STELLA POV Pero huli na ang lahat para magsisi ako. Bumaba na kami at nauna nang lumapit si Aling Marta at ang sungit ng kanyang mukha. Literal na lumabas ang pagiging maldita ng babaeng ito! "Hoy Stella, akin na ang kwintas at hikaw ng anak ko at baka pati ang mga 'yan ay nakawin mo pa! Sobra kang nakakahiya sa pamilya ni Joel. Binigyan mo sila ng kahihiyan, sinabi na ng tita Belen mo ang lahat ng pagnanakaw mo sa Manila. Kaya pala may pa lechon ka dito at ang dami pang handa. Balak mo pa itong ipalamon sa lahat ng mga bisita mo eh galing sa nakaw. Baka sumakit pa ang tiyan namin dito. Ingratang babae, sana ay mabulok ka sa kulungan sa lahat ng mga ginawa mong panloloko sa lahat ng tao dito s lugar natin!" Sobrang sakit ng sinabi ni Aling Marta, akala mo sobrang laki ng nagawa kong

