STELLA POV Dinala nila si Joel sa hospital at ako, naiwan dito sa loob ng city hall at umiiyak mag isa. Sana nga ay hindi na lamang totoo ang mga nangyayari pero huli na pala ang lahat. Masakit ito para sa akin at alam kong hihiwalayan na ako ni Joel kapag naging maayos na ang pakiramdam niya kaya ngayon pa lang ay maluwag ko nang tinatanggap na wala na kami. Subalit kung humantong man sa ganito ang aming sitwasyon, ang tanging kahilingan ko lamang, sana ay mapatawad niya ako at gumaling siya. Tatanggapin ko nang magiging mag isa ako o baka makulong sa bilangguan habang buhay. "Nasaan mo dinala ang natitirang pera ko? Ibigay mo ito at baka magkaroon pa ako ng katiting na awa!" sambit ni Mr. Simon na umupo sa tabi ko. Natatakot ako sa kanya, matapos kong makita ang karumal dumal niyan

