001: First day of school

1271 Words
Kabanata 1 “First day of school” M A Y A “Sorry talaga, Maya. Nadamay ka pa tuloy dahil sa pagtatanggol sa akin. Hindi mo na sana ginawa iyon,” nakasimangot na sabi ni Yana, tila guilty dahil sa nangyari kahit na wala naman dapat siyang ika-guilty. Ipinagtanggol ko siya dahil kaibigan ko siya. Hindi niya kailangang ma-guilty sa ginawa ko. Tumigil ako sa pagnguya ng kinakain ko upang balingan siya. Break kaya magkakasama kaming tatlo ngayon dito sa cafeteria at kumakain. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang humingi ng tawad nitong si Yana, eh, ginawa ko lang naman iyon dahil sumusobra na ang mga bruhang iyon. Tapos hindi man lang sila naparusahan ng guidance sa pambu-bully nila sa amin lalo na kay Yana. Saka kaibigan ko siya, hindi ako pwedeng basta na lang na tumahimik at hayaan silang i-bully ang kaibigan ko. Pasalamat sila at hindi marunong gumanti at lumaban ang kaibigan ko. Pero sa akin hindi puwede iyon. Hindi ako bayolenteng tao pero kanina nagdilim talaga ang paningin ko nang tapunan nila ng mainit-init pang kape ang kaibigan ko. Walang matinong tao ang gagawa noon sa kapwa nila. Pwera na lang kung may lahing demonyo tulad na lang ng mga babaeng iyon. Angels pa naman ang tawag nila sa mga sarili nila tapos ugaling demonyo naman pala. Hindi ba sila nahihiya sa mga sarili nila? Mga kampon yata ni satanas ang mga hindot na mga babaeng iyon. Sobrang nakakapanggalit ng ginawa nila sa kaibigan ko. Hindi ko kayang tumunganga lang doon at hayaan silang gawin iyon kay Yana. Kung hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili niya, ako ang magtatanggol para sa kanya. Hindi ko talaga kayang sikmurain na lang ang mga ginagawa nilang pang-aapi kay Yana o kahit pa kay Alena. Ako lang kasi iyong naglalakas loob na lumaban sa aming tatlo kapag may gustong mang-bully sa amin. Masyado kasing mababait itong mga kaibigan ko kaya madalas din maabuso, eh. Tulad nitong si Alena na may pagka-uto-uto din. Mayaman kasi kaya madalas magpalibre sa kanya ang mga kaklase niyang babae kahit na pinaplastik naman siya ng mga ito kapag nakatalikod siya. Pero baliwala iyon sa kanya. Napakabuting nilalang. Parang itong si Yana din. “Huwag mo ng isipin iyon, Yana. Ang mahalaga nakabawi tayo kanina sa mga bruhang iyon,” nangingising sabi ko. “Pero maling manakit ng kapwa, Maya.” O, kita mo na? Siya na nga itong pinaka nagawan ng masama tapos nakukuha niya pang ipagtanggol ang mga higad na iyon. Baka naman lumampas na sa langit ang babaeng ito. Pero alam ko namang tama siya. Mali talaga iyong ginawa ko. Maling manakit ng ibang tao. Mapa-babae man ‘yan o lalaki. Maling-mali ang manakit ng iba, pero kung naaagrabyado ka na, hindi naman siguro maling lumaban. “Alam ko ‘yon. Hindi lang talaga ako nakapagpigil,” sabi ko sabay punas ng pawis sa aking noo gamit ang bimpong nasa balikat ko. Napasimangot si Alena habang hawak ang sandwich niya. “Sobra na talaga ang mga babaeng iyon. Mabuti na lang talaga sinamahan ka namin kanina,” aniya bago kumagat sa sandwich. Tumango ako. “Kung wala kami doon kanina baka may kung ano pang mas malalang ginawa ang mga babaeng iyon sa’yo. Subukan lang talaga nila at sa akin sila mananagot. Hindi ako nagsisisi o nakokonsensya sa ginawa ko kanina, Yana. Natutuwa pa nga ako dahil napaiyak ko ‘yong maarteng babaeng iyon.” Umiling-iling si Yana habang natawa naman si Alena at sumang-ayon sa sinabi ko. “Oo nga, Yana. Tama lang sa kanya ‘yon! Maldita kasi.” “Kung wala lang dumating na teacher kanina baka pati ang Amanda na iyon ay nasaktan ko na din,” dagdag ko pa na ikinatawa lalo ni Alena. Ngumisi ako. Napabuntong hininga naman si Yana. “Ayoko ng ganoon. Maling manakit kahit pa sila ang may kasalanan. Hindi maganda ang gumanti.” Nailing ako at bahagyang nakaramdam ng iritasyon sa kaibigan ko. Masyado kasing mabait kaya madalas maabuso. Ewan ko ba! Hindi manlang yata marunong makaramdam ng galit ang isang ito. Hindi ba siya naaawa sa sarili niya? Unang araw ng pasukan at ito agad ang natanggap niya sa mga babaeng iyon. Tapos ngayon, siya pa itong nagi-guilty dahil sa nangyari. Sa totoo lang wala lang naman iyon sa akin. Sanay naman ako sa mga mahihirap na gawain. Ang mahalaga sa akin ay ang naiganti ko siya kanina. Subukan lang ng babaeng iyon na ulitin ang ginawa niya at hindi lang iyon ang gagawin ko sa kanya. “Yana, huwag mo na ngang isipin iyon. Dapat lang sa kanya ‘yon dahil masama siya!” ani Alena. Bumuntong hininga si Yana. “Tutulungan na lang kita sa paglilinis mamaya,” ani Yana. Tumango si Alena bilang pagsang-ayon. “Ako din tutulong, Maya,” si Alena. Sabay kaming napabaling sa kanya ni Yana. “Hindi ka susunduin ng driver niyo?” tanong ko. Umiling si Alena. “Simula ngayon hindi na ako ihahatid at susunduin ng driver namin. Nasabi ko na kay mommy at daddy na gusto kong matutong mag-commute at pumayag naman sila,” nakangiting sabi niya. Sabay kaming napangisi ni Yana. Pareho yata kami ng naisip. “Iyon ba talaga ang dahilan?” may panunuyang tanong ko. Kumunot ang noo ni Alena at sumimangot. “Ano pa ba ang naiisip mong dahilan ko, Maya?” “Baka naman ayaw mo lang umuuwi ng maaga kasi may gusto ka pang silayan sa library.” Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Alena at agad ding namula ang kanyang buong mukha. Tumawa ako, lumawak naman lalo ang ngiti ni Yana, habang si Alena ay mas lalong namula. Napakadali talagang basahin ng babaeng ito. Napailing ako. “Hindi, ah!” tanggi niya kahit halatang-halata naman na. Kinalabit ko si Yana. “Yana, tulungan mo na kasi itong kaibigan natin para mapansin ni Darius. Nakakausap mo ‘yon, di ba?” Kumunot ang noo ni Yana at tumango. “Anong gusto mong gawin ko? Kahit nakakausap ko ‘yon, nahihiya pa din akong makipag-usap doon kung hindi naman related sa pag-aaral.” Sumimangot si Alena sa sinagot ni Yana. Ngunit nang mapansin iyon ni Yana ay agad niyang binawi ang sinabi. “Pero pwede ko naman sigurong subukan…” Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ni Alena. “Mag-aaral akong mag-bake tapos ipapaabot ko sa’yo, ah?” tila excited na sabi nito. Ngumiti si Yana at tumango. “Sige.” “Kami Alena, hindi mo ba gagawan?” “‘Tsaka na kayo. Gusto ko si Darius muna ang unang makatikim ng gawa ko.” “Eh, paano kung pumalpak dahil unang beses mo pa lang naman gagawin iyon? Mas mabuti nang kami ang maunang makatikim noon, di ba?” sabi ni Yana. Ngumisi ako at tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Yana. “Oo nga naman. Tama si Yana. Turn off na agad kapag hindi pala masarap.” Umiling si Yana habang nakakunot ang noo. “Hindi naman siguro, Maya. Hindi naman ganoon si Darius. Maa-appreciate niya pa din iyon.” Muling nagliwanag ang mga mata ni Alena. Ako naman itong napasimangot. “‘Tsaka kung gusto talaga ni Alena na si Darius ang unang makatikim ng gawa niya hayaan na lang natin. Gagawan mo din naman kami, di ba, Alena?” Tumango si Alena at ngumiti pa lalo. “Oo, naman! Kayo pa ba? Syempre gagawan ko din kayo.” Sabay-sabay kaming natigilan nang may biglang maupo sa tabi ko. Nagtatakang tinignan naming tatlo si Terrence. Palipat-lipat ang tingin nito sa aming tatlo bago sumilay ang isang malawak na ngiti sa kanyang mapupulang labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD