bc

Mithi (Book 1)

book_age16+
150
FOLLOW
1K
READ
powerful
independent
sporty
student
tragedy
bxg
genius
another world
special ability
like
intro-logo
Blurb

         Sa edad na labing-pito, hindi sumagi sa isipan ni Kierra na hindi siya isang normal na tao. Pinalaki siya ng kaniyang mga magulang nang punong-puno ng pagmamahal kahit na isa lamang siyang ampon. Inalagaan siya ng mga ito at pinag-aral sa isang magandang unibersidad. Mayroon siyang tunay na mga kaibigan na sumusuporta sa kaniya.

         Ngunit paano kung ang pagiging isang tao niya ay pansamantala lang pala? Paano kung malaman niyang sa pagsapit ng kaniyang ikalabing-walong kaarawan ay tuluyang magbago ang lahat? Matatanggap ba niya ang tunay niyang pagkatao at ang kaniyang lahing pinagmulan? Tatanggapin niya kaya ang responsibilidad na iniatang sa kaniya ni Bathala para tuluyang magtapos ang digmaan sa pagitan ng dalawang lahing kaniyang pinagmulan?

chap-preview
Free preview
LIPAD 1
“Kierra, saluhin mo!” sigaw sa akin ng coach namin sa Volleyball. Nginisihan ko ito bago tumalon at hinampas ang bola pabalik sa panig ng mga kalaban. Hindi nila nasalo iyon kaya pumuntos kaming muli. Panay ang tilian ng mga estudyante sa mga bleachers at bench. Naroon din ang mga mga kaklase ko at mga kaibigan, tuwang-tuwa at paulit-ulit na isinisigaw ang pangalan ko. “Go Kierra! Go Kierra!” Paulit-ulit, palakas nang palakas nilang sigaw. Mayroon pa silang hawak na mga lobo at banner na kanilang iwinawagayway sa tuwing makakapuntos kami. “Ang galing talaga ni Kierra, ang taas tumalon at ang lakas humampas ng bola.” dinig kong sambit ng isa sa mga miyembro ng kalaban namin. Ngumiti ito sa akin bago nag-thumbs up. Gumanti ako ng ngiti bago bumalik sa puwesto ko. Friendly game pa lang naman ito. Sa susunod na linggo pa ang InterUniversity Meet kaya hindi pa ganoon ka-intense ang laban ng bawat laro namin sa iba’t ibang unibersidad. Nang matapos ang laro agad kaming sinalubong ng coach namin at inabutan kami isa-isa ng panyo. Sunod na lumapit naman ang dalawa kong kaibigan na sina Ilah at Raven. Nagyayaya ang dalawa na kumain kami sa labasan. Ilang oras din kasi silang nanatili sa complex kaya paniguradong gutom na rin sila. “Bilis, bilis, nagugutom na ako.” ani Ilah na mabilis na tumakbo. Lumingon lang ako sandali sa aking likuran, nagulat na lang ako, pagharap ko, wala na siya sa harapan ko. Naroon na siya agad sa bilihan ng fishball at nagsisimula ng kumain. Kunot-noo akong bumaling kay Raven. Kagaya ko ay bahagya ring nakakunot ang noo nito. Nang makita niya akong nakatingin sa kaniya ay mabilis siyang ngumiti sa akin. “Yung si Ilah talaga, pakiramdam ko may lahing kabayo, ang bilis tumakbo eh.” pagbibiro pa niya. Natawa na rin ako saka nagmadaling tumakbo para makakain na dahil kanina pa rin ako ginugutom. Nakasunod sa likuran ko si Raven na gaya ko ay tumatakbo rin. Bago akong tuluyang makarating sa kinaroroonan ni Ilah ay bigla akong napahinto sa pagtakbo nang biglang may lalaking napahinto sa harapan ko. Isang malakas na hiwayan ang narinig ko mula sa isang grupo ng mga lalaking naglalakad papalapit sa kinaroroonan namin. Katabi ko na ang lalaking pinagkakaisahan ng mga ito. Saglit akong tumingin sa lalaking nasa tabi ko. Mukhang mabait naman ito at hindi iyong tipong magsisimula ng gulo kaya bakit siya ang pinag-iinitan ng mga lalaking ‘to? Nang makita ako ng mga lalaki ay mabilis na tumahimik ang mga ito. Nagkatinginan pa at maya-maya’y tumalikod na at mabilis na naglakad palayo. “Kierra, tara na.” bulong ni Raven sa akin sabay hila sa braso ko. Sandali pa akong bumaling sa mga lalaking katabi ko bago nagdesisyong maglakad na papunta sa kinaroroonan ni Ilah. Nakapagtataka, hindi man lamang humarap ang lalaki sa akin. Hindi man lang ako nito tinapunan ng kahit konting tingin. “Hoy, ayos ka lang?” tanong ni Ilah nang makita niya ang reaksiyon ko. Marahan akong tumango at mabilis na kumuha ng stick at nagsimula nang kumuha ng bagong lutong fishball. “Salamat sa libre, Kierra.” saad ni Ilah habang hinihimas nito ang kaniyang tiyan. Tumango lang ako habang binabayaran ang matandang lalaking nagbebenta ng fishball. “Grabe nabusog ako.” “Ako rin.” Nginitian ko lamang silang dalawa. Inayos ko ang pagkakasukbit ng suot kong backpack bago muling tumingin ng diretso sa dinaraanan namin. Maraming tao sa labas ng sports complex. Dito nagtatagpo ang mga estudyante ng iba’t-ibang unibersidad kapag mayroong event katulad na lamang ng InterUniversity Meet. “Nariyan na pala ang sundo mo, Kierra.” saad ni Raven sabay turo ng sasakyang kapaparada lang sa parking lot. Agad na lumabas si Papa mula sa driver’s seat. Ngumiti ito at kumaway pa. Hindi ko napigilang mapangiti. Mabilis akong nagpaalam sa dalawa kong kaibigan. Tumakbo na ako palapit sa kinaroroonan ni Papa para magmano. “Kumusta ang game?” tanong nito at kinuha ang bag ko. Inilagay nito iyon sa backseat ng kotse. “Panalo siyempre.” saad ko saka umikot sa passenger seat. “Siya nga pala, dadaan muna tayo sandali sa cake shop para kunin yung pinagawa kong cake para sa Mama mo.” Tumango lang ako at sumandal na sa backrest. “Pupunta ang mga Tita mo, mga pinsan mo at maging ang Lola Rebecca mo.” Napalingon ako kay Papa. “Si Nanay Bing, pupunta?” ‘takang tanong ko. Madalang na kasing pumunta sa bahay si Nanay Bing dahil matanda na ito ay medyo hirap na sa paglalakad. “Sinong kasama niya? Yung caregiver niya?” dagdag ko pa sa tanong ko. Umiling si Papa. “Umuwi ang Tito Bryan mo galing Canada. Siya muna ang pansamantalang mag-aalaga sa Lola mo habang narito siya sa Pilipinas.” Napatango na lamang ako sa nalaman. Ilang minuto rin ang itinagal namin sa biyahe. Lalo pang natagalan noong kumuha kami ng cake sa shop. Medyo malaki kasi iyon kaya kailangang maingat sa paglalagay sa loob ng sasakyan. Nang dumating kami sa bahay ay pinauna na ako ni Papa na pumasok sa loob para makapagpahinga. Pagpasok ko sa sala ay bumungad sa akin ang mga katulong na naglilinis. Napabalik tuloy ako sa labas para hubarin ang sapatos ko. Nakita ko kasing napakalinis ng sahig. Nakakahiya naman kung ipapasok ko ang sapatos ko na ubod ng dumi. “Ma’am Kierra, ipasok niyo lang ho.” Ngumiti lang ako sa katulong saka pinulot ko ang dalawang sapatos at nakayapak na pumasok sa loob. Patakbo akong dumiretso sa kusina para tingnan kung ano na ang nalutong pagkain. Nang makita kong may naluto nang lumpia ay agad akong lumapit doon. Akmang kukuha na sana ako ng isa nang biglang may humampas sa kamay ko. Hindi ko tuloy naiwasang sumimangot. “Isa lang, Ma.” “At least wash your hands first, Kierra.” sermon ni Mama. Imbes na kumuha ng lumpia at nakasimangot akong lumabas ng kusina para magtungo sa aking silid. Mabilis kong inilapag ang sapatos sa shoe rack at inilapag ko ang aking backpack sa ibabaw ng aking cabinet. Sa sobrang pagod ko ay napahiga na lamang ako sa carpeted floor ng aking kuwarto. Napapikit ako nang maramdamang biglang sumakit ang aking likuran. “Kierra anak, maligo ka na.” Mabilis akong napabangon sa pagkakahiga nang marinig ang boses ni Mama. Sinubukan kong abutin ang masakit na parte ng likuran ko, pero hindi ko iyon mahawakan. Dumadalas na ang ganitong pakiramdam ko magmula ng tumuntong ako sa edad na labing pito. Palagi na lang sumasakit ang likuran ko sa hindi malamang dahilan. Minsan ko nang nasabi kina Papa ang tungkol dito. Nakapag-pacheck up at nakapag pa X-ray na rin ako pero wala namang komplikasyon ang katawan ko partikular na ang aking likuran. Kaya hindi ko rin maipaliwanag kung bakit pabigla-bigla na lamang sumasakit ang likod ko. Bumuntong-hininga ako bago kinuha ang tulwalya na nakasabit sa hanger stand. Pumasok na ako sa banyo para maligo. Hindi naman ako gaanong nagtatagal maligo lalo na kapag kagagaling lang sa training para hindi mapasukan ng lamig ang katawan ko. Pagkatapos kong maligo at magbihis, lumabas na ako. Doon ko nakita ang paparating na sina Auntie Leila at ang asawa nitong si Tito Armin kasama ang dalawang anak nilang si Caleb at Abel. Sumunod namang dumating ang iba ko pang Tito at Tita kasama ang mga pinsan ko. Punong-puno ang bahay namin ng mga batang masayang naglalaro sa sala. Lumabas ako sandali upang abangan ang pagdating ni Nanay Bing, ang lola namin at ina naman ni Papa. Siya ang pinakapaborito ko sa lahat dahil sobrang bait niya sa akin magmula noong bata pa ako. Kahit na hindi ako tunay na kasapi ng kanilang pamilya, tinanggap niya ako ng buo. Kaya gayun na lamang ang pagtanggap sa akin ng mga anak niya. Masasabi kong tunay akong pinagpala sa pamilyang mayroon ako ngayon kahit na isa lamang akong ampon ng mga Ricafrente. “Ayan na sina lola!” rinig kong sigaw ni Caleb. Nagmadali ako sa pagtakbo patungo sa labas ng gate nang makitang pumarada ang isang puting van doon. Mabilis na bumukas ang pinto at agad na inilabas ni Tito Bryan si Nanay Bing sakay sa wheelchair. “Nanay!” magiliw na bati ng aking mga nakababatang pinsan. Sumunod na lumabas sa sasakyan ang anak ni Tito Bryan na si Kael kasama nito ang isang lalaki na pamilyar sa akin ang hitsura. Siya yung lalaking nakita ko kanina sa labas ng complex. “Kierra, antagal na nating hindi nagkita, ang laki mo na at lalo kang gumanda.” Tumawa ako sa tinuran ni Kael. Ngunit hindi pa rin maalis ang tingin ko sa lalaking kasama nito. Magkakilala sila? Paano? “Ah siya nga pala, kaibigan ko, si Alex.” saad ni Kael sabay turo sa kasama niya. “Alex si Kierra, pinsan ko, anak ni Tita Rainie at Tito Simon.” Hindi sumagot ang lalaki, bagkus ay marahan lamang itong tumango at matipid na ngumiti. “Pasok na tayo sa loob.” anyaya ko sa kanilang dalawa. Nauna akong naglakad sa kanilang dalawa. Pagdating namin sa loob nag-aasikaso na ang mga helper dahil maya-maya ay magsisimula na ang kainan. “Napakaganda talaga nitong si Kierra, Rainie ano? Napakasuwerte niyo sa batang ito.” Lumapit sa akin si Papa at umakbay sa balikat ko. Muli kong naramdaman ang pagkirot ng likuran ko. Pilit na ngiti na lamang ang ibinigay ko sa kanila habang magkukuwentuhan sila tungkol sa kani-kanilang pamilya. Gabi na halos ng magsimula ang kainan. Ang mga nakababata kong pinsan ay masayang naglalaro at nanunuod sa living room habang si Kael naman ay kasama si Alex na kumakain sa kusina. Sila Papa ang umukopa ng hardin dahil paniguradong mag-iinuman sila kasama sina Tito Armin. “Pagod ka ba apo?” nag-aalalang tanong ni Nanay Bing. Napatingin ako sa kaniya. Saka ko lang napansin na mukhang kanina pa pala siya sa akin nakatingin. Isang pilit na ngiti ang iginawad ko sa kaniya. Lumapit ako at marahang hinawakan ang kaniyang kamay na kulubot na. “Medyo po. Nanggaling po kasi ako sa sports complex sa bayan kanina para sa friendship game namin ng ibang universities.” “Masyado mo na yatang pinapagod ang sarili mo. Magpahinga ka naman, apo.” Ngiti lang ang iginanti ko sa kaniya. Nang pumasok sa loob si Auntie Leila, siya naman ang pumalit sa akin sa pagbabantay kay Nanay Bing. Halos ilang oras din ang itinagal ng inuman nila Papa. Alas diyes na ng gabi nang magdesisyong umuwi sina Tito Bryan. Napag-utusan pa ako nitong tawagin si Kael sa loob kaya nagmadali akong pumasok para matawag ko ang aking pinsan. Kaya lamang, hindi si Kael ang naabutan ko sa kusina kundi si Alex na umiinom ng tubig. Umiwas agad ako ng tingin ng makita ang kakaibang titig niya sa akin. Pakiramdam ko kasi tumatagos sa pagkatao ang titig na iyon. “S-si Kael?” alanganin kong tanong. “Nasa banyo.” tipid niyang sagot. Tumango na lang ako at sinabing sumunod na lang sila sa labas dahil kailangan na nilang umuwi dahil lumalalim na ang gabi. Lumabas na akong muli. Nakita ko sina Mama na nakikipag-usap kina Tita Leila. Marahil ay nagpapaalam. “Sa susunod na magkikita tayo sa birthday naman nitong si Kierra.” sabi ni Tito Armin. Tipid akong ngumiti. Hinawakan ni Mama ang kamay ko at hinila palapit sa kaniya. Lumabas na rin sina Kael, saglit na nagpaalam kina Mama bago tuluyang sumakay sa loob ng van. Nang makasakay na sa kani-kanilang kotse ay muli akong kumaway. Tinapik ni Mama ang aking balikat at sumenyas na aasikasuhin niya na si Papa dahil medyo lasing ito. Tumango naman ako at pinauna na sila sa loob. Muli akong sumulyap sa loob ng sasakyan. Nakapagtataka dahil tinted ito pero nakikita ko pa rin kung ano ang ginagawa ng bawat isa sa loob ng sasakyan. Marahan kong kinusot ang aking mata para siguruhing tama ang nakikita ko. Abala si Kael sa paglalaro sa cellphone nito habang si Alex ay nakamasid sa pinakamataas na bahagi ng bubong ng aming bahay. Nakita ko pa ang tipid na ngiti nito bago unti-unting bumaling sa akin ang kaniyang paningin. Sinubukan kong ngumiti sa kaniya ngunit bigla na lamang naglaho ang emosyon sa kaniyang mukha. Hindi ko tuloy alam kung may galit siya sa akin o ano. Nakatitig lamang siya sa akin. Ilang sandali pa ay muli ko na namang naramdaman ang pagkirot ng aking likuran kaya napahawak ako roon. Tuluyan nang umalis ang sasakyan. Tumalikod na rin ako para maglakad papasok sa loob ng aming bahay nang makarinig ako ng malakas na pagaspas ng pakpak ng isang ibon. Aatras sana ako upang tingnan sa aming bubong kung mayroong ibon doon ngunit napako ang aking paningin sa anino ng lumilipad na ibon. Nagkibit-balikat na lamang ako ngunit agad na napatigil nang biglang may sumagi sa aking isipan. Posible bang may ganoong kalaking ibon?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

His Obsession

read
104.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook