STELLA POV "Ang bait mo talaga ate Stella. Sayang at mukhang wala na kayong pag asa na muling magkabalikan nitong si kuya Joel. Sana ay nakikita niya ang mga efforts mo para lang maging maayos ang lagay niya. Wag mo na sana akong pigilan sa sasabihin kong ito pero gagawin ko pa rin ang makakaya ko upang ma kumbinsi siya na balikan ka." "Hindi mo na ito kinakailangan pang gawin kasi tinanggap ko na ang nangyari. Sige na, tsaka mo na ako tawagan kapag may bago kang ibabalita." May pahabol pang sabi itong si Jonas bago ko ibaba ang tawag. "Ano nga pala ang best time para tawagan ka ate Stella? Gabi ba o madaling araw? Natatakot din kasi ako sa boss mo eh. Baka kung ano pa ang gawin niya kapag tumawag ako sayo." Maging ako man, natatakot din ako na baka kung ano pa ang gawin ni Mr. Sim

