Chapter. 9

1384 Words
GALIT ang tanging bumubuklod sa puso niya at hindi pagkaawa sa babaeng kayang insultuhin ang pagkatao niya. Nakatukod sa mesa ang dalawang siko nito habang iniisip ang susunod niyang plano kapag naglandas silang muli. “Asshole!” tanging malakas na mura sa kaniyang sarili. Isinandal niya ang kaniyang likod sa swivel chair na kaniyang kinauupuan. Kasunod nang paghilot nito sa kaniyang sintido. “Hindi ko dapat iniisip ang babaeng 'yon ang dapat kong gawin ay kung paano siya susunod sa lahat nang kagustuhan ko! At kung paano ko ba paiikutin ang babaeng sumira sa buhay ng kaibigan ko!” tanging galit na wika nito sa kaniyang kaisipan. Binuklat nito ang ilang dokumento mula sa kumpanyang kaniyang pinamamahalaan. Ang Devone Winery Corporation na isang sikat na pagawan ng alak at ngayon ay kilala sa iba't ibang bansa. Isa ito sa mga ipinatayo niya dito sa pilipinas. Napahinto siya sa kaniyang ginagawa nang bumukas ang pintuan nito sa kaniyang harapan. “Mr. Adrian Casanova,” banggit ng pangalan niya mula sa kaniyang sekretarya. “Yes, Claudia.” “May mga naka-schedule na meeting ka ngayon at kinakailangang nando'n ka. Alam mo naman kung gaano ito kahalaga.” “Maari mo bang re-schedule ang meeting na 'yan!” “But, Mr. Casanova. Magkakaroon tayo ng problema kung sa susunod na muli ang meeting para sa mga investor. Ikaw ang malimit nilang hanapin at hindi ako.” “Yes, katulad nang sinabi mo. Ako ang hinahanap nila at hindi ikaw. Kaya may karapatan akong re-schedule ang lahat.” “Is that because of her!” “Of course!” “Ilang beses ko na bang sasabihin sa'yo na tigilan mo na siya pero hindi ka nakikinig!” “Claudia, ginagawa ko ito hindi para sa—” wika nito sa hindi maituloy na sasabihin. “Hindi para sa ano? Kanino? Kay Jacob ba?” “Adrian, walang magandang mangyayari kung sa kaniya mo isinisisi ang lahat. I know na wala siyang alam! But, please stop teasing with her! Wala rin patutunguhan ang lahat, and maybe ikaw pa ang mahulog sa kaniya. I'm warning you again, Adrian. I think, she's different.” “I will never fall inlove with her! Never!” madiin nitong pagkakasabi. “Sana nga! Nang sa gano'n hindi mangyari ang nasa isip ko. Because sometimes, hindi mo namamalayan na, the more you hate her, the more you love her,” wika ng kaniyang sekretarya. Habang inilalapag nito ang ilang papales sa lamesa na tanging ngiti nito ang sumisilay kay Adrian. At kasunod nang paglisan nito sa loob ng opisina. Nabaling naman ang mahigpit na pagkakahawak ni Adrian sa kaniyang bolpen. Galit nitong inihagis palayo sa kaniya. At malakas na suntok sa lamesa ang kaniyang iginawad. Kasabay nang pagtayo niya sa kaniyang kinauupuan ay ang pagtanaw nito sa labas ng kaniyang bintana. Na tanging mga nagtataasang building ang kaniyang nakikita. Isang malalim na buntong hininga na lang ang kaniyang inilabas at pag-igting nito sa kaniyang panga. Batid niya ang sakit na kaniyang nararamdaman. Halo-halong emosyon sa hindi niya malimutang sandali na kasama ang pinakamalapit na kaibigan at itinuring niyang kapatid noong mga bata pa sila. Na dapat sana kasa-kasama niya ito sa lahat ng mga plano nila sa buhay. Ilang minutong pinagmasdan niya ang labas kung saan doon siya nakakakuha nang lakas ng loob. Dinampot niya ang litratong nagpapaalaala sa kaniyang nakaraan. Pinakatitigan niya ito habang dinadama ng kaniyang mga kamay. Isang litratong na sumisimbolo sa kanilang tatlo at mga sandaling kasama niya ito. Muli niyang inilagay sa isang shelve ang picture frame na hawak niya na labis-labis na kalungkutan ang nagpapaalala sa kaniya. Ilang sandali ay kinuha niya sa ilalim nito ang secret black box na kaniyang pinakakaingatan. Naglalaman ito ng mga importanteng impormasyon sa pagkamatay ng kaniyang kaibigan. Binuksan niya ito at kinuha ang mga ebidensyang magpapahatol sa taong may malaking kasalanan. Ilang litrato rin ang nakapaloob sa kahon na iniingatan niya mga masasayang sandali na kasama ng kaniyang kaibigan ang kasintahan nitong ikinagagalit ng kaniyang puso. Tinakpan niya ito at muling ibinalik sa kinalalagyan nito at nagpasyang umalis ng kaniyang kumpanya. Habang tinatahak niya ang daan pauwi ay dumaan muna siya sa isang Flower Shop na tanging magagandang bulaklak at iba't-ibang kulay nito ang kaniyang nasisilayan. Itinigil niya ang kotse sa isang parking space nito sa harap. Ini-off niya ang kotse at kasunod nang pagbaba niya. Hindi pa siya nakakalapit sa Flower Shop para siya ay pumasok ay isang white roses ang kaniyang kinuha sa kinalalagyan nito. Inamoy niya at kinuha ang cellphone sa kaniyang bulsa. Kasunod nang pag-dial ng numero nito. “Hello, honey. How are you?” “Honey ko! Bakit ngayon ka lang tumawag? I miss you so much. Honey!” wika ng babae sa kabilang linya ng cellphone nito. “Me too, honey. And I'm so excited na magkikita na uli tayo.” “Honey, naman hindi ka ba makapaghintay. Tatapusin ko lang ang mga importanteng trabaho ko dito sa kumpanya ni Daddy. And then soon magkakasama na uli tayo.” “Basta kahit saan mo gusto ipapasyal kita sa magagandang lugar dito sa pilipinas.” “Honey, sinasabi mo ba na hindi maganda dito sa US (United State) gano'n ba?” “Of course not. But—” wika ni Adrian sa hindi niya pagtutuloy na sasabihin. “But—”paguulit ng babae. “Ituloy mo na. Binibitin mo naman ako, eh!” “But, I have a surprise for you.” “Oh really, it's that proposal.” “Maybe, Honey.” “Okay, I love you.” “I love you too, bye,” wika ni Adrian kasabay nang pag-off nito ng kaniyang cellphone. Pumasok siya sa loob at nabungaran niya ang madalas niyang bilhan ng maraming bulaklak. “Hello, Mr. Adrian Casanova. Ilang bulaklak uli ang inyong gustong bilhin.” “Hi, nice meeting you again,” malambing nitong wika sa may-ari ng Flower Shop. “ Katulad nang dati kong binibili.” “Same address, pa rin po ba?” “Yes, same address.” “Okay, Sir. thank you.” “By the way. H'wag mo na lang lagyan ng card ang mga bulaklak,” tanging wika at pagkakangiti nito sa babae. “Masusunod po, Mr. Adrian Casanova,” ani nito. “Thank you,” sagot ni Adrian at paglabas nito sa Flower Shop. Sa katabi nito ay may umagaw nang pansin sa kaniya ang nag-iisang bakeshop. Makulay at magaganda ang design na cakes na kaniyang nakikita. May iba't-ibang flavor rin na halos ikatakam ng kaniyang mga labi. Muli siyang nagtanong at kasunod nang pagbili niya sa Floral cake na nagustuhan niya. Bitbit niya ito patungong kotse at napagpasyahan na rin niyang sumakay. Tanging pink box ang kinalalagyan nito habang pinagmamasdan niya ang katabing cake. Bago pa man siya umuwi ay dumaan muna siya sa blues Garden. Na kung saan nakalibing ang kaniyang matalik na kaibigan. Dala ang cake na nabili nito. Marahan niyang inilapag ito sa puntod at isang white roses rin ang kaniyang inilagay. “Hey, Bro. Long time no see,” pagbibirong wika ni Adrian. “It's been a year, buhat nang mawala ka. I'm sorry, dahil hindi ko matanggap ang pagkawala mo. Alam kong minahal mo siya pero kailangan ko nang hustisya para sa pagkamatay mo. At hindi ako hihinto hangang hindi siya napaparusahan,” wika ni Adrian habang pinapalis niya ang mga luhang nagbabadyang pumatak. Naramdaman na lamang niya ang pagkulog ng kalangitan. Kaya naman minabuti niyang bumalik sa kaniyang sasakyan. Kasunod nang pag-start nito ng kotse papalayo sa Blues Garden. ____________ “Ano tutuloy ka pa rin ba kahit na malakas ang ulan?” tanong ng kaniyang kaibigan. “Oo, bakit hindi? Eh, kaarawan niya ngayon. Kahit kailan hindi ko nalimutan ang bawat taon na kaarawan niya. Ngayon pa na wala na siya!” “P'wede mo naman na ipagtirik na lang ng kandila si Jacob. Alam ko ang nararamdaman mo, pero sa sobrang lakas ng ulan hindi kita papayagan! Balita ko pa nga may bagyo ngayon.” “Kahit ano pa ang sabihin mo! At kahit anong bagyo pa 'yan? Hindi mo ako mapipigilan. I'm sorry, Anny pero tutuloy pa rin ako,” wika ni Aliyah at mabilis nitong pagtahak sa labas ng kaniyang silid. “Aliyah!” sigaw ni Anny sa hindi niya mapigilang kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD