STELLA POV Plastic na nga siya tapos ito pa ang ginawa niya. Para na rin niyang sinabi sa akin na panget ako sa mismong harapan pa talaga ng boss namin. Napaka walang hiya ng babaeng ito at sana ay tanggalin na siya ni Mr. Simon sapagkat pawang kasinungalingan na ang lumalabas sa kanyang bibig. Baka kung ano na ang iba pa niyang gawin. Bistado na nga siya pero heto pa rin siya, tinutuloy ang kasinungalingan. "Tama na Manang. Kung ayaw mong tanggalin kita, ititikom mo ang bibig mo at siguraduhin mong magiging maganda itong si Stella kapag lumabas siya. On the spot kitang sisisantihin kapag hindi mo ito inayos," sambit ni Mr. Simon. Yumuko ang matandang ito. Natutuwa talaga ako kahit papaano kasi ako ang pinanigan ng boss namin. Siya naman talaga ang nag umpisa nito. Simula nang dumati

