STELLA POV Hahaha! Natatawa ako sa sarili ko, masyado din ba akong assumera na babae ngunit iniisip ko na pwede kaming mag karelasyon. Ito din kasi ang mahirap sa mga lalaking masyadong mabait eh, masyado nila kami pinapasang mga babae. Romeo! Ang gandang pangalan at sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa makasakay siya ng kanyang sasakyan na maganda din. Kulay puti din ang kanyang sasakyan na naging terno sa kanyang damit. Niyakap ko ang libro na ibinigay niya sa akin at may kilig lang din talaga ako sa mga nangyari. "Naks! Sabi ko sayo Stella eh, makakatagpo ka din ng lalaki na para sayo balang araw. At sino ba ang mag aakala na ang balang araw na ito na sinabi ko ay ngayon na mismo nagaganap. Gwapo yung lalaki ha? Masasabi ko na mas gwapo pa nga siya sa dating boyfriend na si Jo

