STELLA POV "Salamat, ang pogi mo rin ngayon Joel. Excited na akong ikasal sayo!" Hindi ko na mapigilan na maiyak sa nag uumapaw na tuwa. Ang sarap sa pakiramdam na matutuloy na ang kasal namin. Nanginginig pa ng ang mga kamay ko. Ganito ako kasabik sa pag iisang dibdib namin ng boyfriend ko! "Relax ka lang Stella? Alam kong sabik ka pero darating din tayo sa exciting part." Tinigil ko ang pag iyak ko. Dapat ay i reserve ko ito para mamaya, sayang ang ayos ko kung masisira ito ng make up! "Sorry Joel, para kasi akong nasa alapaap sa sobrang saya ko!" sambit ko sa kanya. "Walang problema!" Sinumulan na namin manumpa sa harapan ng pari subalit bago pa man kami mag halikan ni Joel ay biglang nag bukas ang pintuan. Sabay pa nga kaming lumingon ni Joel pero ang labis kong ikinagulat ng

