Nakapag ikot na sya buong hcienda at nakilala na rin nya ang mga pinagkakatiwalaan ng kanyang Lola dito pero ni hindi pa nagpapakita si Sandy sa opisina. Ang usapan ay ito ang sasama sa kanya at ito rin ang magpapaliwanag ng mga detalye kung ano at paano ang sistema ng pamamalakad nila dito pero hapon na wala pa rin ito.
Napaka unprofessional naman ng babaing iyon! naisip nya. Dahil lang kasi nagka alitan sila nito kahapon hindi na pumasok ngayon. Tapos ang Lola naman nya ang laki ng tiwala sa babaing iyon, eh napaka simple nga ng instructions sa kanya hindi pa nya nagawa?
" Hija, dumating na ba si Sandy? " tanong ni Donya Paz kay Lisa pagkapasok na pagkapasok nito ng opisina.
" Naku, Donya Paz, wala pa po. Text at tawag na nga po ang ginagawa ko sa kanya dahil tumawag na ang secretary ni Mr. Rodriguez para sa confirmation ng appointment pero hindi rin po sumasagot.
" Ano na kaya ang nangyari sa batang iyon?" bakas ang pag-aalala sa tono ng kanyang Lola.
" Bakit sobrang nag-aalala kayo kay Ms. Ramos? Lola, napaka unprofessional nya. Hindi ba ibinilin nyo sa kanya na sya ang sasama sa'kin ngayong araw pero kita nyo nga't hindi man lang nagpakita." aniyang patuloy sa pagbuklat ng mga folder na nasa ibabaw ng lamesa ni Sandy.
" Naku, sir, pasensya na po pero hindi po ganon ang pagkakailala namin kay Sandy. Baka lang po may importanteng inasikaso." sabat naman ni Lisa kaya binigyan nya ito ng isang 'will you shut-up-look'. Naatahimik naman ito bigla at parang napahiya sa kanya.
" Tama naman si Lisa, hijo. Hindi gano'n si Aliessandra. Siguradong may dahilan kung bakit hindi sya nakapasok ngayon." ani Donya Zenny. " Teka, hindi ba kayo ang magkasama kahapon? Wala ba syang nabanggit sayo? " may pagdududa sa tono ng matanda habang masusing nakatingin sa kanya.
Bahagya naman syang natigilan at pagkuwa'y napatampal sa sariling noo.
Shit! oo nga pala! Hindi kaya may masamang nangyari sa babaing iyon kahapon?
Nakaramdam sya ng kaba. Nagulat pa sya ng tumunog ang cellphone nya na nasa ibabaw ng lamesa. Si Jake ang tumatawag. Agad nya itong sinagot.
" Oh Bro, napatawag ka? "
" Bro, nasa bahay ka ba? tanong ko lang kung andyan si Allie? Kanina ko pa kasi hindi matawagan. Busy ba sya?"
Parang lalo syang kinabahan. Pag nagkataon na may masama ngang nangyari dito, tiyak na sya ang masisisi.
" Hello, Matt?" untag nito sa kanya ng hindi sya agad sumagot.
" W-wala sya dito ngayon. Hindi raw pumasok."
" What? " napalakas na sabi nito. " San naman kaya magpupunta iyon? Tinatawagan ko yung landline nya pero ring lang ng ring walang sumasagot. "
" B-baka kasama ng bestfriend nya? "
" Three days ng nasa Manila si Kay."
Lumalakas lalo ang kabang nararamdaman nya ngayon.
" Bro, makikisuyo naman, oh? Pwede ba'ng paki puntahan mo sya sa kanila ngayon? Nag-aalala kasi ako sa isang iyon, eh. Baka kung napano na. Sa makalawa pa kasi ang balik ko dyan."
" O-okay, okay. Sige ako na ang bahala." napabuntong hinga sya para mawala ang nararamdamang kaba.
" Sige, Dude! Maraming salamat. Bye." anito at pinutol na ang tawag.
" Si Jake ba ang tumawag? Asan daw si Sandy?" tanong ng Lola nya.
" Yes Lola. Ahm.. pupuntahan ko lang muna si Sandy sa kanila. nag-aalala din kasi si Jake."
" Oh sige mas mabuti pa nga. Mag-iingat ka sa pagmamaneho mo, ha? " Humalik lang sya sa noo ng matanda at nagmamadali ng lumabas.
*****
Nagising si Sandy sa sunod sunod na tunog ng doorbell. Sino ba'ng loko lokong taong ito na parang gigil na gigil sa pag pindot ng doorbell? Tamad na tamad syang bumangon para sumilip sa bintana. Ang sama ng pakiramdam nya ngayon. Hindi na rin pala sya nakabangon kanina para kumain ng tanghalian. Natulog lang sya maghapon. Ang sakit pa ng puson nya dahil sa dismenorrhea at bukod don ay nilalagnat pa sya dahil sa naulanan sya kahapon ng umuwi sya ng bahay.
Hindi ba natuloy ang pagpunta niya ng Cebu? naisip nya sa pag-aakalang si jake ang nakita nyang nakatayo sa labas ng gate nila.
Halos namamaluktot syang bumaba para pagbuksan ang lalaki. Ni hindi na sya nag-abalang mag-ayos ng sarili o tumingin man lang sa salamin. Sanay naman ang mga kaibigan nya na mikita syang ganon ang hitsura nya at hindi sya nahihiya sa mga ito.
Kahit masama ang pakiramdam, pilit syang ngumiti para hindi mag-alala ang kaibigan sa kanya. Pero pagka bukas nya ng gate ay unti-unting napalis ang pagkakangiti nya ng makita kung sino ang lalaking nandoon na walang pakundangang nagpipipindot ng doorbell.
" Ikaw?! " di makapaniwalang naibulalas nya. Parang lalong sumama ang pakiramdam nya dahil hindi pala si jake ang bisita nya kundi ang lalaking dahilan kung bakit naulanan sya kahapon at dahilan kung bakit masama ang pakiramdam nya ngayon.
Nakita rin nya na parang bigla itong natulala pagkakita sa kanya. Pero saglit lang iyon dahil maya maya lang ay pinasadahan na nito ng tingin ang kabuuan nya. Bigla syang nataranta ng maalala ang hitsura nya. Isang maluwag na t-shirt lang ang suot nya ngayon na umabot lang sa kalahati ng hita nya ang haba at wala nga pala syang suot na bra!
Napaka iksi din ng suot nyang shorts na natatakpan din ng t-shirt nya kaya kung titingnan ay aakalain mong parang wala rin syang suot na shorts. Ramdam na ramdam nya ang pag-iinit ng pisngi lalo ng makita kung saan nakapako ang paningin nito.
" A- anong... ano'ng ginagawa nyo dito ,Sir? " Napayakap sya sa sarili nya at agad na tumalikod para pagtakpan ang pagkailang.
" Ano'ng nangyari sayo? " narinig nyang tanong nito. Marahil ay nagtataka ito sa ayos nya dahil halos hapon na pero kagigising nya lang.
Gosh, bakit ano bang hitsura ko ngayon? Kung bakit ba naman kasi hindi muna ako humarap sa salamin bago lumabas.
Hindi na sya nakasagot sa tanong nito at nanlalaki ang mga matang napasunod sya ng lagpasan sya nito sa paglalakad. Tuloy tuloy ito papasok ng bahay nya kahit hindi naman nya ito inimbitahan. Nang makapasok inikot pa muna nito ang paningin sa loob ng kabahayan pagkatapos ay pasalampak itong naupo sa sofa nya.
Argh! Ang kapal naman talaga ng lalaking ito!!!
" S-sir, what brings you here? " Pilit nyang pinakalma ang sarili at pinanatiling pormal ang mukha. Ayaw nyang magmukhang mahina sa harap ng lalaking ito na napaka gaspang ng pag-uugali.
" Ganyan ka bang humarap sa bisita mo? " anitong nakangisi habang nakahalukipkip ang mga braso. Naka dekwatro pa ito habang prenteng nakaupo.
Hmp! Hindi kita bisita. Bwisita pwede pa!
Alam nyang nananadya ang kaharap at pakiwari nya'y gusto lang sya nitong inisin. Pero sige, sasakyan na lang nya kung ano man ang trip nito dahil wala syang planong makipag-away sa ngayon dahil masama talaga ang pakiramdam nya. Besides apo ito ni donya Paz na itinuturing na rin nyang pamilya kaya kahit bwisit sya sa apo nito ay pagpapasensyahan na lang muna niya.
Isang malalim na buntong hinga ang pinawalan nya at pilit na ngumiti sa kaharap. " G-Gusto nyo po ng kape? "
" 'Wag mo'ng lalagyan ng lason." anitong titig na titig naman sa kanya. " Gayuma, pwede pa."
Pinigil nya ang sariling magreact sa sinabi ng binata. Kapag nagpakita kasi sya ng pagkainis, siguradong ikatutuwa nito iyon. Umakyat muna sya sandali sa kanyang kwarto para magbihis bago muling bumaba para ipagtimpla ito ng kape.
Eh kung budburan ko kaya ito ng laxative? sa isip-isip nya habang ipinagtitimpla nya ito ng kape sa kusina. Kaso inawat na lang rin nya ang sarili dahil malamang na lalo lang itong magtagal dito sa bahay nya kapag ginawa nya iyon.
" May sakit ka ba? " Halos mapatili sya ng may biglang magsalita sa likod nya. Buti na lang at nailapag nya agad sa lamesa ang hawak ng mainit na kape.
Si Mathew!
Sumunod pala ito sa kanya hanggang kusina. " W-wala naman ak--" hindi na nya natapos ang sinasabi dahil agad sya nitong nilapitan at sinalat ng likod ng palad nito ang noo nya.
" s**t! " he cursed. " Ang taas ng lagnat mo..." wait, tama ba ang narinig nya? Parang may pag-aalala sa boses nito? Kunot noong sinalubong nya ang tingin nito. May nakita syang kakaiba sa mga mata nito pero agad ding nawala.
" O-okay lang po ako... Masama lang ng konti pakiramdam ko pero, kaya naman." gusto na nyang mapangiwi. Bahagya syang lumayo dito dahil ilang na ilang sya sa pagkakalapit nilang iyon. She felt something strange lalo ng idikit nito kanina ang likod ng palad nito sa kanyang noo.
" Uminom ka na ba ng gamot? " Tango lang ang sinagot nya dito.
" Anyway sir, bakit po kayo nagpunta dito? " pag-iiba nya ng topic.
" Hindi ka sumasagot sa mga texts at tawag ni Lisa. Kaya nag-aalala na ang lahat sayo."
Nag-aalala ang lahat? so ibig sabihin pati sya nag-aalala rin sa'kin?
Wala sa loob na napangiti sya. Ewan, di lang nya napigilan. Para lang syang timang dahil natuwa sya sa isiping nag-alala din pala ito sa kanya.
" Alam mo ba'ng pati si Jake tinawagan ako at pinilit nila ako'ng puntahan ka dito para lang alamin kung ano na ang nangyari sayo. Kung sinagot mo na lang kasi ang mga tawag nila, di sana hindi na'ko naabala sa trabaho ko."
Aray! So hindi pala sya kasama sa mga nagc-care sa 'kin?
Bakit, ano ba'ng ini-expect mo, Aliessandra? Wala syang paki alam sayo. Di ba nga war kayo nyan? at kaya lang 'yan narito ngayon dahil napilitan lang iyan na sumunod sa utos ni donya Paz at sa pakiusap na din ni Jake.
Sa sinabing iyon ng binata, pakiramdam nya ay binuhusan sya ng malamig na tubig at dagling nawala ang pagkakangiti nya. Hindi nya namalayang nakasimangot na pala sya.
" Yung kape nyo po baka lumamig na."
Naupo naman ito sa silyang naroon at inabot ang kapeng tinimpla nya. " Pack up your clothes and I will bring you home. "
Nanlaki ang mga mata nya sa sinabi nito. Seryoso ba ito?
" Oh, ano pa'ng tinatayo tayo mo dyan? " anito habang humihigop ng kape. " May lagnat ka lang ba o nabibingi ka na din? "
Napataas ang isang kilay nya. Hindi na nya talaga kayang pigilin ang nadaraman inis para dito. Ang yabang! Hindi sya kumikilos sa kinatatayuan. Wala syang imik. Sabi nga less talk less mistake. Ayaw na muna nyang magsalita at baka kapag ibinuka nya ang bibig nya ay makapagsalita lang sya ng hindi maganda.
" P'wede ba'ng ibaba mo nga iyang kilay mo." anitong naniningkit ang mga mata. Ano ba problema nito at pati ang kilay nya napagdidiskitahan? " Ten minutes, Sandy. Mag-empake ka na kung ayaw mong wala kang maisuot sa hacienda."
" Excuse me lang, ano? Pumayag na ba'ko? Wala po tayo sa trabaho ngayon, andito po kayo sa bahay ko."
" Wala ako'ng planong makipagtalo. Iuuwi kita sa hacienda ngayon sa ayaw at sa gusto mo. I'm only giving you ten minutes to pack your things." banta pa nito.
" Pero bakit pa? Hindi mo naman kailangan gawin iyon,ah? " naipadyak na nya ang isang paa.
" Hindi kita pwedeng iwan dito na ganyan kataas ang lagnat mo. " Tumayo na ito at nakahalukipkip na pinagmamasdan ang kabuuan nya. " Or baka naman gusto mo'ng samahan kita dito magdamag? "
Nagtayuan ang balahibo nya sa sinabi nito. Ngumisi pa ito ng nakakaloko.
Argh! Nakakainis na talaga!!!
" So, sasama ka ba o dito tayo matutulog magdamag? " he smirked
" Aarrrgh! " padabog syang naglakad paakyat sa kwarto nya. She heard him chuckled. Pero imbes na mag-empake, nagdive na lang sya sa kama nya at isinubsob nya ang mukha sa unan. Lalong sumama ang pakiramdam nya sa presensya ng lalaking hambog na iyon!
*****