang mga ito. Pero dahil sa pagiging palaban ni Maya, mas lalo lang din tuloy silang binu-bully. “Humanda talaga sa akin ang ungas na iyon kapag nakita ko siya! Ayaw ka pa din tigilan!” “Hayaan mo na. Wala naman siyang ginawang masama kanina.” Humalukipkip si Maya. “Kaya ka tinutukso noon, eh. Hindi ka marunong lumaban!” “Bakit? Tingin mo kapag lumaban ako ay titigil na ang mga iyon sa pang-aasar sa akin, Maya? Hindi. Kahit anong gawin ko hindi sila titigil na mang-asar maliban na lang kung magpapalit ako ng mukha.” Kumunot ang noo ni Maya at tinitigang maigi ang kaibigan. Wala siyang nakikitang mali sa itsura ng kaibigan. Sadyang mapanglait lang talaga ang ibang estudyante sa kanilang paaralan. Naiiling siya. “Ah, basta! Dapat lumalaban ka pa din. Hindi pwedeng tatahimik ka na lang kapag inaasar ka nila.” “Anong pinag-uusapan niyo?” kuryosong tanong ni Alena nang dumating ito. “Ito kasing si Yana, mukhang sinisimulan nanamang tuksuhin ni Archer at ng mga kaibigan niya.” Agad na bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Alena. “Okay ka lang ba, Yana? Anong ginawa nanaman sa’yo?” Umiling-iling si Yana. “Wala, Alena. Tara na pumunta na tayo sa mga klase natin at baka ma-late pa tayo,” ani Yana, ayaw nang pahabain pa ang usapan tungkol sa kanya. “Pero maaga pa. Sasamahan ka na namin sa classroom mo, Yana. Para kapag makasalubong mo ulit iyong mga mayayabang na iyon ay kasama mo kami.” Tumaas ang kilay ng dalawa sa sinabing iyon ni Alena. Duda sila na iyon talaga ang dahilan nito kung bakit gusto niyang sumama sa classroom ni Yana. “Iyon ba talaga ang rason mo, Alena? O baka naman gusto mo lang sumilay kay Darius,” nakangising sabi ni Maya, inaasar ang kaibigan. Alam nilang dalawa na matagal ng may pagtingin si Alena sa kaklse ni Yana’ng si Darius. Tulad ni Yana ay matalino din ang lalaki at sa kanilang classroom ay silang dalawa ang pinakamatalino. May pagkasuplado nga lang ang lalaki at hindi masyadong namamansin. Pero iyon din naman ang dahilan kung bakit siya nagustuhan ni Alena. Gusto niya kasi sa lalaki iyong pa-mysterious ang dating. Iyon bang parang seryoso sa lahat ng bagay pati sa pakikipagrelasyon. “Oo naman, Maya! Ano pa bang ibang dahilan?” Nagkatinginan ang dalawa at parehong tumawa. Ngumuso si Alena at napasimangot. “Fine! Gusto ko lang naman siyang makita kahit sandali lang. Ang tagal ko kaya siyang hindi nakita,” pag-amin ni Alena. Mas lalong lumakas ang tawa ng dalawa sa pag-amin na iyon ng kanilang kaibigan. Tinutukso nila ito habang nagsisimulang maglakad patungo sa classroom ni Yana. “Yana, papasok sa classroom niyo, ah? Para makasilay naman ‘tong isang kaibigan natin,” ani Maya, may ngisi pa din sa labi. Tumawa lang si Yana habang naiiling. Ngunit sa kalagitnaan ng paglalakad ng tatlo ay nakasalubong nila si Amanda at ang grupo nito. Binubuo ng anim na babae ang grupo nina Amanda kabilang na siya. Si Amanda at ang mga kaibigan nito ang madalas na mam-bully sa tatlo. Hindi nila alam kung ano bang nagawa nilang masama sa mga ito para pag-initan sila ng husto ng mga ito. Maganda si Amanda pati na din ang mga babaeng kaibigan nito kaya medyo sikat sila sa paaralang iyon. Maraming lalaki ang humahanga sa kanila. “Ano ba ‘yan, Mariana! Ang aga mo namang binungad ang pagmumukha mo. Nakakawalang gana!” maarteng sinabi ni Amanda. Tumikom ang mga palad ni Maya nang marinig ang panlalait na iyon sa kanyang kaibigan. Agad naman hinawakan ni Yana ang kamay ng kaibigan para pigilan kung sakaling sumugod ito. Kabisado na niya ang ugali ng kaibigan. Alam niyang lalaban ito. Lumapit pa ang isa sa mga kasama nito sa tatlo para tapunan ng kape si Yana. “Oops, sorry! Natapon,” maarteng sabi pa nito kahit halata namang sinadya niya ang ginawa. Sabay-sabay na tumawa ang anim. Dahil sa pagkabigla sa nangyari ay nabitawan ni Yana ang kamay ni Maya kaya agad itong nakasugod sa babaeng nagtapon ng kape sa uniform niya. Walang pagdadalawang isip niya itong sinapak sa mukha. Nagtilian ang mga kasama nitong babae sa ginawa ni Maya sa kaibigan nila. Sa lakas ng pagkakasuntok ni Maya ay walang nagawa ang babae kundi ang mapaiyak na lang habang dinadaluhan siya ng kanyang mga kasama. Sa kabilang dako, nasulyapan ni Terrence ang buong pangyayari, napangisi ang binata sa ginawa ni Maya sa babae. Si Terrence ang basketball team captain ng kanilang paaralan. Napahanga ang lalaki kay Maya, hindi dahil sa ginawa nitong pagsuntok sa isa pang babae. Humanga siya dahil sa tapang nito at sa pagtatanggol sa kanyang kaibigan. Lalapitan na sana niya ang mga ito upang umawat dahil may palagay siyang gaganti ang grupo nina Amanda, ngunit may nakalapit na ditong guro para umawat. Pinasunod ng guro ang dalawang grupo hanggang sa guidance. Dahil sa ginawa ni Maya na pananakit ay binigyan siya ng parusa ng guidance counselor. Kailangan niyang mag-community service ng isang buwan. Hindi nabigyan ng parusa ang babaeng nagtapon sa kape dahil nagpaliwanag ito na hindi naman daw niya sinadya ang pagtapon ng kape sa uniform ni Yana. Pagkatapos noon ay nagtungo na sila sa kani kanilang klase. Ngunit imbes na tumuloy si Yana sa klase niya ay nagtungo muna siya sa locker room para sana magpalit ng damit, ngunit nakasalubong nanaman niya si Archer na kanina pa siya hinahanap. Imbes na tumuloy sa locker room ay bumalik siya sa dinaanan at dumiretso na lang sa kanyang klase. Pinagtinginan siya ng mga kaklase dahil sa itsura ng uniform niya, yumuko siya at hindi na lamang pinansin ang mga kuryosong tumitingin sa kanya. Naupo siya sa dulong upuan. Hindi na niya napansin kung sino ang kasama niyang nakaupo doon dahil nanatili siyang nakayuko at takot na mag-angat ng tingin sa mga kaklase. Nahihiya siya dahil umpisa pa lang ng klase ay ganoon na agad ang nangyari sa kanya. Tinikom niya ang mga palad. Umpisa pa lamang iyon. Alam niyang marami pa siyang mararanasang pang-aapi at panlalait sa ibang ka-mag-aral. Lalo na sa grupong iyon ni Amanda. Hindi niya rin maiwasang ma-guilty na pati ang kaibigan niyang si Maya ay nadamay pa dahil sa pagtatanggol sa kanya. “Are you okay?” tanong ng lalaking nasa kanyang tabi. Agad siyang napabaling kay Darius nang mapagtantong ito ang nagsalita at nagtangkang mangumusta sa kanya. Sa kanilang klase, silang dalawa ni Darius ang pinakamatalino. Tahimik si Darius at sabi ng ilan ay suplado raw pero tingin ni Yana hindi naman dahil ito nga lang ang tanging nagtatangkang kumausap sa kanya sa section nila. Sadyang tahimik lang ang binata kaya napagkakamalang suplado. Matipid siyang ngumiti at tumango sa lalaki. Kahit papaano ay naging malapit na din naman siya dito dahil ilang taon na din silang magkaklase. “Sinong gumawa sa’yo niyan? Archer’s friends?” tanong ni Darius. Agad na umiling si Yana sa tanong na iyon ni Darius. “Uh, hindi naman. Aksidente lang…” “Amanda’s friends then?” Dahan-dahang tumango si Yana. “Oo pero hindi naman daw sinadya,” aniya kahit alam niya sa sarili niyang sinadya iyon. Ibinuhos iyon ng sadya sa kanyang uniporme. Napailing si Darius. “Hindi na tama ang ginagawa nila.” Tumungo si Yana at hindi na sumagot. “Sa susunod na gawin nila ito sa’yo. Magsumbong ka agad sa guidance.” Tumango na lamang si Yana at hindi na kinontra pa ang sinabi ng binata. Hindi na rin naman dinagdagan ni Darius ang sinasabi. Nanahimik na ito hanggang sa dumating na ang kanilang class adviser.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.0K
bc

His Obsession

read
104.5K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook