KATATAPOS lang makipagvideo call ni Mathew sa bunso nyang kapatid. Nangungulit na naman ito na kumbinsihin nya ang mommy nila para payagan itong magtravel abroad kasama ng mga kaibigan nito.
Syempre, maging sya ay hindi rin sang-ayon sa hiling nito. Pwede naman sana kung dito lang sa Pinas. Atleast kampante sila dahil mababantayan nila ito.
Naiiling na ibinulsa nya ang cellphone. Kapag si Camia talaga ang kausap nya mabilis syang tatanda.
Nadako ang tingin nya sa mga kaibigang naghaharutan sa pool. Napaka-iingay ng mga ito. Mga siraulo talaga. Akala mo mga walang swimming pool sa kanila, eh naglalakihan din ang mga swimming pools ng mga ito sa mga sariling mansion.
Nangunguna sa kalokohan si Zyrone na sinundan nina Vince at Dave. At wagka pati itong si Luke nakisali na din. Kung makikita lang ito ngayon ng mga kliyente nito, malamang na mag-back out na.
Pero syempre, isa ito sa pinaka magaling na abogadong nakilala nya. Maging ang tatlong luko-loko nyang kaibigan ay magagaling ding mga negosyante. Sadyang magugulo lang kapag nagkasama-sama sa isang lugar. Malamang nga na nagpustahan na naman ang mga ito kung sino ang mas magaling lumangoy.
Dumating ang mga ito kahapon ng umaga. Talagang sinurpresa sya, ni hindi man lang nagpasabi ang mga ito na dadating pala. Nataon pang mainit ang ulo nya. Sabagay okay na ring nandito itong mga ito. Kahit papano'y nad-divert ang isip nya. Hanggang ngayon kasi'y hindi pa sila okay ng Lola nya.
" Dude, sali ka sa'min." narinig nyang sigaw ni Vince.
" Kaliligo ko lang." sagot nya.
" Oh, come on.. Wag ka'ng kj. Halika na." si Dave.
" Oo nga. Ang sarap kayang magswimming dito sa pool nyo." ani naman ni Zyrone.
" Tss.."
Hinayaan na lang nya ang mga ito at sa lanai nagtuloy. From there kitang kita nya pa rin naman ang mga luko-lokong kaibigan.
Naabutan nya doon si Alex na busy sa laptop nito. Sa kanilang magkakaibigan, si Alex ang pinaka workaholic. Hindi uso dito ang bakasyon. Or maybe he's just getting himself busy to forget something.
" Hey bro." aniya.
"Hey." anito namang ni hindi tumitinag mula sa ginagawa.
" Masyado kang seryoso dyan."
" Nah, don't mind me." supladong anito.
Mukhang hindi nya makakausap ang isang to kapag ganito. Nagpalinga-linga sya. Hindi nya ata napapansin si Liam. Isa pang seryoso ang kaibigan nyang iyon. Pero hindi naman kasing suplado ng pinsan nito. Madali itong lapitan at siguradong may maganda itong advise kapag nagsabi ka sa kanya ng problema.
Actually, ito ang naging hingahan nya ng sama ng loob noon.
Inabala na lang din nya ang sarili sa pagtingin tingin ng mga apps na naka download sa cellphone nya.
" Have you seen Li?" maya maya'y tanong sa kanila ni Zyrone habang nagpupunas ito ng twalya sa ulo. Sa wakas umahon din sa pool. Malamang na natalo ito sa pustahan.
" Nope." sagot nya.
" Maybe he's in the kitchen." si Alex na tuloy pa rin ang pagtipa sa keyboard ng laptop nito.
" How'd you know?" tanong ulit ni Zyrone.
" He said he needed to drink water."
"And how are you sure he's in the kitchen?"
" For god's sake Zyrone, just go and see for yourself! " iritang sagot ni Alex.
Pigil nya ang matawa. Halata naman kasing pinagt-tripan lang ito ni Zyrone. And Zyrone being Zyrone again, lumapit pa ito sa pinsan nito.
" Aha! Nanonood ka ng p**n?!" malakas na anito. Napatigil tuloy siAlex sa pagt-type. At matalim na tingin ang ipinukol sa pinsan.
" f**k you! " singhal dito ni Alex. Kung nakamamatay lang ang tingin malamang na bumulagta na itong si Zyrone.
Ang loko ang bilis namang nakalayo habang tatawa-tawa. Sira ulo talaga.
" Nah, try to loosen up a bit." aniya na lang. "Masyado ka kasing seryoso."
" You tell that to yourself kapag ikaw naman ang pinagtrip-an ni Zyrone. "
Natawa sya. Matagal na namang loko loko si Zyrone and so far, immune na sila dito. Ewan ba dito kay Alex at masyadong pikon.
Muli nyang pinag-tuunan ng pansin ang cellphone. Nakakaramdam na sya ng antok. Kaunti na lang at mapapapikit na sya...
" Hey guys, pay attention please." malakas na boses iyon ni Zyrone kaya pareho silang napalingon dito ni Alex.
" I'd like you to meet our new found friend." medyo na-curius naman sya.
' Ano na naman kaya ang kalokohang gagawin nito?'
" My new friend, Sandy. "
" What the f**k?! " nawala bigla ang antok nya.
Nakita nga nya si Sandy sa likod ni Liam. Antagal din nya itong hindi nakita. And somehow, he felt relieved. Ayaw man nyang aminin pero namiss nya ang dalaga. Ng dahil sa hindi nila pagkakaunawaan ng lola nya, nadamay si Sandy. Iniwasan nyang pumunta sa factory kung saan ito naglagi nitong mga nakaraan. Pati mga texts at tawag nito hindi rin nya binabasa o sinasagot man lang kahit alam nyang patungkol naman ang mga iyon sa trabaho.
And now, she's here. Nakikita na naman nya ito ng malapitan. Kung paano nito irapan at tingnan ng masama si Zyrone. Bagay na ito lang ang nakagagawa noon sa kanya.
" She's pretty isn't she? "
That's it! Tumayo na sya para lapitan ang mga ito. Gagong Zyrone, pati si Sandy idadamay sa mga kalokohan.
_____________________________
" HEY guys, pay attention please." pumalakpak pa si Zyrone para makuha ang atensyon ng mga kaibigan nito.
Para namang may dumaang anghel at biglang natahimik ang mga ito at napako sa kanila ang pansin ng mga naroon. Si Sandy naman ay kulang na lang itakip sa mukha ang dalang mga folder. Inilibot nya ang paningin sa paligid at bigo syang makita roon ang hinahanap.
" I'd like you to meet our new found friend, Sandy."
Pasimpleng inirapan nya ang lalaki. Napaka naman neto. Agaw-pansin masyado. Kailangan pang-iannounce ng malakas ang pagpapakilala sa kanya?
Wala naman pala kasi don si Mathew. Kung bakit sumama-sama pa sya sa Zyrone na ito. Nakuu! Ang sarap lang batukan.
" She's pretty isn't she? "
Tinitingnan na nya ng masama si Zyrone para tumigil na ito sa mga pinagsasabi nito. Si Liam naman ay tahimik lang. Hindi man lang nagre-react sa mga pinagsasabi ng kapatid nito. Hindi man lang sinasaway si Zyrone, nahihiya na sya sa totoo lang.
" Hi Sandy.." anang isang lalaki na kakaahon lang mula sa pool. Nagpunas muna ito ng kamay sa twalyang nasa bench bago naglahad ng kamay sa kanya. "I'm Dave. Glad to meet you."
" Hello Dave." inabot naman nya ang kamay nito. "Glad to meet you too." mukha naman itong gentleman.
" Hello Miss Sandy! " ani naman ng isa pang lalaki. Kumaway lang ito sa kanya. Nakalublob pa rin kasi ito sa tubig. " Vince, here! "
"Hello!" she waved back.
" Hi! Still remember me?"
"Oh, hi Attorney. Good to see you here." inabot ni Atty. Luke ang kamay sa kanya na tinanggap naman nya. Medyo nagulat lang sya dahil nakipag-beso pa ito sa kanya.
" Uy close pala kayo?" si Zyrone.
" And what are you doing here Miss Ramos?" napalingon silang lahat sa nagsalita.
Si Mathew!
Nakasambakol na naman ang mukha nito, pero bakit parang ang gwapo nito lalo ngayon?
' Erase, erase, erase!'
Ano ba naman 'tong pinag-iisip nya?!
" Shouldn't you be in the factory Miss Ramos?" anito pa.
Okay, medyo nagulat sya dito lalo ng tawagin sya nitong Miss Ramos. But it's okay, baka naka work mode lang ang boss nya and he's being professional again kaya Miss Ramos ang tawag sa kanya.
" Boss.. " Tipid na ngiti ang pinawalan nya. " Tapos na po ang trabaho ko sa factory. Babalik na din si Mang Pedring bukas kaya balik na din ako sa office."
" So, why are you still here and you haven't come home yet? Bukas pa pala ang pasok mo?"
Napalunok sya sa sinabi nito. Ano ba ang drama ng lalaking ito at parang ang cold masyado sa kanya. Okay naman sila nito ng huling kita nila, ah. Ang sya pa nga nila noon.
Ayaw ba nitong nandito sya dahil nandito ang mga kaibigan nito? Nakakaasar naman 'tong lalaki na ito.
" Kanina pa kasi kita hinahanap. Ni hindi mo kasi sinasagot ang mga texts at tawag ko. Sana kung nagreply ka man lang, hindi na ko nagpagod na magpunta pa dito." ayan nagsisimula na naman tuloy mag-init ang ulo nya.
" It's not like, I have to answer when you you texted or called."
" At hindi rin po ako mag-aabalang tawagan or i-text ka kung hindi rin lang naman regarding sa work ang pag-uusapan, Sir. "
'Gago'ng to! '
Ang mga kaibigan nito ay palipat-lipat ang tingin sa kanila. Pinapanood lang sila ng mga ito. Lihim na napapangiti at nagpapalitan ng mga makahulugang tingin.
Walang ngiting iniabot nya dito ang mga folder. Kung pwede ngalang eh, baka naihampas nya sa dibdib nito ang mga iyon para isaksak sa baga nito.
" Oh, ayan, paki-review muna at paki-pirmahan mo na lang tapos. Kailangan na yan bukas." aniya, at nang kunin nito iyon ay tumalikod na sya agad.
Bahala ito kung sakaling may tanong ito sa kanya tungkol sa mga reports na iyon. Basta inayos na nya iyon kagabi pa. Wag lang itong magkakamaling tumawag-tawag sa kanya dahil hindi nya rin sasagutin.
" Where are you going? "
Hindi nga nya ito sinagot. Bahala ito sa buhay nito. Nagtuloy-tuloy sya sa paglalakad palayo sa mga ito. Kiber kung boss nya ito. Wala syang pake kung ano ang isipin ng mga kaibigan nito sa kanya. Mainit ang ulo nya at inaantok sya.