Chapter. 2
Point of view
Aliyah Belle Gomez
“Ilang araw ang lumipas, subalit hanggang ngayon ay hindi ko malimutan ang mga bawat, magagandang ngiti niya sa akin. Ang mga ngiting mas lalong nagbibigay nang kaba sa aking puso. Ngunit na saan na nga ba siya? Bakit tila hindi ko man lang nakikita ang bawat anino niya?” wika ni Aliyah habang tinatanaw nito ang mga kapwa kamag-aral niya sa 'di kalayuan. Ang iba ay abala at pinaghahandaan ang darating na Valentines Day.
Matatanaw niya sa 'di kalayuan ang mga nagsabit na hugis puso sa bawat classroom ng Doña Fatima Memorial School. May iba't-ibang poster sa bawat pasilyo ng corridor ng mga rooms nito. Ang iba naman ay abala din sa paggawa ng mga kung ano-anong palamuti at kahit saan ka mapadako ng iyong mga mata ay halos mapuno ito ng mga nagpupulahang hugis puso.
“Tunay nga nakapag-araw ng mga puso ay hindi mapakali ang mga estudyante, lalo na kung maraming games na sasalihan. May mga kinikilig at mayroon naman na hindi interesado na parang katulad ko. Anong sabik ba ang hihintayin ko? Kung hindi ko naman nakikita ang gusto kong makita!” wika ni Aliyah at kasunod nang pagsapo nito sa kaniyang ulo.
“Sandali, ano ba ang sinasabi ko?”
“Hindi ba ito naman talaga ang gusto mo Aliyah! Ang hindi mo makita ang lalaking nagpapabilis nang t***k sa puso mo,” tanging wika nitong muli sa kaniyang kaisipan.
Kinuha niya ang isang kapirasong papel sa kaniyang bulsa at mabilis nitong isinulat ang buong pangalan ni Adrian Casanova, kasunod ng isang maliit na kandila na kaniyang nabili sa katabing tindahan ng Doña Fatima School.
“Ang sabi nila kapag isinulat mo raw sa isang kapirasong papel ang pangalan ng taong napupusuan mo at sinunog mo ito ay maaari ka din raw nitong magustuhan!” wika ni Aliyah kasunod nang pagsindi niya sa isang maliit na kandila. Ngunit akmang sisindihan na niya ito nang bigla na lamang siya tinabig ng kaibigan niyang si Anny.
“Aliyah! Anong ginagawa mo? Bakit nakasulat sa papel na 'yan ang pangalan ni Adrian? Huwag mong sabihin na kinukulam mo siya!” bulaslas ni Anny at pagkagulat nito nang makita si Aliyah sa kakaibang ginagawa nito.
“Ikaw naman, ginulat mo naman ako! Anong kulam ang sinasabi mo? Mukha na ba akong mangkukulam sa ginagawa ko? 'yan tuloy nahulog na!” wika ni Aliyah at pagkadismaya nang mahulog ang papel at kandilang hawak niya.
“Saan mo ba, kasi natutunan ang mga kandila at papel na 'yan?” natatawang bulalas ni Anny.
“Nabasa ko lang sa isang libro na kapag may napupusuan ka, maari mo raw gawin ito,” untag ni Aliyah.
“Nagpapatawa ka ba Aliyah! Hindi sa lahat ng libro na mababasa natin ay totoo at hindi ba ang sabi mo sa akin, noong nakaraang araw ay ayaw mo na siyang makita pa! Tapos ngayon gumagawa ka nang kababalaghan!” bulaslas ni Anny at malakas na pagtawa nito sa harapan ni Aliyah.
“Hindi ko naman kasi siya nakikita. Isa pa malapit na din ang Valentine's Day, baka sakaling kapag nagpangita kami ay maisali ko siya sa Mr. Valentino 'yon lang naman ang gusto ko!” wika na pagdadahilan ni Aliyah.
“Totoo, iyon ba talaga ang gusto mo at walang ibang dahilan pa?”
“Oo, maniwala ka walang ibang dahilan pa.”
“Pakiramdam ko ay pumapag-ibig ka na din, ah!”
“Hindi, iba ang naiisip mo! Gusto mo bang pagalitan ako ni Papa, alam mo naman na hindi 'yon sang-ayon sa mga gano'n. Pero naiisip ko na kung bibigyan din lang naman ako ng taong mamahalin, sana lang katulad ni Papa, iyon bang kahit anong pagdaanan niyo mas mangingibabaw pa din ang pagmamahalan niyo!” untag na ngiti sa mga labi ni Aliyah.
“Ahmmm, ang hirap naman nang sinasabi mo Aliyah! Alam mo ba sa sampung lalaki raw ay isa lamang ang matino, kaya naman s'werte mo kapag iyon ang napunta sa'yo! Alam mo ang balita ko nga ay nag-transper na si Adrian Casanova sa ibang bansa, kaya malabo sa puti ng iyong mga mata para makita mo ang lalaking 'yon.” wika ni Anny.
“Ah! Gano'n ba? Ibig mong sabihin hindi ko na talaga siya makikita pa,” malungkot na untag ni Aliyah.
“Huwag ka na malungkot, Aliyah. Marami pa naman tayong makikilala ng mas higit sa kanila. Kaya nga sabi ng nanay ko, puppy love lang raw ang ating nararamdaman,” wika ni Anny kasunod ng pag-akbay nito sa kaniyang balikat.
“Siguro nga tama si Anny, dapat ko na nga kalimutan ang lalaking minsan nagpabilis nang tibog ng puso ko,” tugon nito sa kaniyang isipan.
___________
Alas-k'watro pa lang ay gising na si Adrian para sa nalalapit niyang flight patungong America. Hindi man niya napahindian ang kaniyang magulang ay sumunod pa din siya para sa naghihintay niyang kapalaran. Ang maging tagapagmana ng isang malaking negosyo na ipinatayo ng kaniyang mga magulang ang Devone Winery Corporation na kasalukuyang pinapatakbo ng kaniyang ama sa America at ang pangako nitong pagpapatayo sa Pilipinas. Kaya naman hindi rin nakapagtataka na Business administration ang kaniyang kursong kukuhanin. Narating niya ang Madiesro Tower na pag-aari din ng kaniyang mga magulang habang nasisilayan niya ang Private Plane mula sa 'di kalayuan sa kaniyang kaibigan na si Dave. Kinuha niya ang isang bagay na nagpaalala sa kaniya.
“Sana lang magkita pa tayo, Aliyah,” tanging bulong niya habang pinagmamasdan ang maliit na litratong nasa loob ng kaniyang black wallet.
“Bro! What are you waiting for?” untag ng kaibigan niyang si Dave.
Mabilis inilagay ni Adrian ang black wallet niya sa kaniyang bulsa na naglalaman ng litrato ni Aliyah. Isang litratong tanging alaala lamang sa kaniyang isipan, na makilala niya ang unang babaeng nagpabilis at nagpatibok ng kaniyang puso.
“Hindi man kita nakasama ng matagal, ngunit natitiyak kong, hindi ko malilimutan ang maala anghel mong mukha,” wika ni Adrian at kasabay nang paglipad ng sinasakyang nitong Private Airplane papuntang America, habang pagtanaw naman niya sa mga kabahayan at mga punong kakahuyan na kaniyang nakikita.
Napatigil na lang siya sa malalim na kaisipan nang basagin ng kaniyang kaibigan ang malalim niyang pagiisip. Dinampot niya ang isang red wine at mabilis nitong naisalin sa babasaging kopita na ngayon ay nakapatong sa harapan ng isang maliit na mesa habang pinagmamasdan niya ang bawat galaw ng mga ulap na kaniyang nakikita.
“Sana ay hindi ka na lang umalis para hindi ka natutulala sa tuwing naiisip mo ang babaeng 'yon,” wika nito.
“Dont worry, Bro. Isang magandang alaala lang na makilala ko ang babaeng tulad niya,” untag ni Adrian habang ngiti ang iginanti nito sa kaniyang kaibigan.
“Are you sure?” tanong nitong muli.
“Yes, I'm sure, Dave,” wika ni Adrian.
“Kung gano'n, bakit 'di na lang tayo mag-enjoy sa America? I'm sure, na mas maraming magagandang babae ang naghihintay sa atin doon!” bulaslas ni Dave at pag-inom nito ng alak.
“Why, not?” tanging wika ni Adrian at pagbaling nitong muli sa katabing bintana ng sinasakyang niyang Private Plane.