KABA ng dibdib ang lumulukob sa puso ni Adrian. Halos sunod-sunod na suntok ang pinakakawalan nito sa malapad na pader na kaniyang kinatatayuan. Hindi niya iniinda ang bawat hapdi o, sakit na kaniyang natatamo mula sa dumudugo niyang kamao. Tila ba kulang pa ito sa lahat ng mga nagawa niya sa dalaga. Sa lahat ng mga planong tanging mali pala ang kaniyang akala. Nagsisisi siya kung bakit hindi niya nagawang makinig sa kaniyang matalik na kaibigan. “Asshole!” galit niyang sigaw sa kaniyang sarili. Napaluhod siya sa harapan ni Dave. Tila walang humpay ang bawat pag-daloy ng kaniyang mga luha mula sa kaniyang mga mata. “It's my fault!” muli niyang sigaw habang siya ay umiiyak. “It's not your fault, Adrian!” ani nito. “Don't worry, We'll find her. Let's just wait for the police call.” “I'm

