STELLA POV
"Mabuti naman kung ganun Stella. May masama akong Balita sayo, tumaas kasi ang bill natin dito sa hospital at kaylangan daw ng 20 thousand upang maoperahan si Joel. Hindi ko nga alam kung pineperahan lang tayo ng hospital na ito eh. Public nga pero sobrang mahal ng gastos."
Nakakasuya ang hospital na pinagdalahan namin sa boyfriend ko. Naiinis nga ako noong nakaraang araw ng kausap ko yung nurse eh. Nakakaubos talaga sila ng pasensya.
"Tita, baka po pwede natin ilipat ng hospital si Joel. Baka nga po pineperahan lang nila tayo." Sambit ko pa. Napa buntong hininga ako ng malalim.
"Stella, hindi natin pwedeng ilabas si Joel hanggat hindi pa natin nababayaran ang lahat ng balance natin dito sa hospital. Kaylangan muna natin itong mabayaran. At siya nga pala, nakasangla na rin ang farm namin dito. Masakit man pero parang dito na papunta ang sitwasyon natin."
Bakas na bakas ko yung lungkot sa tono ng boses ni tita Mercy. Napamahal na rin ako sa farm at dito ako lumaki. Kaya nakakalungkot kung mawawala ang farm na ito.
"Tita, wag niyo po muna itong gawin. Pangako ko po sa inyo na gagawan ko ito ng paraan. Tatawag po ako sa inyo ulit."
"Sige Stella, maraming salamat dahil tinutulungan mo pa rin ang anak ko sa kanila ng mga pinagdaan niya. Malaki ang panghihinayang ko na hindi natuloy ang kasal ninyong dalawa."
"Eh hindi na naman po ibang tao sa akin si Joel. Asawa ko na siya kung tutuusin kaya gagawin ko ang lahat ng makakaya ko upang gumaling po siya at matuloy ang kasal namin."
"Sana nga eh. Pero kaylangan ko nang ibaba ang tawag ha? Bukas na lang din tayo mag usap upang makapag pahinga ka."
"Ok po."
Saktong pagbaba ko ng tawag ay biglang pumasok ulit si tita Belen sa loob. Nadagdagan ang pasa sa kanyang kabilang pisngi. Grabe ang pagpapahirap sa kanya ng kinakasama niyang lalaki. Sana ay matauhan siya at wag nang makisama sa ganitong tao.
"Kain na tayo," nakangiti niyang pag aaya sa akin.
Kumain kami sa labas dalawa. At ang asawa niya, talagang literal na bastos kasi ang lakas lakas na ng TV nila at nakataas pa ang mga paa dito sa mismong harapan ko. Sanay naman akong Kumain ng Tuyo at noodles pero nakakawalang gana na ganito ang nakikita ko sa harapan ko.
Halatang labis ang takot ni tita sapagkat wala man lang siyang kaimik imik. At panay nga ang tayo ni tita dahil sa sangkatutak na inuutos sa kanya ng asawa niya.
Ako na nga yung nahihirapan sa kanya sapagkat labis akong naaawa. Hinayana ni tita ang sarili niya na maging alila ng Berto na ito. Hindi na siya makakain pa ng maayos.
Kinabukasan, 10 am ng umaga, umalis na kami matapos kaming sunduin ng kotse ni Mr. Simon sa bahay ni tita. Ngayon lang ako nakasakay sa ganitong kagarang sasakyan. Sa probinsya namin sa Tacloban, trycle ang pinaka magarang nasakyan ko tapos mayroon pang bayad.
Unang lakad ko sa Manila, ang ganda ng sasakyan na ito tapos libre pa. Maganda pa ang suot kong pink na dress, ang ganda ko rin sa make up ko at ang bango bango ko pa. Mas lalo ko pa tuloy nagugustuhan dito sa Manila.
"Anong tawag sa sasakyan na ito tita?" Bulong ko sa kanya.
"Van ang tawag dito pero hindi ko alam kung ano ang pangalan ng brand. Normal nang makakita ng ganitong klase ng sasakyan dito sa Manila."
Napatitig ako sa kanyang mukha. Napansin ko kaagad na hindi kayang takpan ng make up niya ang magkabilang mga pasa sa kanyang pisngi at namamaga pa rin ang kanyang labi kahit na makapal ang kanyang lipstick.
"Tita, bakit hindi na lang po kayo pumasok sa mansyon ni Mr. Simon bilang isang kasambahay? Para po parehas na tayong nandoon."
"Stella, sumagi na ang bagay na yan sa isipan ko. Pero napagtanto ko na mas kaylangan ako ng asawa ko at mga anak niya sa bahay."
Muling nanginig ang boses ni tita sa takot. Alam ko na ang sinabi niya ay Isa lamang malaking kasinungalingan.
"Tita, wag niyo na pong itanggi pa. Kitang kita sa mga pasa sa inyong mukha na sinasaktan po kayo ng asawa niyo. Kumawala po kayo sa ganitong klase ng sitwasyon, baka dumating ang panahon na labis kayong mag sisi sa ginagawang pambubugbog ng asawa niyo. Kagabi nga panay ang utos niya sa inyo. Wag po kayong matakot tita, mas kabahan po kayo kapag nanatili kayo sa bahay ng abusado niyong partner."
Halata na peke na ang ngiti na binibigay niya sa akin.
"Stella, isang mabait na lalaki si Berto. Noong unang luwas ko rito sa Manila ay siya ang tumulong sa akin. Tinanggap niya ako dito sa bahay niya at siya ang nagtatrabaho. Isa akong housewife at normal na utos utusan niya ako dito sa bahay. Basta ang tanging maipapayo ko sayo ay ayusin ang sarili mo dito sa Manila. Mabait ang amo mo kaya mas sipagan mo sa trabaho."
"Opo tita, alam ko naman ang tungkol sa bagay na yan. Malaki rin po pala ang pangangailan ni Joel. Ooperahan po siya at malaki ang pera na kaylangan."
"Kakausapin ko si Mr. Simon Mamaya tungkol dito kaya wag ka nang mabahala pa."
Inabot kami ng isang oras sa biyahe dulot ng matinding traffic. Pero pagkarating namin sa harapan ng mansyon ni Mr. Simon, lumawak ang ngiti sa aking mga labi. Parang ganito yung napapanood ko sa mga teleserye dati noong bata pa ako. Ang ganda, ang laki ng asul na gate at kusa itong nagbukas.
Gustong pumatak ng luha sa aking mga mata subalit ayaw kong mabura ang make up ko. Sadyang nag uumapaw ang saya sa aking labi.
Pumasok na kami ni tita sa loob at naghawakan kami kasi parehas kaming hirap na hirap sa pag susuot namin ng heels na mataas ang takong.
Ang dami ng mga tao sa loob. Lahat ng mga babae ay naka dress. Ang mga lalaki ay nakasuot ng mga pang negosyanteng mga damit. Maganda ang suot ko pero feeling ko ay ang cheap kong tingnan kumpara sa kanila.
"Halika, puntahan kaagad natin si Mr. Simon," bulong ni tita.