Chapter. 6

1992 Words
“KINABUKASAN sa pagpasok ko pa lang ng aking Law office ay pansin ko na ang ilang naggagandahang mga bulaklak na aking nakikita. Napaisip ako, kung para kanino ba ang mga bulaklak na ito? Imposible naman sa akin dahil wala naman akong manliligaw bukod sa dati kong kasintahan. Kinuha ko ang red envelop na itinawag sa akin ni Anny kanina. Hindi ko man maintindihan ang gusto niyang ipabatid pero ramdam ko ang bawat ngiting lumalabas sa kaniyang sinasabi. Isang malalim na hininga ang inilabas ko sa aking sarili dahil may kung anong kaba akong naramdaman. Binalewala ko na lamang ito at inilapag ang aking hawak. Naupo ako sa kalapit ng aking table at ini-open ang aking laptop. Subalit laking gulat ko nang bigla na lamang siya pumasok sa loob ng aking opisina.” Tanging malakas na kalabog ng pinto ang nasilayan niya sa pagpasok pa lang ng kaniyang kaibigan. “Anny!” gulantang na bulaslas ni Aliyah nang mabigla siya sa pagbukas ng pintuan niya. “I'm sorry, but it's time,” wika ni Anny habang bitbit niya ang bungkos ng isang bulaklak. “Time, for what?” pag-iisip niyang tanong at pagtataka nang masilayan nito ang mga bulaklak na hawak ng kaniyang kaibigan. “Hindi mo ba nabasa ang red envelop na iniwan ko sa table mo? H'wag mong sabihin na hindi mo binasa,” pagtataray nito sa kaniya habang hindi mabitawan ang magagandang bulaklak nitong hawak-hawak. “Oo, alam ko na. Nasabi mo na, sa akin kahapon pa. But anyway, para saan naman ang mga bulaklak na ito? Magtatayo ka ba ng flower shop sa loob ng office ko?” ani ni Aliyah na may pagkunot sa kaniyang noo. “At bakit naman ako magtatayo ng flower shop sa office mo! Ms. Aliyah Belle Gomez. Hindi mo ba nakikita ang mga nakalagay na card sa ibabaw ng mga bulaklak na 'yan? Para sa'yo lahat nang nakikita mo! Magtatanong pa nga ako sa'yo kung kilala mo ba ang nagpapadala ng mga bulaklak? Ang dami kaya!” wika ni Anny kasabay nang pag-irap ng kaniyang mga mata. “Wala akong kilalang tao na maaaring magpadala sa akin ng napakaraming bulaklak, Anny.” “Kung hindi mo kilala kung sino ang nagpapadala ng mga bulaklak na ito? Kanino nang galing ang lahat ng 'yan?” “Hindi ko alam, Anny. Kaya p'wede ba alisin mo lahat ng mga ito or else ibenta mo o, ipamigay,” tanging bulaslas ni Aliyah. “Siguro may stalker ka noh!” tanging untag ni Anny at mga ngiting sumisilay sa kaniyang mga labi. “Are you done? Marami pa akong kailangang gawin, Ms. Prosecutor.” “Sige na! Gawin mo na lahat ang mga dapat mong gawin. Pero huwag mong kalilimutan na may kailangan ka pang gawin para sa nalalapit na Grand Reunion natin mamaya, Ms. Attorney Gomez,” wika nito at padabog na isinarado ang pinto ng kaniyang opisina. Napahilot na lang siya sa kaniyang noo dahil unang pasok pa lamang niya ng umaga ay kung ano-ano na ang mga nangyari sa kaniya. Ngunit may kung anong alaala ang sumagi sa kaniyang isipan. Ang amoy ng pamilyar na bulaklak na kanina pa niya naaamoy. Napabaling ang atensyon niya sa mga bulaklak na nagpapaalaala sa kaniyang nakaraan. Ang mabangong amoy nito na hindi niya kailanman malilimutan. Isang alaala na tanging si Jacob lamang ang nagbibigay sa kaniya ng mga bulaklak na paborito ng kaniyang ina. Muli siyang napapikit dahil sa mga luhang nagbabadyang pumatak mula sa kaniyang mga mata. Kasunod nang pagkuha niya sa maliit na kahon mula sa drawer. Isang kahon na naglalaman ng mga dokumento at ebidensya para sa namayapa niyang nobyo. Tumayo siya at marahang lumapit sa mga ito na nakapalibot sa loob ng kaniyang opisina. Tanging ngiti ang iginanti niya nang hawakan nito ang ilang bungkos ng bulaklak habang sinasamyo niya ang amoy na nagpapabalik sa kaniyang alaala. Napatigil siya sa kaniyang ginagawa nang mapadako ang tingin niya sa orasan. Dali-dali niyang dinampot ang kaniyang black bag at patakbong lumabas ng kaniyang opisina. Ilang oras na din ang nakalilipas buhat nang ipaalam sa kaniya ni Anny ang gaganaping Highschool Reunion nila sa Doña Fatima Memorial School. Paulit-ulit niyang pinipindot ang button ng elevator ngunit hindi pa rin ito magbukas. Hanggang sa hawakan na lamang siya ng kaniyang kaibigan sa balikat. At may matalim na tingin ang iginawad nito sa kaniya. “Huwag ka na mag-elevator dahil under maintenance ito ngayon,” kibit balikat na wika ni Anny. “Sana sinabi mo kaagad nang gumamit na lang ako ng hagdan!” “Okay, Ms. Attorney. Dito na lang tayo sa hagdan nang hindi uminit ang ulo mo. Bakit ba naman kasi hindi mo pa lubayan ang kaso ni Jacob? Matagal na siyang patay Aliyah. Kaya mag-move on ka na.” “ Kahit ilang taon pa ang lumipas. Hinding-hindi ako titigil sa hustisyang hinagangad ko!” “Aliyah, hanggang kailan? Kapag ba nanganib na ang buhay mo? Eh, hindi mo nga alam kung sino ang gumawa sa kaniya 'di ba! Oo, Attorney ka at Attorney ako. Pareho ang gusto nating hangad para sa kaniya. Natatakot lang ako Aliyah na baka isang araw manganib na ang buhay natin dahil sa kasong inuungkat mo!” bulaslas ni Anny at mahigpit nitong pagkakahawak sa braso ni Aliyah. “Buhay ko 'to! Problema ko ito! Kaso ng nobyo ko ito! Kaya ako ang mag-decide para sa sarili ko!Please, lang Anny. Dadalo ako sa Batchmate Reunion natin. Pero hindi mo ako mapipigilan sa lahat nang gusto ko!” wika nito at pagwaksi ng kaniyang braso sa mahigpit na pagkakahawak sa kaniya ni Anny. “Iniisip lang kita dahil hindi lang kaibigan ang turing ko sa'yo. Ayoko lang na mag-alala ang Papa mo. Matagal ko nang sinasabi sa'yo ito. Lalo na ngayon na hindi natin alam kung kanino ba nang galing ang lahat ng mga bulaklak na 'yon. Hindi mo ba napapansin na ibinabalik lang niya ang mga alaala ninyo ni Jacob. Pag-isipan mo nang mabuti habang mas maaga pa. Aliyah,” pangungumbinsing wika nito sa kaniyang kaibigan. “Kailangan na nating umalis, baka ma-late pa tayo sa reunion,” ani ni Aliyah at mabilis nitong pagbaba sa fire exit ng hagdan. ______________ Tanging hiyawan at kasiyahan sa sikat na High Glorious Bar sa Batangas ang maririnig sa loob nang pag-aaring bar nina Dave at Adrian. Mga nagsasayawang mga babae at ang ilan naman ay halos malasing sa kaiinom ng alak. Isa ito sa mga unang negosyong ipinatayo ng dalawa. Kalapit nito ang Isla Monica Resort na pag-aari ni Adrian. Mas madalas nilang libangan ang mamahala ng kanilang negosyo at pagpapalago nito. Agaw pansin din sa lugar ang magandang tanawin. Lalo na ang mga Cottage na gawa sa Wooden Furniture na mas naka-a-attract sa mga turistang dumarayo. Isa ang lugar ng Batangas ang kanilang napili dahil sa tahimik at pagiging payapa nito. Halos magdadapit hapon na nang makatanggap si Adrian ng email invitation mula sa Doña Fatima Memorial School. Kahit napipilitan man siyang pumunta sa reunion ay wala siya magagawa. Isa ang Doña Fatima School na pinangangalagaan ng kaniyang ama at sila din ang madalas na mag-sponsor nito sa mga Honor Student ng paaralan. Ininom niya ang natitirang wine sa kaniyang Elegant thick Shot glass. Kasunod nang pagtayo niya at pagkuha ng car key nito sa kaniyang bulsa. Napahinto siya sa paglalakad ng pumukaw sa kaniya ang pagsigaw ng kaniyang kaibigan. “Hey! Bro. Where are you going? Hindi ka ba nag-enjoy sa loob?” tanging tanong nito at pag-akbay sa kaniya. “I received an email invitation from the School of Doña Fatima. That's why I had to attend for a Grand Reunion.” “Are you sure? Or else, may gusto ka lang makita sa event na 'yon. Bro!” ngiting wika nito sa kaibigan. “Whatever you think. You are mistaken. So if you want to come, you can!” “I know you, Bro. So please stay away from her,” tanging wika ni Dave. “So that you don't regret later,” kasabay nang pagtapik nito sa balikat ni Adrian. “I don't think I have anything to regret!” matapang nitong wika at pagwaksi nito sa kamay ng kaibigan habang nagmamadali itong sumakay ng kaniyang sasakyan. “Sa ngayon wala, pero mag-iingat ka dahil hindi siya katulad ng iba! ”sigaw ni Dave at pagtanaw niya sa papaalis na sasakyan ni Adrian. It's seven o'clock in the evening. Nang makatanggap siya ng tawag mula sa dati niyang kaibigan sa Doña Fatima Memorial School. Suot niya ang New Stylish Suits Slim Fit Burgandy tuxedo na talagang bumagay sa kaniyang toned muscles abs at ang Wingtip Lace up Leather formal brown color shoes naman ang kaniyang isinuot habang isang sunglasses na Ray-ban Aviator ang nagpa-ibabaw sa g'wapo niyang mukha. Nagdadalawang isip man siya sa pagpayag niyang pumunta sa Grand Event ay may kung anong pakiramdam ang nagtutulak sa kaniya. Napag-desisyunan na niyang sumakay sa kaniyang Ford Mustang Gt Black Sports Car dahil late na rin siya sa gaganaping nilang reunion. Hindi na niya nagawang tawagan pa ang kaniyang kaibigan dahil sa pagiging busy nito sa kanilang negosyo. Kaya naman isang text message na lamang ang kaniyang ipinadala sa kaibigan. Nasanay kasi siya na kahit late ito ay nakaka-attend pa. Lalo na kung mga importanteng event ang kailangan. Sa isip niya ay bahagi na din siya ng isang event. Hindi man siya nakapagtapos sa esk'welahan na iyon ay parte pa rin siya sa kahit anong nagaganap sa Doña Fatima Memorial School. Ilang sandali pa ay narating na niya ang nasabing Private School kung saan siya noon nag-aral. Itatabi na sana niya ang kaniyang sasakyan ng matanaw niya sa 'di kalayuan ang pamilyar na babaeng papasok pa lamang ng Grand event. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya. Kinuha niya ang car key at nagpasyang lumabas ng kaniyang sasakyan. Tanging maingay na sound system ang kaniyang naririnig sa loob. Halos maraming tao na rin ang kaniyang nasisilayan. Hindi man siya gaanong pamilyar sa mga estudyante noon ay naisipan na lamang niyang umupo sa isang table. Habang hinihintay niya ang tawag ng kaniyang kaibigan na si Dave. “F**k!” tanging bulong sa galit niyang boses habang hinihintay ang kaniyang kaibigan. Minabuti niyang tumayo dahil naiinip na rin siya sa paghihintay. Tinungo niya ang isang table na mayroong mga alak. At isang red wine ang napagpasyahan niyang inumin. Ngunit tila may kung anong hipnotismo ang humihila sa kaniyang mga mata. Napabaling ang kaniyang tingin sa isang babaeng nakatalikod at tanging magandang hubog ng katawan nito ang kaniyang nakikita. Pinakatitigan niya ito habang sumasabay ang pag-inom niya ng alak. Gusto man niya itong lapitan ngunit may kung anong damdamin ang pumipigil sa kaniya. Napahinto siya sa pag-inom nang biglang tabigin siya ng kaniyang kaibigan na si Dave. “Bakit ngayon ka lang? Kanina pa akong naghihintay sa'yo pero text message wala akong natatanggap galing sa'yo!” wika ni Adrian at pabagsak nitong ibinaba ang kaniyang shot glass sa harapan nito. “Wait lang, Bro. Ha! Kanino ka ba nagagalit sa akin ba o, sa babaeng kanina mo pa tinititigan? Halos hindi na maalis ang mga mata mo sa kaniya. Bakit hindi mo kaya lapitan? Para naman lumamig ang init ng ulo mo!” pagbibiro nito kay Adrian at pagkuha ng isang shot glass para magsalin ng wine. “Don't change the topic, Dave!” “Okay, sinasabi ko lang naman kung ano ang nakikita ko!” bulaslas nito ng malakas at taas kamay nito sa harapan ni Adrian. Subalit napatigil sila sa pag-uusap ng isang MC ang magsalita sa kanilang unahan. Hudyat na para magsimula ang Grand Event na kanina pa nila hinihintay. Tila ba kahit anong pag-iwas nang tingin niya sa babae ay hindi niya magawa. Hanggang sa isang katagang salita ang lumabas sa kaniyang mga labi. “I will not let myself fall in love with someone like you,” kasunod nang pagbaling muli niya sa unahan ng stage.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD