Chapter. 17

1252 Words
NARATING niya ang isang simpleng restaurant sa Makati. Habang suot-suot niya ang dress na binigay ng binata sa kaniya. Matapos kasi niyang maisuot ang dress ay tanging tawag ng lalaki ang bumungad sa kaniyang cellphone. Na akala niya ay isang text message rin ang kaniyang matatanggap. Sa pagpasok pa lang niya ng Restaurant ay makikita na niya ang ilang red roses and white roses. Na nakapalibot sa iba't ibang bahagi ng pasilyo. May iba na nakapatong pa sa lamesa at ang iba naman ay nakapalibot rin sa mga wooden chair na kaniyang natatanaw. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nasisilayan. Dinaig pa niya ang isang eighteen years-old na kailangang mag-debut. Ang simpleng pagkakaayos ng kaniyang buhok ay humahalintulad sa mga natatanging ganda ng mga bulaklak. Tila ba bumabagay rin ang suot niyang dress. Isang staff personel ng Restaurant ang unang bumati sa kaniya. Dinala siya nito sa isang wooden chair. At saka siya nito pinaupo. Magsasalita na sana siya nang iabot sa kaniya ang isang wine. Na kung titingnan ay may kamahalan sa kaniyang pagkakaalam. Marahan ang pagsalin nito sa kaniyang kopita. Saka ito umalis sa kaniyang harapan. Panaka-naka ang tingin niya sa buong restaurant, habang iniinom niya ang wine na ibinigay sa kaniya. Napahinga siya ng malalim. Bago pa siya nagsalita. Tila ang pagtunog ng kaniyang cellphone ay bigla na lang huminto sa loob ng kaniyang bag. "Where are you, Adrian? Pinapunta mo ako dito pero wala ka naman,” tanging tanong niya sa sarili. Subalit akmang tatayo na siya nang maisipan niyang tawagan si Adrian. Kinuha niya ang cellphone mula sa Sling bag na kaniyang dala. Ilang miss called rin ang kaniyang nasilayan mula sa screen ng cellphone nito. At mabilisan ang pag-dial niya ng numero. “H-hello . . .” mautal-utal niyang bigkas. “B-Babe, ang ganda ng . . . ” Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang biglang nagsalita ito. Ngunit tila may pagtataka siya dahil hindi ito ang baritonong boses na pamilyar para sa kaniya. Kakaiba ito at tila tinig ng babae ang rumehistro sa kaniyang isipan. “Who's this?” tanong ng babae sa kabilang linya ng kaniyang cellphone. Natigilan siya sa boses ng babae na kaniyang narinig. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang kabilis ang kabog ng kaniyang dibdib. Gusto niyang magsalita, subalit may kung anong pumipigil sa kaniyang lalamunan. Akmang ibaba na niya ang tawag nang biglang marinig niya ang baritonong boses na pamilyar sa kaniya. At tinig muli ng babae sa kabilang linya nito. “Hey, Babe . . .” wika ni Adrian. “Babe, sino ba ang tumatawag sa'yo? Dapat hindi ka. Basta-basta nagbibigay ng cellphone number mo sa mga 'di mo naman kilala,”pagmamaktol nito. “Tingnan mo, unknown number lang.” “I'm sorry, Babe. Minsan hindi natin iyon maiiwasan. But don't worry, siguro isa lang 'yan sa mga empleyado ko.” “You mean, allowed na pala ang magbigay ng number sa mga empleyado mo lang,” matawa-tawang bigkas ni Stephanie. “Minsan lang naman Babe, kung kinakailangan.” “You never change at all, Babe. Humble, ka pa rin pagdating sa mga employee mo. But make sure lang na about sa work mo ang pagtawag nila sa 'yo!” “Of course, Babe. You know, how much I love you. Sino pa ba ang tatawag sa akin? Mayroon pa bang iba?” tanging wika ni Adrian. Halos hindi makapaniwala si Aliyah sa kaniyang mga narinig. Tila ba gusto niyang maiyak. Gusto niyang magwala. Maraming tanong sa kaniyang isipan. Na tanging si Adrian lang ang makakasagot. Napatayo siya sa kaniyang kinauupuan. Ang paglandas ng luha sa kaniyang mga mata ay hindi na niya namalayan. “Niloloko niya ba ako? Bakit may babae siyang kasama? Sino ang babaeng 'yon?” sunod-sunod na katanungan niya sa kaniyang sarili. “Ibig sabihin may iba pa siya minamahal bukod sa akin. Ano ba ako sa kaniya? Bakit ang . . .” Patakbo niyang nilisan ang loob ng restaurant. Kahit nakailang tawag na sa kaniya ang ilan sa mga staff nito ay wala siyang pakialam. Sumakay siya ng kotse at mabilis niyang ini-start ang sasakyan palayo sa kaniyang kinaroroonan. “Bakit kung kailan nagsisimula na akong muli, saka ko ito nararamdaman?! Bakit kung kailan nakahanda na akong maging masaya, saka ako nasasaktan?! Why, Adrian?! Why!” tanging malakas na tinig ang iginagawad niya sa loob ng sasakyan. Habang mabilis niyang binabaybay ang madulas na daan. Ang malakas na pag-iyak niya ay sumasabay sa lakas ng ulan na kaniyang nakikita at naririnig. Napatuon ang ulo niya sa manubela na kaniyang hawak. Tila ba wala siyang pakialam sa kung anong sasakyan ang kaniyang makasasalubong. Subalit isang malakas na busina ng sasakyan mula sa kaniyang harapan ang nagpagising sa kaniyang kaisipan. Halos magpaikot-ikot ang kaniyang kotse, dahil sa mabilisan niyang pag-iwas nito. Kasabay nang paghawak at pag-ikot nito sa kaniyang manubela upang hindi ito sumalpok sa sasakyang kaniyang nakasasalubong. Subalit hindi niya maiwasan ang pagbangga niya sa isang malaking punong kaniyang natatanaw. Malakas ang pagsalpok ng kaniyang minamanehong kotse at ang pagtama ng kaniyang ulo sa harapan ng kaniyang manubela. Na naging sanhi sa pagkawalan niya ng malay. *** NAKAILANG tawag na si Anny sa kaniyang kaibigan. Nag-aalala na siya dahil hindi naman ito katulad noon, na palaging binabalewala ang kaniyang tawag. Subalit bakit gano'n na lamang ang kaba sa kaniyang dibdib? Nang matabig niya ang babasaging baso mula sa exclusive table sa kaniyang opisina. “Aliyah, please answer the phone!” may galit na tinig nito, habang hawak ang kaniyang cellphone. Naiinis siya sa pag-aalala sa kaniyang kaibigan. “Ano kayang kabaliwan ang ginagawa niya ngayon?! Sasagutin lang ang tawag ko . . . hindi pa magawa!” Dinampot niya ang jacket mula sa wooden rack na pinagsasabitan nito. Saka siya nagdesisyon na lumabas ng opisina. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin? Tila ba ang mabilis na kaba sa kaniyang puso ay sumasabay rin sa bilis ng bawat hakbang ng kaniyang mga paa sa hallway. Akmang papasok na siya ng lift nito. Nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Kaagad niya itong sinagot na sa pag-aakalang ang kaniyang kaibigan ang tumatawag. Hindi na kasi niya napagtuunan pa nang pansin na tingnan ang naka-registered na numero nito. “Hello . . .” tugon ni Anny sa hindi pamilyar na boses mula sa kabilang linya nito. Napakunot pa ang noo niya sa lalaking rumirehistro sa kaniyang isipan. Nang bigla ulit itong nagsalita. “This is Police officer, Alvarez. She was involved in the accident that happened here on the Main road highway. Are you one of her family? Do you know Atty. Gomez?” “A-accident! Y-you mean, she had an accident!” “Yes, and she needs to be taken to a nearby hospital as soon as possible. She had a head injury, and hopefully, it won’t be serious. Don't worry, there is an Ambulance that can take her to the hospital.” “O-oh my god! Aliyah!” Halos hindi siya makapaniwala sa kaniyang mga narinig. Gusto niyang umiyak. Subalit mas pinili niyang magtungo sa parking lot ng kaniyang sasakyan. “T-thank you, Sir,” mautal-utal niyang bigkas. Kasabay nang pag-off ng kaniyang cellphone. “Ano ba kasi ang nangyari? Oh my god! Aliyah. Kailangan mo ang lumaban alang-alang sa hustisya mo pang ipinaglalaban! Huwag mo akong iwan, Aliyah. Hindi ko kakayanin na mawala ka! Please, Lord! Save her!” tanging bigkas ng kaniyang bibig. Habang binabaybay niya ang daan. Patungo sa pinangyarihan nang aksidente ng kaniyang kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD