STELLA POV Narinig ko pa nga ang bulong ni tita Belen na over acting daw ang sinabi ko. "Stella, kamusta nga pala si Joel? Wala na ba siyang planong balikan ka pagkatapos niyang malaman ang ginawa mo?" Nakaka inis si Mr. Simon, nang aasar pa yata siya sa tanong niyang nakaka irita. Naging saksi naman siya noong tinaboy ako ni Joel at sinampal. Kaya niya siguro ito tinanong ay dahil sa gusto pa niya akong mapahiya ng todo todo. Kung pwede nga lang na hindi ko na pansinin ang mga sinasabi niya ay ginawa ko na pero baka mapikon pa siya. "Naniniwala po ako na magagawan nila ito ng paraan. Madiskarteng mga tao po ang magulang ni Joel kaya hindi rin ako masyadong nag aalala." "Buti naman kung ganun, dapat lang na matuto silang tumayo sa sarili nilang mga paa. Hindi yung iaasa nila ang la

