STELLA POV "Ooops, I am so sorry, gown pala ang natapakan ko, akala ko kasi ay kurtina ng sala!" Sa boses pa lamang ay alam ko nang si tita Belen ang nagsalitang ito sa akin. Naiinis ako, ang ganda na nga sana ng mood ko subalit ito sya at sinisira na naman ang araw ko. Akala ko ay hindi siya invited dito kasi pang mayaman lamang ang party na ito? Di ko na nga kinakailangan na lumingon sa likod para makita ang mukha niya. "Tita Belen? Ano ba ang ginagawa mo dito ha? Pang mayaman lamang ang party na ito, sino ang nagsabi sayo na ikaw ay kasama dito ha? Anong feeling mo sa sarili mo ay mayaman ha? At sino ang nag bigay sayo ng gown na yan? Sponsor ka ba ng ukay ukay? Hindi bagay ang ka cheapan mo sa lugar na ito kaya ang mas maigi pa ay tigilan mo na ang pag papanggap mo. Umuwi ka na

