“Sa tingin ko ay kailangan ko nang bumalik sa aking silid, Ino. Ilang oras nalang ay sisikat na ang araw. Ayoko namang maabutan ako rito ng nag-aasikaso sa iyo.” Mataman lang siyang nakatingin sa akin habang nakaupo ako sa kaniyang tabi. Hawak niya ang aking kamay at marahan niyang pinipisil-pisil iyon. Kanina ay tinulungan ko siyang magpalit ng damit pang-itaas. Dahil sa karamdaman niya ay kinailangan niyang manatili sa anyong tao. Ang sabi niya, 29 years old na siya. Pero kahit saang anggulo ko tingnan ay hindi ko iyon makita. Kahit na may mga patubo siyang bigote ay hindi nakabawas iyon sa kaniyang kaguwapuhan. “Wala ka pa bang asawa?” Napatitig siya sa akin nang marinig ang aking tanong. Ang hinihintay ko ay ang kaniyang sagot pero kumunot ang aking noon ang marinig ang kaniyang ma

