CHAPTER 66

1013 Words

STELLA POV Paglabas ko ay sakto pang may dumating na isang traysikel sa tapat ng bahay namin. Ngunit hindi ito ang traysikel na sasakyan ko sapagkat may isang tao na nakasakay dito. Isang babae na labis na gumimbal sa buhay ko. Ang taong lubos kong kinamumuhian at kinaiinisan. Nang makita ko nga siya ay mabilis na nag apoy ang puso ko ng dahil sa tindi ng galit. Naka kulay asul siyang tshirt at nang bumaba siya ay ngumiti ng may nagkukubling takot sa kanyang mukha. Para bang nag dadalawang isip siya kung lalapit siya o ako ang lalapit sa kanya. Hindi na ako makapag hintay sa kanya kaya naman ako na mismo ang lumapit sa walang hiyang babae na ito. Kahit pa naka gown ako ay pinilit kong makalapit sa kanya. Napakatagal kong hinintay ang sandali na ito kung saan muli kaming magkakaha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD