CHAPTER 3

1023 Words
STELLA POV Lumingon muna si tita Belen sa akin at binigyan niya ako ng isang tipid na ngisi. "Stella, halika pala sa kwarto mo. Ihahatid kita, magpahinga ka muna, tatawagin kita kapag kakain na tayo." Naaaligaga ang boses niya. Halatang ayaw niyang masaksihan ko kung ano ang pagtatrato ng lalaking kinakasama niya. Sumunod ako kay tita. Binitbit ko ang mga gamit ko at pumunta na kami sa isang maliit na kwarto na katabi ng cr. Maayos ito at mayroong electric fan pero dama ko ang init sa loob. Sanay din naman ako sa init lalo na kapag ako ay nasa bukid at umaani ng mga mais at palay subalit akala ko ay mayroon siyang aircon, akala ko lang pala. "Babalikan kita Stella," sambit ni tita sabay alis. "Tita, pwede po bang maligo ako? Nalalagkitan kasi ako sa katawan ko eh," pagpaalalam ko sa kanya. "Sige walang problema, mayroon namang sabon at shampoo jan." Umalis na siya at pumasok ako sa loob. Pagsarado ko ng pintuan ay narinig ko silang nagtataasan ng boses. Tila ay mayroon silang pagtatalo. Naiinis ako kasi parang dehado si tita sa pag aaway nila. Malamang malakas ang loob ng kinakasama niya dahil sa pamamahay niya ito at nakikitira lang si tita. Hindi ko na gusto pang marinig ang usapan nila. Mabuti at isang araw lang ang itatagal ko rito. Nagtungo ako sa cr at mabaho ang cr dito, mapanghi at mahina pa ang pag agos ng tubig. Buti at mayroong imbak na tubig kahit papaano. May dala naman akong sarili kong shampoo at sabon na tatagal ng isang linggo. Nag bukas naman ng pintuan noong akmang patapos na akong maligo. "Stella, halika ka dali, dumating na yung pina order kong dress na susuotin mo para bukas," maligalig ang boses ni tita, mas excited pa siya sa akin sa dress na isusuot ko. Dali dali akong nagsuot kaagad ng damit. Lumabas ako at nakita ko siyang nakangiti pero mayroong pasa sa kanyang kanang pisngi at namamaga ang kanyang nguso na dumudugo. Dala na niya yung parcel niyang nasa malaking box. "Tita, ano po ang nangyari sa inyo?" nag aalalang tanong ko. Sa kabila ng ngiti niya, napansin ko yung lungkot sa kanyang mga mata. "Nadapa ako kanina sa labas at napuruhan ang pisngi at nguso ko. Sige na, isukat na natin para mayroon kang susuotin bukas. Yung dress ko kasi, nasa kwarto ko na, mamaya ko isusukat." Halata sa mga mata niya na nagsisinungaling siya. Naaawa ako kay tita kaya kakausapin ko siya kapag nagkaroon ako ng pagkakataon. Binuksan namin yung parcel at nakita ko yung pink na dress. Kuminang ang mata ko kasabay ng pag kinang ng mga pekeng perlas at diamond na kasama sa design ng dress. Ito na yata ang isa sa pinaka magandang dress na nakita ko, ni minsan nga ay hindi ko danas na magsuot ng ganitong klase ng dress kahit noong ika 18th birthday ko. Morena akong babae pero sabi ni Joel sa akin dati, bagay daw ang pink na kulay sa kutis ko. Sinukat namin ito ni tita sa katawan ko at ang saya ko kasi kasyang kasya sa balingkinitan kong katawan. Gandang ganda ako sa harapan ng salamin. "Grabe tita! Ito na yata ang pinaka magandang naging pormahan ko. Maraming salamat sa pagbili niyo nito! Paano niyo nalaman ang size ko?" "Basta wag mo na akong tanungin. Gusto ko na ingatan mo ang dress na yan. Yung heels na susuotin mo, hiniram ko sa kapitbahay natin. Wala na kasi akong budget, at yung make up mo, nakihiram na rin ako. Dapat ay maging maganda ka sa harapan ni Mr. Simon bukas kapag nagkita kayo. At wag na wag mong kakalimutan na isuot ang pinaka magandang ngiti mo bukas. Mas gumaganda ka kapag mayroong ngiti sa iyong labi," sambit ni tita habang nakatingin kaming parehas sa salamin. "Opo tita, parati naman akong nakangiti kahit noong nasa probinsya na ako. Pero mukhang mabait po si Mr. Simon kasi inimbitahan niya ako sa kaarawan niya." "Oo, mabait na lalaki si Mr. Simon at mismong sasakyan niya pa nga ang susundo sa atin bukas ng 10 am. Kaya dapat 9:30 ay nakabihis ka na." "Bukod sa inyo, sino pa po ang ibang sasama?" "Tayo lang dalawa. Ang asawa ko, mayroon silang inuman dito ng kaibigan niya bukas." Pinilit niyang ngumiti pero hindi sumasabay ang mga mata niyang mayroong takot na nagkukubli. "Mukha pong madalas uminom ang asawa niyo ha? Saan po pala nagtatrabaho si tito Berto?" "Sa factory siya nagtatrabaho pero isang linggo na siyang bakante. Ganyan din naman siya dito kapag wala siyang ginagawa. Mahirap pa naman na maging kahati ang alak sa budget namin, kaunti na nga ang natitira dito sa bahay at puro na kami utang sa tindahan. MInsan nga ay nahihiya na akong lumabas." Sa nakikita ko ay para bang gusto niya nang magalit sa asawa niya subalit nagtitimpi siya ng galit. "Hayaan mo na ako Stella, ang importante naman dito ay sa mansyon ka ni Mr. Simon titira, mas masasarap ang mga pagkain doon at malayo ka sa gulo dito sa bahay namin." "Belen! Belen! Nasaan na ang pinapabili ko sayo!" ang sigaw ni tito Berto sa labas. Natatakot ako sa tono ng kanyang pananalita. Nakakabingi siyang sumigaw at halatang pikunin, hindi ko alam kung bakit nagtitiyaga si tita na mapunta sa ganitong sitwasyon gayong pwede naman siguro na sabay na kaming mamasukan sa mansyon ni Mr. Simon. "Saglit ulit Stella ha? Aasikasuhin ko lang ulit ang asawa ko sa labas. Mayroon kasi siyang inuutos sa akin eh!" Takot na takot si tita sa tono ng pananalita niya. Lumabas na siya at naiwan ako dito sa loob. Tinanggal ko na ang pink na dress ko. Nakatanggap ako ng tawag kay tita Mercy, ang mama ni Joel, pagkatapos kong mag bihis. Naalala ko ang sinabi niya na tumawag ako sa kanya kapag nakarating na ako dito sa bahay ni tita Belen. Sa sobrang excited ko sa pagdating ko dito ay nakaligtaan ko na kaagad ang naging usapan namin. "Hello po tita? Nandito na po ako sa bahay ni tita Belen, kakarating ko lang po," bungad ko ng sagutin ko ang tawag niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD