CHAPTER SEVENTEEN

1728 Words
Kipkip ang ilang folders, sa mansion na tumuloy si Sandy. Kagagaling lang nya sa factory. Actually, ilang araw na rin syang sa factory pumapasok at hindi sa office. Parehong wala kasi doon sina Mang Pedring at Nana Lilia na syang namamahala sa operation ng factory. Nanganak na kasi si Marie– ang anak ng mga ito at medyo critical ang lagay. Hindi na din muna nila pinapasok dahil nga mga wala din sa sarili bukod sa palaging puyat, alam nilang labis ang pag-aalala ng mga ito para sa anak. Ayaw naman din ni Doña Paz na ipagkatiwala sa iba ang pamamahala doon kaya sya na lang ang nag-volunteer na pansamantalang pumalit doon. Besides gamay naman nya ang mga proseso kung paano ang operasyon sa factory. Maagang nakaalis ang mga delivery trucks kanina kaya sumaglit sya dito sa mansion para ibigay ang mga reports at ilang mga dokumento sa boss nila at para sa mga susunod pa na araw ng deliveries. Sinusubukan nya itong tawagan pero ring lang ng ring at wala namang sumasagot. Minsan pinapatayan pa sya ng telepono. Mukhang sinumpong na naman ng saltik ang boss nya. Sa office naman hindi nya matyempuhan dahil palaging wala ayon kay Lisa at ganon din sa mansion.      'Haist, sa sobrang laki naman kasi ng mansion ng mga ito pwedeng pwede ka ng maglaro ng tagu-taguan.' Bukas ay papasok na din si Mang Pedring sa factory kaya dito na ulit sya sa office. Nami-miss na din nyang kumain kasabay ni Lola Paz at ang mga kaibigang nandito sa mansion. Hindi nya mapigilan ang paghikab dahil talagang kulang sya sa tulog. Nilamay nya kasi ng nagdaang gabi ang ilang mga paper works sa opisina. Kaya ngayon, eto mukha syang zombie. Mukhang kailangan nyang lumaklak ng maraming kape ngayon para mawala ang antok nya. Nadatnan nya sa kusina ang mga kasambahay sa mansion. Abala ang mga ito sa paghahanda ng tanghalian at mukhang seryoso din ang pinag-uusapan ng mga ito dahil hindi man lang napansin ang pagdating nya. Sa back door pa naman sya dumaan. Panay ang sulyap ng mga ito sa may komedor at halos pabulong lang din ang boses ng mga ito kaya hindi nya rin marinig kung ano or sino ang pinagt-chismis-an ng mga ito. Dahan-dahan syang naglakad palapit. Plano nya ay gulatin ang mga ito. At wag ka! Talagang hindi man lang napansin ng mga ito ang presensya nya. " Hoooy!" panggugulat nya sabay hampas ng dalang folder sa maliit na lamesang naroon. " Ay pusang gala ka!" anang mga 'to sa sobrang pagkagulat sa kanya at nangingibabaw ang boses ni Joan. " Ano ka ba Sandy bakit ka ba nanggugulat?!" paggalit na ani ni Joan. Sapo pa nito ang dibdib. " Oo nga Miss Sandy, aatakihin pa kami sa puso sayo, eh." ani naman ni Dina. Halos magkasing tanda lang sila nito. At hanggang ngayon Miss Sandy ito ng Miss Sandy sa kanya kahit sinabi na nga nyang Sandy na lang ang itawag nito sa kanya. " Eh ano ba kasing ginagawa nyo?" tatawa-tawa nyang balik tanong. "Sino bang sinisilip nyo dyan?" at nakisilip na din sya pero wala namang tao doon. Nagtaka sya lalo nang dahil sa tanong nya ay parang nagsipag-twinkle twinkle ang mata ng mga ito. Nagsimula na syang magtimpla ng kape. " A-anon'g meron?" curius nyang tanong. " Ayun, Miss Sandy oh. Tingin ka sa may pool." ani naman ni Dina. Tumingin naman sya. There she saw, apat na naggu-gwapuhang mga lalaki at mga naka-hubad baro pa. Kita ang mga abs.     'Kaya pala kinikilig ang mga girls na ito.' naisip nya. 'At mukhang may makukurot na naman sa singit si Nana Stella.' Sabay-sabay ang mga itong nag-dive sa pool at nag-unahan sa paglangoy.      'Tss. Parang mga bata,' naisip nya. So, wala pala sa komedor ang sinisilip ng mga ito, kundi nasa may pool. May malaking sliding door kasi sa komedor papunta sa may pool area kaya malayang nakikisilip itong mga girls nila mula dito sa kusina. " Sino sila?" naitanong nya. " Wait, si Atty. Rodriquez ba yun?" parang namukhaan nya ang isang lalaki. " Oo si atorney nga at mga kaibigan ni Seniorito sa Maynila." " Huh? Kailan pa sila nandito?" Naupo sya sa may island counter. " Kahapon ng umaga lang Miss Sandy. Wala ka nga pala dito kaya di mo nakita nung dumating sila. " si Dina. Napakunot ang noo nya. Oo nga pala at nasa factory nga pala sya naglalagi. Muli nyang iginala ang paningin sa mga lalaking nagkakatuwaan sa tubig. Hindi nya makita doon ang hinahanap nya. " Nasa'n si boss? " tanong nya sa mga ito. " Si Señorito Mathew? " ani Joan. "Nandon lang yun kanina, mukhang mainit na naman nga ang ulo." " Ha? Bakit?" " Ewan ba, nung isang araw pa yun parang palaging aburido."      Ano na naman kaya ang drama non? Sininghot nya ang natimplang kape.     'Hmm.. Ang bango talaga ng kape.' " Oh, Sandy. Nandito ka na pala." si Nana Stella. "Ano yan bakit nagkakape ka tanghaling tapat?"      " Sus, si Nana. Hindi ka pa nasanay dyan kay Sandy. Kape is life Nang." ani naman ni Joan. " Nagpuyat ka na naman siguro. " Ngiti lang ang sagot nya. " Aherm." isang tikhim ang nagpalingon sa kanya. . Hindi nya kilala ang mama. Malamang na isa ito sa mga taga- Maynila na kasama ng mga lalaking nasa pool. Ang gwapo rin ng mamang ito. Halatang anak mayaman kahit naka plain white shirt at cargo shorts lang. Base sa tindig at kilos mahahalata mo ang pagka maawtoridad nito. Nagtama ang mata nila saglit at pagkuwa'y bumaling ito kay Nana Stella. " Kuha lang po ako ng water Nang." magalang na anito.      'In fairness, mabait naman pala. Gumagamit sya ng 'po' kay Nana.' Kita nyang kumuha din si Nana ng tubig sa ref at si Joan ang kumuha ng baso. Halatang kinikilig ang bruha ng iabot nito iyon sa mama. Pati ang ibang naroon, kulang na lang ata eh mangisay. Ang mama naman ay naglakad papunta sa kanya. Umupo ito sa silyang nasa tabi nya. " Hi." anito na seryoso ang mukha. " You live here?" " No Sir. I work here, in the office." aniya naman. "Oh, I see." anito at tinapunan ng tingin ang mga folder na nasa ibabaw ng counter. " I'm Liam, by the way." pagkuwa'y nilahad nito ang kanang kamay sa kanya. " I'm Alliessandra, Sir." tinanggap naman nya ang pakikipagkamay nito. Hindi sya nakaramdam man lang ng pagkailang kahit mukhang suplado ito at di marunong ngumiti, dahil sanay na syang makihalubilo sa iba't-ibang tao dahil iyon ang trabaho nya. " Nice meeting you Alliessandra." parang gusto nyang mapangiwi ng banggitin nito ang pangalan nya. " Oh, is it okay if I just call you Allie?" friendly rin pala ito, taliwas sa itsura na mukhang suplado at masungit.      'Hindi kagaya ni Mathew'ng bipolar!' gusto nyang matawa. Bakit nya ba naisip ang lalaking yon. " Yes. It's okay, Sir. " pagpayag nya. Baka nahahabaan din ito sa pangalan nya. Kahit man sya ay nahahabaan din sa pangalan nya kapag binibigkas. Mas madali nga naman ang Allie or Sandy na lang. " Masyado ka namang formal. Liam will do." " Oh-kay.. " aniya na lang. Wala naman na syang masabi. " So, how's Mathew?" napakunot-noo sya. "I mean, as a boss. Mabait ba?" Alanganin syang napangiti. Hindi nya alam kung pano sasagutin ang tanong nito. Mabait nga bang boss si Mathew? Minsan oo, minsan hindi? " Nah, you don't have to answer." anitong nakangiti na. "I already know." Di nya rin tuloy napigilan ang mapangiti. Nakakahawa kasi ang ngiti nito. " Ahm, nice meeting you S-Liam. " nakangiti nyang aniya." Anyway I have to go. Hanapin ko pa si boss for these." aniya at itinuro ang mga folders. Tumayo na din sya at kailangan pa nyang hanapin ang boss nya para magpapirma. " Hey bro! " malakas na anang lalaki na pumasok sa kusina kaya sabay pa sila ni Liam na napalingon dito. Basa ang buhok nito. Nakasuot ito ng sando at basa rin ang shorts at may nakasampay na twalya sa leeg. Kagaya nitong si Liam, ang gandang lalaki rin ng mamang ito. At parang magkahawig pa ang dalawa? " What are you doing here Zy?" tamad na tanong dito ni Liam. " Wala, sinundan lang kita. Akala ko kasi nagpakalasing at nalunod ka na sa isang basong tubig eh." anito naman saka iminwestra ang hawak ni Liam na baso na may kalahating lamang tubig. Nakita nya ang pagsimangot ni Liam na tinawanan lang ng mama na tinawag nitong Zy. Maya-maya'y sa kanya nabaling ang pansin nito. " Oh, hi, Only now have we seen you here? Or yesturday but I just didn't notice?"      'Inglesero din.' naisip nya. " Ngayon lang po Sir." aniya at tipid na ngumiti. " Wow, you look like an angel."      'Ay bolero.' naisaloob nya. " Your smile makes my heart melt. " hindi sya nag-react. Yung mga kasama nyang nakakarinig ang sobrang kinikilig. " Cut it Zyrone!" saway dito ni Liam na parang naiirita. " She's Alliessandra and she works for Mathew. " " Oh. I knew it! " anitong napapitik pa ng daliri sa kamay. Animo'y may naisip na magandang ideya bagay na ipinagtaka ni Sandy. " Hello Miss Sandy." anitong nakangiti ng nakakaloko. Hitsura nito parang palaging may kalokohang naiisip. " I'm Zyrone. You can call me Zy. " " Hello Zy." nagkamay sila saglit. " Sorry for my brother Allie. He's just not feeling himself today." ani Liam. "Ah, really, you're brothers?" So kaya pala may pagkakahawig ang dalawa. Kasi magkapatid nga. " Yeah, unfortunately." si Liam ulit. " Hey big bro. Why don't you admit you're lucky to have me. I am just your most adorable brother." " See that? "      'Ang conceited nga!' " Well, yeah.. Sorry Miss Sandy, I'm just not feeling myself today." ulit ni Zyrone sa sinabi ng kapatid nito. Sira ulo talaga. Hindi nya na tuloy napigilan ang matawa. " It' s a pleasure meeting you guys. " nakangiti nyang bati sa magkapatid. Mukhang masarap kakwentuhan ang dalawa pero kailangan na talaga nyang umalis at marami pang trabaho ang nag-aantay sa kanya. " Wait, aalis ka na?" si Zyrone. " Yup. Pupuntahan ko pa si boss." itinuro nya ang hawak na folder. " Good idea. Nasa may pool area sya. Tara samahan ka na namin ni Li."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD