Chapter. 8

1502 Words
“NAGISING ako sa liwanag na tumatama sa akin na nagmumula sa bintana na aking nasisilayan. Kinusot ko ang aking mga mata habang inililibot ko ang aking paningin sa bawat pasilyo na aking nakikita. Marahan kong iginalaw ang aking katawan ngunit tila may kung anong pagkirot akong naramdaman sa pagitan ng aking mga hita. Natakot ako at nagtataka kung bakit wala akong saplot sa aking katawan. Hinila ko ang kumot na nakabalot sa akin. At kasunod nito ang pagsandal ko sa headboard ng kamang kinahihigaan ko.” “Sh*t! Na saan ako! Bakit tila wala akong matandaan sa mga nangyari sa akin?”pagtatanong nito sa kaniyang sarili. Na halos sabunutan nito ang kaniyang buhok nang paulit-ulit ngunit tila 'di niya talaga matandaan ang lahat. “Ano bang nangyari? Sino ang nagdala sa akin dito?” pinilit niyang tumayo kahit umiinda ang sakit sa pagitan ng kaniyang mga hita. Habang nakabalot ng kumot ang hubad nitong katawan. “Sa side table ng kamang kinahigaan ko ay napansin ko ang relo nakapatong sa ibabaw nito. Kinuha ko ito kasama ng mga damit na nagkalat sa sahig. Isa-isa ko itong pinulot at patakbong nagtungo sa comport room upang magbihis. Napagtanto ko na evening dress lang pala ang damit na suot ko kagabi. Pansin ko rin ang pagkapunit nito sa bandang laylayan ng aking dress. Matapos kong magbihis ay kaagad akong lumabas upang hanapin ang evening bag na sa pagkakaalam ko ay dala-dala ko kagabi. Subalit nagulat na lang ako nang masilayan ko ang lalaking hindi ko inakalang nasa harapan ko ngayon. Kita ko ang pagngisi niya sa akin habang nakaupo siya sa kama na aking kinahigaan.” “A-Adrian! Bakit nandito ka?” mautal-utal na wika ni Aliyah sa kaniyang pagtataka. “You don't remember, last night!” “Anong sinasabi mo, wala akong natatandaan?” “Wala ka nga bang natatandaan? Ms. Aliyah Belle Gomez.” “Bakit mo ako dinala dito!” pagtatanong nitong muli. “Saan ba kita dapat dalhin sa bahay mo?” “Adrian, I'm sorry. Siguro isang pagkakamali na may nangyari sa atin. Hindi dapat na—” wika ni Aliyah sa hindi nito maituloy na sasabihin. At akmang aalis na siya nang hilahin nito ang kaniyang mga kamay. Kasunod nang pagsakop ng mga bisig ni Adrian sa kaniyang katawan. “Ano ba'ng ginagawa mo! Bitawan mo nga ako!” “Bakit ko naman bibitawan ang babaeng, mayroong pagkakautang sa akin?” tanging bulong nito sa tenga ng dalaga. At dahan-dahan na paglapat ng kaniyang mga labi sa leeg nito. “Bastos!” wika ni Aliyah habang malakas niya itong naitulak palayo sa kaniya. “Hindi ko alam ang mga sinasabi mo dahil ngayon lamang tayo uli nagkita! Isa pa may nobyo na ako!” “Oh, really. Nasarapan ka nga kagabi 'di ba. And I think wala na siya!” bulaslas ni Adrian habang pagkuyom naman ng mga kamay at matalim na titig ang iginawad nito kay Aliyah. “Hindi mo alam ang mga sinasabi mo! At wala ka na kahit anong alam tungkol sa kaniya!” “Tama nga sila, isa ka talagang magaling na abogado dahil lahat ng sekreto mo ay kaya mong itago. Mula sa pagiging matalino, edukado, at maprinsipyo! Kaya mo gawin ang lahat para lang sa pansarili mong propesyon!” “Pinaghihirapan ko ang propesyon na mayroon ako ngayon! Kaya kung may problema ka sa akin. Maaari nating idaan sa legal na paraan!” “Okay! Kung iyon ang gusto mo! Idadaan ko sa legal na paraan ang gabing pinagsaluhan nating dalawa at hindi ako papayag na may ibang lalaki ang hahawak sa katawan mo! Naiintindihan mo ba!” matapang na untag ni Adrian. “Hindi mo ako pag-aari!” “Pero pag-aari na kita ngayon!” “Pinagsamantalahan mo ang kahinaan ko!” “Pero nagustuhan mo!” “Pinilit mo ang katawan ko!” “Tama ka, pero ibinigay mo!” “Ito ang tatandaan mo, Mr. Adrian Casanova! Kakalimutan ko ang gabing nangyari sa atin. Kaya kalimutan mo na rin na nagkaroon tayo nang ugnayan sa isa't-isa! Kahit ikaw pa ang unang lalaking kumuha sa p********e ko!” galit na bulaslas ni Aliyah habang sumasabay ang pagdaloy ng luha mula sa kaniyang mga mata. Mabilis niyang hinila ang bag sa pagkakahawak ni Adrian. Ngunit tila ang pagtitig at pagngiti nito sa kaniya ay may pakahulugan. Pinalis niya ang luhang kanina pa dumadaloy sa kaniyang pisngi. At kasabay nang paglisan niya sa hotel na pinagdalhan sa kaniya nito. Sa paglabas pa lang nito ng hotel ay mapapansin niya ang dami ng taong nasa paligid niya. May iba na nagkakasiyahan habang nilalaro ang mga puting buhanging na kaniyang natatanaw. Mayroong mga cottage at sa kabilang side naman ay isang High Glorious Bar na kalapit rin nito. Mabilis ang bawat hakbang ng kaniyang mga paa paalis sa lugar na halos naging bangungot lang sa kaniya. Subalit tila madamot ang araw nito sa kaniya na tila ba walang kahit na anong sasakyan na dumaraan para lisanin niya ang lugar sa hindi man lang niya alam kung saang lugar ba siya dinala. Masasakit na rin ang mga binti niya sa ilang minutong paghihintay ng sasakyan. Kahit ang cellphone na dala niya ay hindi gumagana dahil sa hina ng koneksyon sa signal nito. Pa lowbat na rin ito kaya hindi na rin niya matawagan pa ang kaniyang kaibigan. Naupo muli siya sa malaking bato na kalapit lang nang kinatatayuan niya. Kasunod nang pagmasahe sa mga binti niyang kanina pa sumasakit. “Saan ba'ng lugar ito? Bakit ang layo-layo ko na sa syudad?” tanong niya habang isang matandang babae ang dumaan sa kaniyang tapat at bitbit nito ang ilang prutas ng mangga na tila ay kapipitas lamang nito. Tumayo siya at kaagad na nagtanong. “Mawalang galang na po. Maaari ko po ba na malaman kung saang lugar po ito.” “Naku, hija! Paano ka ba nakarating dito at 'di mo alam kung na saan ka ngayon?” “Pasensya na. Naligaw lang po kasi ako dito kaya nagtanong lang ako.” “Naku! Kayo talagang mga kabataan. Naririto ka sa Isla Monica ng Batangas. Itong resort na nasa likod mo ay pag-aari ng isang bilyonaryong lalaki. Hindi ko ba eh! Matandaan kung taga saan nga ba iyon? Pumasok ka sa loob ng malaking hotel na iyan at tiyak akong matutulungan ka nila!” tanging wika ng matanda at papalayong umalis sa kaniyang harapan. “Nakakainis! Bakit ba naman kasi uminom-inom pa ako kagabi! Ngayon tuloy hindi ako makaalis-alis sa lugar na ito!” Halos wala siyang nagawa kundi ang bumalik sa resort. May kaba man sa kaniyang puso na makaharap ang unang lalaking kumuha sa pagkatao niya ay lakas loob niya itong haharapin. Sa pagpasok pa lang niya ng hotel ay bumungad sa kaniyang harapan ang lalaking kinaiinisan niya. Napatigil siya habang matalim niya itong tinitigan. Tila ang bawat ganti ng tingin nito sa kaniya ay tanging ngiti ang sumisilay sa labi ng lalaki. Kasunod nang paglapit niya sa information desk na kung saan naroroon si Adrian. Habang pinagmamasdan ng lalaki ang bawat paglapit nito sa kaniya nang isang malakas na sampal sa mukha nito ang iginawad ni Aliyah. “ P'wede ba iuwi mo na ako! Ikaw ang nagdala sa akin dito kaya—” hindi nito maituloy nasasabihin nang hawakan nito ang pulsuhan ng kaniyang kamay. Kasunod nang pag-igting ng panga nito sa harap ni Aliyah. “Ano?! At bakit ko naman gagawin 'yon! Hindi mo ba nagustuhan ang magandang tanawin dito?” “Hindi ako interesado! Kaya p'wede ba ialis mo ako sa maala bangungot mong lugar!” “Bangungot! Nababagay lang naman sa'yo na bangungutin ka! Kulang pa iyan sa lahat ng pagkakautang mo sa akin!” “Mr. Adrian Casanova, kahit kailan wala akong natatandaan na pagkakautang sa'yo! Kaya itigil muna itong ginagawa mo dahil hindi ka mananalo!” “What did you say!” “You will never win!” “Ah! Gano'n! Okay, but for now I will win!” wika ni Adrian. Habang mabilis nitong hinila palapit sa kaniya ang katawan nito. At paglapat ng mga labi nila sa isa't isa. Kasunod nang pagsakop sa kaniyang mga labi ni Adrian ay ang mapusok na halik ang ibinigay nito sa kaniya na halos makagat na nito ang pangibabang labi ng dalaga. Pinipilit niyang makawala sa madiin na pagkakahalik ni Adrian. Ngunit tila mas lalo siya nitong hinahamon para sakupin ang kaniyang mga labi. At dahil sa ginawa sa kaniya nito ay minabuti rin niya itong gantihan. Isang madiin rin na pagkagat sa labi nito ang kaniyang ginawa kasunod nang pagtulak nito sa kaniya. “F**k!” malakas na bulaslas ni Adrian. “Kinakalaban mo ba ako!” “Sa palagay mo hindi ko din ba kaya ang ginagawa mo!” “Get out!” sabay turo ng daliri ni Adrian sa labas ng hotel. “Like I said! You will never win, Adrian Casanova!” matapang na wika ni Aliyah kasabay nang paglisan niyang muli ng hotel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD