Chapter. 3

1607 Words
Chapter.3 Lumilipas ang panahon ay natutunan na din ni Aliyah na makalimutan ang dating nagpatibok ng puso niya nasa pag-aakala niya ay 'yon na ang lalaking nakatadhana sa kaniya. Halos pagkagalak sa kaniyang mukha dahil sa wakas ay nakapagtapos na din siya ng kolehiyo. Ang dating sa panaginip lamang niya nangyayari ay maisasakatuparan na niya at sa tulong 'yon nang walang sawang suporta mula sa kaniyamg ama. Mabilis niyang isinuot ang above the knee na fitted pink dress na nagpahubog lalo sa kaniyang magandang katawan. Dinampot niya ang isang red lipstick na binili pa ng kaniyang ama sa palengke at kasunod nang pagkuha niya sa face powder na palagi niyang ginagamit. Maingat niyang sinintipid ang kaniyang buhok at isang maliit na hair pin naman ang inilagay niya sa nakausli nitong buhok. Panaka-naka niyang pinagmamasdan ang kaniyang sarili sa salamin na labis ang tuwa mula sa mapula niyang labi. “Aliyah! Aliyah! Aliyah!” paulit-ulit na pagtawag sa kaniyang pangalan. “Hay! Sigurado akong si Anny ang tumatawag sa pangalan ko!” bulong ni Aliyah sa kaniyang sarili. Mabilis niyang kinuha sa kama ang mabangong bulaklak na ibinigay pa sa kaniya ni Jacob. Patakbo siyang bumaba ng hagdan habang natatanaw niya ang babasagin na vase sa 'di kalayuan sa kaniya. May natitira pa itong ilang bulaklak na nakalagay at halos malanta na sa katagalan. Kinuha niya ito at itinapon sa may labas ng bintana ngunit nagulat siya dahil isang matalim na mata ang nakatingin sa kaniya. “Anny! Ano ka ba? nakakagulat ka naman, kanina lang tumatawag ka tapos ngayon bigla ka na lang susulpot sa gilid ng bintana,” ani ni Aliyah na hindi mawari ang kaba sa kaniyang dibdib. “Ah! At ako pa ngayon ang may kasalanan! Samantalang kanina pa ako naghihintay kung kailan ka ba matatapos sa ginagawa mo sa iyong silid. Hindi mo ba alam kung anong oras na? Mamaya mag-umpisa na ang Graduation Day natin wala ka pa!” “Sorry na Anny, ayoko kasi na malanta itong ibinigay sa akin ni Jacob dahil siya pa lang ang unang lalaking nagpahalaga sa akin. Ang lalaking handang maghintay kahit gaano pa man katagal,” ani ni Aliyah kasunod ng mga ngiting iginawad nito sa harapan ni Anny. “Oo, na! Ikaw na nga ang in-love.” “Anny! Alam kong matatagpuan mo din ang para sa'yo.” “Jesus, sana lang hindi muna siya dumating dahil ayokong maging isang baliw na tulad mo, Aliyah!” bulaslas ni Anny habang nakalagay ang dalawang kamay nito sa kaniyang baywang at ang mabilis na pagtaas ng mga kilay nito. “Ang sabihin mo natatakot ka lang magmahal!” seryosong pagharap ni Aliyah sa kaibigan. “Basta ayoko!” untag ni Anny. “Wala naman akong panahon sa mga love-love na 'yan. Isa pa mas pagtutuunan ko na lang nang pansin ang pagiging isang abogado, kaysa magmahal ng mga lalaking wala naman kasiguraduhan.” “Sinasabi mo lang 'yan kasi hindi ka pa nagmamahal. Mahal ako ni Jacob! Mahal na mahal, higit pa sa inaakala ko noon. Kaya ngayon unti-unti na namin gagawin ang mga bagay at mga plano namin. Alam kong hindi niya ko iiwan at 'yon ang ipinangako niya sa akin.” “I'm happy for you Aliyah, pero sana lang nakahanda kang masaktan sa kahit anong laban.” “Oo, Anny. Pangako nakahanda ako!” Even with trepidation in her heart, she had the courage to say that because she knew someone like Jacob would not leave her. Inilapag niya ang isang vase na mayroong bungkos ng bulaklak na kanina pa niyang iniayos na kahit ang pagtitig ng kaibigan niya ay hindi nito pinapansin. Tinungo niya ang kusina upang kumuha ng tubig at mabilis na nilagyan ang vase nito habang pinakatitigan niya ang mapupulang rosas sa center table. Nadadama niya ang bawat paglapat ng mga bulaklak sa kaniyang ilong na unti-unti niyang inaamoy. Nakikita niya ang bawat pag-ismid ng kaniyang kaibigan, tila ba ay iniisip nitong isa na siyang baliw sa kaniyang ginagawa. “Are you done!” malakas na tinig ni Anny na may halong pagkainis sa kaniya. “Kung hindi ka pa tapos sa pag-amoy sa mga bulalak na 'yan. Mauuna na akong umalis sa'yo kaysa naman mahuli ako sa Graduation Day Ceremony natin.” “Heto na nga, tapos na!” “Naku! Aliyah, malalanta din naman ang mga bulaklak na 'yan. Kaya kahit lagyan mo pa ng tubig ang vase na 'yan ay hindi mabubuhay ang mga bulaklak na iniingatan mo!” “Ikaw talaga Anny, minsan napaka-bitter mo!” Tumayo siya sa pagkakaupo na malapit sa center table at kinuha ang isang notebook na palagi niyang dala-dala. Pumilas siya ng kapirasong papel at isinulat ang pangalang Jacob at Aliyah. Inilagay nito sa gilid ng bulaklak na tanda ng kanilang pagmamahalan at isang simbolo ng puso na makikita sa papel. Tanging busilak na ngiti ang sumisilay sa kaniyang mga labi habang lumulundag ang bawat pintig ng kaniyang puso na halos may kasamang kaba na hindi niya maintindihan at ang paghawak sa dibdib niya ay tila ba isang musikang nauulit muli sa kaniyang puso. Nilingon niya ang kaibigan nang mapagtanto ang pagtitig nito sa kaniya at ang imahinasyon sa kaniyang isipan ay tila ba napawi din. “Halika na, Anny! Alam kong naiinip ka na sa paghihintay sa akin,” kasunod nang paghawak niya sa mga kamay ng kaibigan. “Mabuti naman at nahulasan ka na!” ani nito sa pag-irap ng mga mata. _________ Isang magkakasabay na palakpakan ng mga estudyante matapos ang mahabang speech niya sa stage habang natatanaw niya sa gawing kanan si Jacob. Lumapit siya at naupo sa bakanteng upuan mula sa stage habang ang sinag ng araw ay tumatama sa mukha nito na mas lalong napatitig ang kaniyang mga mata. “Thank you Jacob for always being by my side,” kasunod nang paghawak ni Aliyah sa mga kamay nito. “Aliyah, always remember that I'am only here for you. We will fulfill our dreams together.” “I love you, Jacob,” wika ni Aliyah at pagdampi ng kaniyang mga daliri sa pisngi nito. “I love you too, Aliyah.” “Hindi ko maintindihan ang aking sarili sa tuwing bumabalik ang mga pagkakataon na kasama si Jacob. Bagay na mas lalong nararamdaman ko ang mainit na palad niya kapag hawak nito ang mga kamay ko.” “Babe, ito ang espesyal na araw sa ating dalawa pero ang gusto ko ay ang mas maging masaya ka,” wika nito. Kinuha nito ang itim na panyo mula sa kaniyang bulsa at itinupi ng maayos pahaba kasunod nang pagtakip nito sa mga mata ni Aliyah. “Jacob!” “ Don't worry, I'm just here, and I won't let go of your hands.” Marahan inihakbang ni Aliyah ang kaniyang mga paa pababa ng hagdan habang hawak ni Jacob ang braso niya at ang kabilang kamay naman nito ay nakahawak sa magandang hugis ng kaniyang baywang. “Jacob! Saan mo ba ako dadalhin? Bakit ba kailangan mo pa takpan ang mga mata ko?” pagtatanong ni Aliyah. “Malalaman mo rin kapag nakarating na tayo,” tanging wika ni Jacob kasabay nang pagsakay nila sa pulang sasakyan nito. Ilang sandali pa ay narating na nila ang Paco de Resa. Isa sa paboritong resort ni Aliyah na minsan lang niya mapuntahan sa Manila. Sa pagbaba palang ng sasakyan ay amoy na niya ang halimuyak ng isang bulaklak na tila ba may isang alaala sa kaniyang isipan. Alaala nang namayapa niyang ina at kasunod nang dampi ng malamig na hangin sa kaniyang balat. “Jacob, na saan na ba tayo? Bakit tila naaamoy ko ang bulaklak na paborito ni Mama?” untag ni Aliyah sa kaniyang pagtataka. “Naramdaman ko na lamang ang paglapat ng kamay ni Jacob sa aking buhok na para bang isang matigas na bagay ang ipinatong niya sa aking ulo, kasunod nang pagtanggal niya ng panyo sa aking mga mata.” Halos magulat si Aliyah dahil sa ganda ng kaniyang natatanaw. May ibat-ibang klase ng mga bulaklak na kahit sinong babae ay maaaliw sa makukulay nitong ganda. “Babe, ginawa mo ba talaga ito para sa akin?” tinig ni Aliyah habang dinadama ng kaniyang mga kamay ang bawat bulaklak na kaniyang nakikita sa paligid kasabay nang pagsamyo niya sa isang bulaklak. “ Oo, at kahit ano ay gagawin ko para sa'yo Aliyah,” kasunod nang paghawak ni Jacob sa kaniyang mga kamay. Maingat siyang dinala sa isang wooden chair na halos napalibutan ito ng makukulay din na bulaklak habang ang lamesa sa pagitan nito ay mayroon din na light blue mantel na talagang bumagay sa disenyo ng kapaligiran. “Nagustuhan mo ba?” tanging tanong ni Jacob. “ Wala naman akong dapat hilingin pa kundi ikaw lang Jacob. Hindi mahalaga sa akin kung anong bagay pa ang ibigay mo, dahil ang mahalaga sa akin ay ikaw!” Matapos ang mga katagang nasabi ni Aliyah ay isang dampi nang halik sa labi ang iginawad nito sa kaniya. Halik na hindi matutumbasan ng kahit na anong bagay at mga alaala na hindi niya malilimutan kailanman. Kasunod nang magandang musika na kanilang naririnig ay ang pag-anyaya ni Jacob sa kaniya. “I'm sorry, pero hindi ako marunong sumayaw.” “ It's ok, I will teach you.” “But,Jacob—” ani ni Aliyah sa hindi niya maituloy na pagsasalita sa harap nito at mabilis na pagtayo habang naririnig nila ang musikang tumatatak sa kanilang mga puso. “ I will never, ever leave you, Aliyah,” mahinahon na tinig ni Jacob at kasabay nang hiningang nararamdaman ni Aliyah ay ang mabilis na yakap nito sa kaniyang katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD