STELLA POV Nag panggap akong natutulog, ayaw ko siyang tingnan at baka kung ano pa ang sabihin niya. Nahuli pa nga niya akong tumitingin sa kanya kanina. Pinakiramdam ko siya, talagang yumayapak ang mga paa niya papalapit. Pero nag ring ang cellphone niya sa lamesa at sinagot niya ito. English speaking siya ulit at nahimasmasan na ako. Ngunit maya maya pa ay naramdaman ko siya na humiga din dito sa kama at bumulong. "Magpunta ka ng cr at mag shower ka!" saad niya. "Binilhan nga pala kita ng maraming damit sa Manila, ayaw kong mag mukha kang basahan." Nang sabihin niya ito, alam ko nang may muling magaganap sa aming dalawa. Kahit na medyo nilalamig ako ay sumunod ako sa pinag uutos ng lalaking ito. Pumunta ako sa cr at nag shower ako. Hiniram ko pa nga ang towel na ginamit niya. Na

