STELLA POV "Mawalang galang na ngunit wala ka nang pakialam sa kung ano ang mga nangyari. Dapat nga na ipagpasalamat mo na nandito ka pa rin sa kabila ng nangyari. At isa pa, bakit ko naman sisisihin ang sarili ko sa nangyari? Hawak ko ba ang utak ng boss natin ha? Tapos na ang nangyari at natanggal na ang ibang mga kasambahay dulot ng init ng ulo ni Mr. Simon. Wala na tayong magagawa pa tungkol dito. Malabo nang maibalik pa ang lahat sa dati kaya matuto tayong mag move on sa ating buhay. At alam kong matutuwa ka sa sasabihin kong ito, wala na kami ni Joel, ang kasitahan ko sa probinsya. Kinarma na ako kaya mag celebrate ka na at ngumiti, tawanan mo ako hangga't gusto mo. Ang mas masaklap pa nga dito ay dumating pa si Mr. Simon sa mismong araw ng kasal ko, ang hirap ngang tanggapin na s

