STELLA POV Buti na lang nga at nag bigay ako ng pera kay Jonas kanina. May napuntahan ang lakas ng loob ko na pumunta sa hospital at makipag kita sa kanya. Pero kahit na may tiwala ako kay kuya Jobert, mas pipiliin ko pa rin na sarilihin ang tungkol sa pagtakas ko. "Ayun nga po ang malaking problema ko. Kung wala na ang iaabot kong tulong sa pamilya ni Joel. Baka ang mangyari nito ay mangutang sila doon sa lugar namin. Eh ang dami pa naman mga chismosa doon. Mabuti kung mababait sila eh nuknukan din sila ng kadamutan. Kaya naaawa ako para kay Joel at sa pamilya niya." Napakamot ng ulo si kuya Jobert na para bang problema niya ang problema kong ito. "Ganun ba? Nako, flight na natin bukas papunta sa Manila. Sige, ita try ko na pumunta doon sa inyo mamaya para makapag bigay ako ng pera.

