TILA hindi makapaniwala si Adrian na natakasan na naman siya ng dalaga. Muli niyang kinuha ang k'wintas sa loob ng kaniyang bulsa. At saka niya ito pinakatitigan. Ngunit isang malamig na boses ang tila nagpapukaw ng kaniyang pansin nang marinig niya ito sa 'di kalayuan n'ya. “Adrian!” untag nitong sigaw sa binata. Subalit tila hindi maintindihan ni Adrian ang ekspresyon ng mukha ng dalaga. Matalim ang pagtitig nito sa kaniya. Na tila may masama siyang nagawa. “Anny,” wika niya sabay lahat ng kaniyang kamay sa dalaga. “Hindi ko kailangan makipagkilala o, makipagbatian muli sa 'yo, Adrian. Alam kong itinatago mo ang kaibigan ko!” “What are you talking about?” tanong nito. “Bakit ba hindi mo na lang s'ya hayaan? Huwag mo na s'ya pilitin pa, kung ayaw na n'ya sa 'yo!” “I'm sorry,

