MALAKAS na ulan ang sinuong niya para lang mapuntahan ang puntod ni Jacob. Batid nito na kahit anong gawin pa niya ay hindi na muli itong babalik sa kaniyang buhay. Hawak ang payong na itim na kaniyang dala-dala. Habang nababasa na rin ang ilang parte ng suot niyang damit. Kasabay nang kulog na nagmumula sa madilim at nangangalit na kalangitan. Bago pa man siya makasapit sa pinakapuntod ng dati niyang kasintahan ay nasilayan na niya ang isang pink box na halos mabasa na ito sa lakas ng ulan. Sa kaniyang paglapit ay isang white roses naman ang kaniyang napansin. Nagtataka man ang kaniyang kaisipan ay minabuti niyang umupo sa mga bermudang damo na kaniyang kinatatapakan. Tinanggal niya ang ribbon na nakatali sa kahon at marahan niya itong binuksan. Isang floral cake ang kaniyang nasilayan. Tingin pa lang niya ay may kasarapan ito batay sa itsura at pagkakagawa na kahit masira na, dulot sa pagkakabasa. Hinawakan niya ang white roses na nagpabaling muli sa kaniyang mga mata. Masinsinang niya ito pinakatitigan habang hawak niya ang tangkay na halos ikatinik ng kaniyang mga kamay. Pero bago pa man niya ilagay sa ibabaw ng kahon ang bulaklak ay maayos niyang itinali ang kahon na kaniyang binuksan.
Napapaisip siya sa kung sinong tao ang naglagay sa puntod ng kaniyang kasintahan. Ngunit tila naramdaman na lamang niya ang pagtulo ng kaniyang mga luha. Walang salita ang lumabas sa kaniyang mga bibig dahil sa damdaming lubos pa rin siyang nasasaktan. Tanging sakit na hindi niya makayang lunasan. Damdamin na pilit pinipigil dulot ng kaniyang kapighatian. Marahan niyang dinama ang bawat letrang pangalan sa puntod nito. Hangang sa hindi na niya napigilan pa ang kaniyang nararamdaman. Sumasabay ang malakas na pag-iyak niya sa bawat lakas rin ng ulan. Ang bawat sigaw niya ay tila humahambing sa nangangalit na pagkulog sa kalangitan. Halos magkakalahating oras rin siyang nagpakabasa sa ulan. Bago pa man niya naisipang tumayo at lisanin ang Blues Garden. Nanginginig man ang mga kamay at katawan niya na dulot ng lamig sa loob ng kotse. Mabilis niyang binaybay ang daan na tanging lakas ng ulan ang kaniyang naririnig. Ngunit tila sumasabay ang panahon sa kaniya. Nagulat siya nang may isang itim na kotse ang humarang sa kaniyang tinatahak na daan. Mabilis niyang itigil ang kaniyang sasakyan na halos ika-bangga sa unahan ng kaniyang kotse. Tumama ang ulo niya sa manubela na ikinasugat ng kaniyang noo.
“Ouch!” untag ni Aliyah habang dinadama niya ang sakit na kaniyang natamo. “Sino ba sila?” pagtitig niya sa unahan ng kaniyang kotse. Habang natatanaw ang mga armadong lalaki na bumababa sa sasakyan.
Hindi niya ito kilala ngunit tila nahihiwagaan niya ang lalaki na dati niyang na engkwentro noon. Ang malapad nitong dibdib na bumabagay sa tangkad nitong katawan. Suot pa rin nito ang mask na tumatabing sa mukha ng lalaki.
“Ang sakit ng ulo ko!” wika ni Aliyah na halos maliyo siya sa pagkakatama ng kaniyang noo. Marahan niyang binuksan ang pinto ng kotse niya. Kahit iniinda niya ang sakit na kaniyang nararamdaman. Nag-decide siyang bumaba upang harapin ang lalaking, lakas loob na humarang sa kaniyang dinaraanan.
“Ano ba ang problema niyo!” sigaw niya sa mga lalaking unti-unting lumalapit sa kaniya. Napahawak siya sa ibabaw ng sasakyan dahil sa kaniyang pagkahilo. Na tanging lakas ng ulan at hangin na kaniyang nararamdaman.
“How are you?” tanong ng lalaki sa kaniya. Kasunod nang pagdampi ng mga kamay nito sa pisngi niya.
“Sino ka ba!” galit na tanong ni Aliyah.
“Hindi mo na kailangang malaman pa. Gusto ko lang kamustahin ang babaeng nakilala ko noon!”
“Nakilala! Paano tayo magkakakilala? Eh, hindi naman kita kilala!” matapang na wika ni Aliyah.
“Ang maamo mong mukha at ganda mong taglay ay hindi dapat pinahihirapan,” ngiting wika ng lalaki sa kaniya.
“Are you crazy!” tanging sigaw ni Aliyah. Habang walang tigil ang lakas ng ulan.
“Aliyah, hindi ka dapat kinakabahan at mas lalong wala ka dapat katakutan,”bulaslas ng lalaki kasunod nang unti-unting paghawak nito sa leeg ni Aliyah.
“Ano ba'ng ginagawa mo? Ha! Bitawan mo nga ako! Nasasaktan ako!” Hindi kita kilala kaya makakaalis ka na!” ani ni Aliyah. At pagpipigil niya sa mahigpit na pagkakasakal ng lalaki sa kaniyang leeg. “Please! Tama na!”
“Don't worry, wala akong balak na patayin ka dahil nagsisimula pa lang tayo! Mag-iingat ka! Aliyah.”
Kaagad na nakasakay ang mga hindi niya kilalang lalaki at mabilis siyang iniwan sa gitna ng daan. Halos sumakit ang kaniyang leeg sa pagkakapisil ng lalaki sa kaniya.
“Kung sino ka man magbabayad ka!” wika ni Aliyah at pagsakay nito sa kaniyang kotse habang mabilis niyang nilisan ang kaniyang kinaroroonan.
_____________
“Where have you been? Kanina pa kita tinatawagan pero 'di mo sinasagot ang tawag ko!” ani ni Dave sa pag-aalala.
“I' m sorry, Bro. Marami lang akong ginawa sa office kanina kaya hindi ko na nasagot ang tawag mo. And beside maraming investor na kailangan ko muna unahin bago ang ibang bagay,” wika ni Adrian. Habang abalang pinipirmahan ang ibang dokumento sa silid nito.
“Nag-alala lang ako baka kung saan-saan ka na naman pumunta.”
“Hindi mo ba binalak na dalawin siya?” pagtatanong ni Adrian.
“Malakas ang ulan! Bro. Isa pa maari ko naman ipagdasal si Jacob sa kahit anong paraan,” sagot ni Dave habang nakangiti ang mga labi nito sa kaibigan.
“Mag-asawa ka na!” pagbibiro ni Adrian.
“What? Hey!” pagtapik nito sa balikad ni Adrian. “Hindi dapat ako ang ipinipilit mo sa isang bagay na ayoko. Hindi ko pa intensyon na matali sa isang babae!”
“Ang sabihin mo, wala ka pa napupusuan!”
“Wala akong panahon sa babae! Maliban na lang kung sila ang may panahon sa akin!” tanging bigkas na ngiti nito sa kaibigan.
“Kailan mo ba maaalis sa p*********i mo ang pagiging babaero mo?” natatawang wika ni Adrian habang abala pa rin ito sa kaniyang ginagawa.
“Hanggang may babae, Bro! Hindi mawawala 'yon.”
“I hope na hindi ka tamaan ni kupido, someday.”
“Never, Adrian Casanova. Hindi ako tulad mo na halos mabaliw na kay Stephanie. Lalo na ngayon na malapit na siyang umuwi ng pilipinas.”
“Yes, malapit na nga siyang umuwi pero hindi ako baliw na katulad mo!”
“You know, Bro! Never, talaga ako mabaliw sa babae dahil sila ang mababaliw sa akin!”
“Asshole!” wikang mura ni Adrian sa kaibigan.
“I think, much better if mag-relax na lang tayo sa Palawan may mga Bar and Resort rin naman doon!” wika ni Dave kasunod nang paglisan nito sa silid ng kaibigan.
“Palawan!” gulat ni Adrian.
“Bro, please!” pakikiusap ni Dave.
“Okay, para sa babae mo!” wika nito sa kaniyang kaibigan.
Nang dahil sa isang pag-anyaya ng kaibigan ay minabuti nilang magtungo sa isang Luxury Bar sa Palawan. Minsan lang sila magtungo roon dahil sa mga new business nila sa iba't-ibang lugar. Kalapit lang noon ang Beach Resort na malimit nilang puntahan. Na kung saan isa sa mga dinarayo ng mga turista.