Nagising si Sandy sa sikat ng araw na tumatama sa mukha nya. Tinatamad pa syang bumangon pero hindi na rin naman sya inaantok kaya mas pinili na lang din nya ang bumangon na. Medyo okay na rin ang pakiramdam nya kumpara kahapon.
Bigla syang natigilan nang maalala ang nangyari kahapon. '
Wait, baka naman nanaginip lang ako?' naisip nya. 'Ang weird naman ng panaginip na yun.
Iginala nya ang paningin sa paligid. Wait, nasaan ako? Hindi ata pamilyar sa kanya ang kwartong kinaroroonan ngayon.
Malapit na syang mag-hysterical sa isiping baka pinasok at nilooban na ang bahay nila at nakidnap na sya nang maya-maya' y narinig nyang may kumatok at pagkuway pumasok si Joan.
" Ate Joan?!" naibulalas nya. " Nana?"
Magkasamang relief at labis na pagkalito ang naramdaman nya ng makita ang babae. Kasunod nito si Nana Stella na may tangan na tray ng pagkain.
' Nasa hacienda ba' ko? '
' Paano ako nakarating dito? '
" Ay Sandy, kung iniisip mo kung paano ka napunta dito sa hacienda, dahil iyon kay Seniorito Mathew. " ani Joan na tila ba kinikilig. Nabasa yata nito ang iniisip nya.
" Ha?"
" Eto na nga pala yung mga damit mo, oh tsaka ilang personal na gamit na din. Ipinamili ka namin ni Nana Stella kanina. Wala kasi kayong nadalang gamit mo ni seniorito kahapon. "
" Pa'no 'ko napunta dito Ate Joan? "
" Dahil nga kay seniorito. Alam mo bang alalang alala' yon sayo kagabi." Naguguluhan pa ring nakatingin siya dito.
" Si M-Sir Mathew? "
" Oo. Eto, tingnan mo, oh. Kinuhaan ko pa kayo ng picture para may remembrance." anito pang humagikhik. Maging si Nana Stella ay nakitawa na rin.
Ipinakita nga nito sa kanya ang larawan kung saan ay pangko sya ni Mathew habang tulog na tulog. Papasok sila nito sa pinto ng mansion.
' Bakit wala ako'ng alam sa mga nangyari? Hindi man lang ako nagising?!'
Masama ang tinging ipinukol nya kay Joan. "Ni hindi mo man lang po ako ginising?! "
" Paano naman po kita gigisingin, mukhang himbing na himbing ka habang pangko ka ni Seniorito."
" Kahit na, dapat ginising nyo man lang po ako."
" Naku Sandy, kung alam mo lang. Ni ayaw nga kami palapitin ni seniorito. Tutulong nga sana sila Carlo na buhatin ka pero ayaw naman ni Seniorito. Tarantang taranta kaya ang mga tao dito. Antaas kasi ng lagnat mo."
" Natataranta daw.. Pero nakuha nyo pang picture-an?"
" Syempre!" anitong natatawa. " Nakakakilig kaya kayong panoorin. Parang bagong love team lang. "
" 'Wag mo na nga munang kulitin si Sandy Joan at nang makakain muna." pananaway ni Nana. " Kumain ka na muna hija at lalamig itong dala kong lugaw sayo.. Kumusta na ba ang pakiramdam mo, anak? "
" Maayos na naman po Nana." ani naman ni Sandy. " Mag-papalit lang po muna ako sandali Na bago po kumain."
Nang lumabas si Sandy ng banyo ay wala na doon sina Nana Stella at Joan. Kinain niya na ang iniwang pagkain ng mga ito sa lamesitang naroon at maya-maya'y muli na siyang nag-ayos ng sarili para pumasok sa opisina total ay narito na naman din sya sa hacienda at maayos na ang pakiramdam.
Palabas na sana siya ng pinto dala ang tray na pinaglagyan ng pagkain nang bigla iyong bumukas. Bahagya pa silang nagkagulatan ng taong nagbukas niyon, walang iba kung hindi si Mathew.
' Hmp! hindi man lang marunong kumatok porke kanila itong bahay.' naisaloob niya.
Kunot na naman ang noo nito habang nakatingin sa kanya at pagkatapos ay sa dala niyang tray.
" Good morning po seniorito." bati nya dito. Kahit hindi pa nya alam kung ano ang eksaktong nangyari kahapon ay may ideya na naman din sya na may utang na loob sya dito kaya kailangan nyang magpaka bait sa harap nito... sa ngayon.
" What do you think you're doing?" anitong may bahid ng pagka-inis ang tono.
' Tss! aga-aga muka na namang bad trip.'
" Lalabas po." ani Sandy.
" Bakit dala mo yan?"
" Po?" naguguluhan nyang tanong. Na gets nya lang ng tingnan nito ng masama ang tray na hawak nya. "Dalhin ko lang po sa kusina. Nakakahiya kasi kay Nana kung sya pa ang kukuha dito."
" How are you feeling now?" hindi nya alam kung nakaringgan lang ba nya na parang nag-iba ang timbre ng boses nito.
" Po?"
" Im asking you if how are you feeling now. Dahil ba sa mataas mong lagnat kahapon, nabingi ka na rin? "
Ay sabi na nga ba at guni-guni nya lang yong care na nakaringgan nya sa boses nito kanina.
" Okay na po ako seniorito." aniyang hindi na pinansin ang pasaring nito. " Salamat nga po pala sa concern nyo po kahapon. " there, nasabi na din nya ang pasasalamat nya. Hindi na sya magmumukhang ingrata.
Bahagya lang tumaas ang mga kilay nito habang mataman syang tinitigan.
" Next time, try to follow para hindi ka nakaka abala ng ibang tao." anito at tinalikuran na sya. Naisahan na naman si Sandy.
' Arrgh! Napaka antipatiko talaga ng lalaking ito!' naisaloob na lang nya dahil hindi na nya nakuha pang sumagot. ' Bakit sinabi ko bang puntahan nya ako sa bahay? Hindi naman ah! Hindi ko rin sinabing dalhin nya ako dito sa hacienda. At kasalanan ko bang nagkasakit ako? Arrgh bwisit! '
*************************
Maagang pumasok si Sandy kinaumagahan. Kahapon kasi ay maghapon lang syang pinagpahinga at hindi na pinayagang pumasok ni Donya Paz. Baka daw kasi mabinat sya. Hindi na rin sya nito pinayagang umuwi sa kanila at dito na lang pinatulog. Naging masunurin naman sya at di na nagprotesta pa. Mahirap na at baka mapagsabihan na naman syang matigas ang ulo na pinag-aalala ang mga tao sa paligid nya.
Buti na lang din at hindi na sila nagkita ni Mathew pagkatapos ng umagang engkwentro nila. Hindi nya alam kung saang lupalop ito nagsuot at kahit nung gabi ay wala rin ito sa hapunan. Wala din namang nabanggit si Lola Paz at di rin naman sya nagtanong tungkol doon kahit na nagtataka s'ya.
" Good morning Miss Sandy!" masayang bati sa kanya ni Lisa. Kadarating lang nito. "Aga mo naman pumasok. Nauna ka pa sa'kin."
" Syempre, hindi nga ako umuwi ng bahay, di ba?" sagot naman nya. " Good morning din."
Natawa lang ito sa sagot nya. " Oo nga pala.."
" May tumawag na pala mula sa kampo ni Mr. Rodriguez nung wala ako?"
" Uhm, oo nga pala.. Kahapon tumawag yung secretary nya. Dumating na daw si Mr. Rodriguez at nagpapa-set na ng appointment. Okay ba sayo kung mamayang dinner na? "
" Sure, no problem sa'kin. " aniya. Kahit anong oras naman kasi ay naka ready sya at ang mga proposals nila. Sa tagal ba naman kasing palagi nalang nauudlot ang meetings nila kay Mr. Rodriguez, nakabisado na nya ang bawat detalye.
" Eh, kaso may isa pa tayong prob, Miss." anitong napapakamot sa noo.
" Ano?"
" 'Yong proposals na ginawa mo,"
" Ano'ng problema doon?" nagtataka nyang tanong. " Okay na naman' yon di ba? Approved na ni Donya Paz."
" Si Seniorito Mathew kasi... "
" What about him?" lalo syang naguluhan. At ano na naman kaya ang kinalaman ng lalaking iyon sa proposals nya?
" May mga binago kasi si Seniorito sa proposals mo Miss Sandy..."
" What?! " medyo napataas ang boses nya at pakiramdam nya'y kumulo bigla ang dugo nya. Nakialam na naman ang lalaking iyon! Na aprubahan na nga ni Donya Paz, bakit kailangan pa nitong baguhin? For god's sake pinaghirapan nya iyon at mamaya na ang dinner meeting nila!
" Asan na yung mga original plans na ginawa ko? Yun ang dadalhin ko mamaya sa meeting."
" Na kay seniorito na Miss Sandy. Kinuha nya kahapon. "
" What?! "
Napahilot sya sa sentido nya. Anong ipi-present nya mamaya?
Humanda talaga sa'kin ang lalaking iyon! Makikita nya!
'Akala mo kung sino. Huh! Oo sya ang apo ng may-ari ng haciendang ito pero kung pagmamalasakit sa hacienda at negosyo ang pag-uusapan mas meron ako non kaysa sa kanya na mas pinili ang magpakasaya sa ibang bansa at maglustay ng pera. Isa pa trabaho ko ang pinanghihimasukan nya.
Parang susugod sa giyera na lumabas sya ng opisina. Pupuntahan nya ang nagmamagaling na lalaking iyon!