Chapter. 5

1306 Words
Point of view Aliyah Belle Gomez “Pinipilit kong kalimutan ang lahat. Subalit sino ba siya? Sino siya para diktahan ang gusto ko? Hindi ko man kilala ang taong 'yon ngunit bakit may tanong sa isip ko? Isang tanong na hindi ko maintindihan, kilala niya ba ako? Ngunit ang natatanging amoy niya ay pamilyar sa akin," pagsapo nito sa kaniyang noo dahil sa kaniyang mga iniisip. "Pero hindi baka nagkakamali lang ako," wika ni Aliyah sa hindi niya makalimutang karanasan. Isang naggagandahang tanawin naman ang kaniyang natatanaw mula sa kinatatayuan niya sa balkonahe. Pinili niya talaga ang lugar ng Adolfo sa Zambales na madalas nilang puntahan ng kaniyang kaibigang si Anny para mabawasan naman ang mga patong-patong niyang trabaho na halos mawalan na siya ng panahon sa kaniyang sarili. Ngunit tila hindi pa din siya lubayan ng mga alaalang nagpapasakit sa puso niya. Tulala siyang nakatitig sa kawalan habang hawak ang isang tasang kape na kaniyang iniinom. Subalit isang tawag naman na halos marindi na siya sa paulit-ulit na tunog ng kaniyang cellphone. Sinagot niya ito nang mabilis at ibinaba sa lamesa ang iniinom niyang kape na katabi ng mga importanteng papel na kailangan niyang pirmahan. “ Next time, talaga hinding-hindi na ako magdadala ng kahit anong sagabal sa buhay ko!” pagmamaktol nito sa kaniyang sarili. “Hello, Anny!” nakasimangot nitong sagot. “Hi, Aliyah. Bakit tila hindi ka masaya na tumawag ako?” matawa-tawang bulaslas sa kabilang linya nito. “Paano naman ako magiging masaya, eh kahit saan ako magpunta tumatawag ka!” pagmamaldita ni Aliyah. “P'wede ba, tigilan mo na ang pagpunta mo sa kung saan-saan para lang kalimutan ang taong matagal nang patay.” “Alam mo minsan, wala din preno ang bibig mo kung magsalita ka!” wika ni Aliyah kasunod nang pag-upo nito sa isang wooden chair na kalapit ng kaniyang lamesa. “Bakit hangang ngayon ba Aliyah? Ayaw mo pa din patahimikin ang matagal nang nanahimik. Alam ko naman na sobra-sobra ang pagmamahal mo kay Jacob, but past is past na kahit anong gawin mo at pilit mong alalahanin ang mga nakaraan hindi na muli siya babalik sa'yo. Much better kung maghanap ka na ng taong magmamahal sa'yo nang sa gano'n malimutan mo na ang mga pait na nagpapasakit sa puso mo. Hindi ba may nakilala ka noong nakaraan bakit hindi na lang siya ang pa imbestigahan mo kung sino man ang taong 'yon?” “Wala akong panahon sa kaniya. Isa pa masasayang lang ang mga araw ko sa isang estranghero na tulad niya!” pagtataray na wika ni Aliyah. “Okay, sinabi mo eh. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Pero mag-iingat ka sa taong 'yon lalo na at hindi mo siya kilala.” “Sige na marami pa akong kailangan pirmahan. Ipadadala ko na lang ang mga dokumento sa office kapag ayos na ang lahat. Bisitahin mo na din si Papa, baka kasi mag-alala 'yon sa akin. May katandaan na din 'yon at minsan nalilimutan na niya ang ibang bagay.” “Yes, copy na noted pa! But wait, may natanggap nga pala akong isang invitation at alam kong para ito sa'yo.” “Invitation,” pagtatakang wika ni Aliyah sa sinabi ng kaniyang kaibigan. “Yes, invitation. Hindi mo ba alam? Invitation of Highschool Reunion,” mabilis na dinampot ni Anny ang isang red card envelope na nakapatong sa kabilang desk nito. “ Gusto mo ba basahin ko pa sa'yo,” tanong nitong muli. “Kahit hindi na, nagdadalawang isip nga ako kung pupunta pa ako sa reunion namin.” “Ha! Okay ka lang, Aliyah. Minsan lang 'yon at isa pa 10th year Grand Reunion hindi ka mag-attend,” bulaslas ni Anny habang pinapaikot nito sa kaniyang mga daliri ang hawak nitong black ballpen. “Bakit ba gustong-gusto mo na pumunta ako sa reunion na 'yon? Kung gusto mo, ikaw na lang!” “ Anong ako lang? Sa ayaw at sa gusto mo, pupunta tayo! At malay mo muli mong makita ang matagal mo nang hindi nakikita. Tama ba?” pangugumbinsing wika ni Anny. “I try, pero 'di ako nangangako!” “ Huwag mong subukan. Gawin mo na lang.” “Okay, bye! Marami pa akong dapat gawin dito sa Zambales. Huwag mo na lang din muna akong tawagan dahil ayokong naaabala ako.” “Fine, sinabi mo, eh. Tatawagan ko na lang sa ngayon ang dress stylish natin para naman maging maganda tayo sa darating na reunion. And beside, excited na din ako,” tanging ngiting wika ni Anny at kasunod nang pag-off nito ng kaniyang cellphone. Napabuntong hininga na lang si Aliyah dahil sa mga narinig niya kay Anny. Batid niya na mahabang panahon na din ang lumipas nang huli niyang makita si Adrian. “Magkikita pa nga ba kami?” tanong niya sa sarili habang ipinagpatuloy niya ang pag-inom ng kape. “Siguro ay hindi na niya ako matatandaan pa dahil sa tagal nang lumipas,” ngiting wika niya. “Naku! Ano ba ang iniisip ko? Sino ba ako para maalala niya? Kahit kailan hindi naman naging kami. Bahala na kung magkita kami o, hindi ang mahalaga nakadalo ako sa gaganaping Grand Reunion namin. Na miss ko na din ang mga dati kong bachmate. Lalo na si Mattew Alarcon at si Graciella Zobel. Kamusta na nga ba sila?” wika ni Aliyah habang walang patid niyang pinagmamasdan ang mga punongkahoy na kaniyang natatanaw. Napagdesisyunan na lamang niyang tumayo dahil sa init ng araw na tumatama sa kaniyang balat habang dala-dala ang tasang kape na kanina lamang niya ininom. Kinuha niya ang bathrobe na nakasabit sa isang wooden rack clothes stand. Sa style pa lang nang pinagsasabitan ng bathrobe niya ay namangha na siya. Halos saan man siya mapadako nang tingin ay halos gawa sa mga woodcrafts furniture na talagang bumagay sa estilo ng bahay. Isa ang Zambales sa mga favorite niyang site bukod sa Palawan. Ang maalon na dagat na madalas niyang masamyo tuwing umaga. Kaya gano'n na lamang nawawala ang stress niya at lungkot sa mga nagdaang araw. Dagdagan pa nang hustisyang hindi niya makamit-kamit para sa dating kasintahang nagpalungkot nang labis sa kaniyang buhay. Binuksan niya ang doorlock ng comport room at pinakatitigan ang maganda nitong disenyo. May malaking salamin na halos kita ang buong katawan niya. Habang wooden pa din ang bawat side ng mirror. Ngunit tila ba sumasagi muli sa kaniyang kaisipan ang lalaking naging bahagi din nang kaniyang alaala si Adrian Casanova. Sa hindi sinasadya ay napihit niya ang heater ng shower fauset. Nagulat na lamang siya sa init na kaniyang nadama at ang tanging kaisipan na sumasagi sa kaniya ay bigla na lang nawala. “Hindi ko dapat siya iniisip. Matagal na 'yon at tiyak akong hindi na niya ako matatandaan pa.” Matapos niyang maligo ay ibinaling niya ang kaniyang atensyon sa nag-vibrate niyang cellphone. Ayaw na din kasi niya ang maabala kaya naman pinagpasyahan na lang niya na i-off ang tone nito at i-vibrate na lamang. Isang email ang natanggap niya sa isang prosecutor tungkol sa kaso ni Jacob Cervantes. Subalit napatulala siya sa isang ebidensiya na magbibigay nang pag-asa sa kaso ng kaniyang kasintahan. Muli niyang binasa ang nakasaad na email na galing sa kaniyang kaibigan. “These cufflinks, it was found in the accident scene. But it was taken out from the evidence. It has blood on it.” Halos manginig ang mga kamay niya. Kasunod nang walang pag-aalinlangan niyang nabitawan ang hawak niyang cellphone. At mga luhang sumasabay sa mapaghiganti niyang damdamin. “Jacob, malapit ko nang makamit ang hustisyang nararapat para sa'yo. Hindi ako susuko na hanapin ang taong walang pusong gumawa noon sa'yo. Pangako!” madiin at may galit sa puso niya ang mga katagang lumabas mula sa kaniyang bibig habang pagkuyom ng kaniyang mga kamay dahil sa bugso ng damdamin na kaniyang nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD