Chapter. 18

1723 Words
MARAHAN ang pagmulat ng aking mga mata. Ang sakit sa ulo ko ay unti-unti pa rin kumikirot. Kasabay nang pagtitig ko sa puting kisame na aking nakikita. Gustohin ko man na ibuka ang aking bibig para magsalita, ngunit tila walang tunog na tinig ang nabubuo. Kundi ang hininga lang mula sa aking lalamunan ang tangi kong nararamdaman. Narinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pintuhan mula sa aking kinahihigaan. Ipinikit ko muli ang aking mga mata dahil tila pakiramdam ko ay hinihila ako nang pagkaantok. Nagtaka ako nang may bigla na lang humawak sa aking mga kamay. Kahit 'di ko man imulat ang aking mga mata. Pakiramdam ko ay dumadampi naman ang malambot niyang mga labi sa ibabaw ng aking kamay. At saka ko narinig ang maamo niyang tinig. “Aliyah, gumising ka na. Hindi ko kayang mawala ka! Hindi ko kaya na mag-isa ko na lang haharapin ang lahat. Please, wake up! Hindi para sa akin . . . Kundi para sa sarili mo,” bulong na bigkas ni Anny. Kasabay nang pagtitig nito sa kaniyang kaibigan. “Aliyah . . .” tanging wika niya sa kaniyang sarili. “Sino ba ako? Dapat nga ba'ng Aliyah ang pangalan ko?” May bahid ng luha ang dumaloy mula sa kaniyang mga mata. Ang alaala sa mga nangyari ay hindi niya malimutan. “A-Anny.” Pagtawag nito sa pangalan ng kaniyang kaibigan. “Aliyah! Mabuti at nagising ka na! Sobra-sobra mo akong pinag-alala!” maiyak-iyak na tinig nito. At mahigpit na yakap ang iginawad nito sa kaniyang kaibigan. “Ano ka ba?! Hindi pa naman ako patay! Kung makaiyak ka ay parang ililibing na ako ng buhay!” “Ano'ng sinabi mo?! P'wede ba Aliyah! Huwag mo nga gawing biro ang nangyari sa 'yo! Kahit kailan talaga hindi ka na nagbago. Basta-basta ka na lang pupunta sa isang lugar na . . . tanging ikaw lang mag-isa. Ano ba talaga ang nangyari? At bakit gano'n na lang ang suot mo noong dinala ka nila dito sa ospital? Huwag mong sabihin na dahil sa kaniya gano'n ba?” “Anny, ayoko muna siyang pag-usapan. Kung ano man ang nangyari sa akin. Kasalanan ko 'yon at hindi siya.” “Basta naririto lang ako para sa 'yo. Kapag maayos na ang kalagayan mo. Doon ka na lang muna sa bahay ko tumuloy. May bakanteng k'warto pa naman sa katabing silid ko,”ngiting wika ni Anny. Kinuha nito ang isang supot na naglalaman ng mga prutas. Inilagay nito sa ibabaw ng table at saka nito tinalupan. “Nag-abala ka pa talagang bumili n'yan sa palengke para sa akin, ha! “Ahmm . . . Oo naman, baka sabihin mo kasi hindi kita kayang alagaan.” “Hindi naman talaga!” Halos tawanan ang namayani sa loob ng silid ni Aliyah. Kahit na batid niya sa sarili nito. Ang sakit na ginawa sa kaniya ni Adrian. Saka na lang niya iisipin ang lahat-lahat kapag naka-recovered na siya sa kaniyang kalagayan. Hindi man makita sa mukha niya ang kalungkutan, ngunit umiiyak naman ang puso niya sa sobrang sakit na ginawa nito para sa kaniya. Ang maniwala siya sa pag-ibig ni Adrian. *** ISANG linggo na ang nakalilipas ay hindi pa rin makontak ni Adrian ang dalaga. Nagpabalik-balik na siya sa restaurant na kung saan dapat sila ay magkikita. Subalit hindi niya ito matagpuan. Nakaoff rin ang cellphone ng kaibigan nito. Kahit ang pamilya ng dalaga ay wala man lang siyang alam kung saan ito pupuntahan. Nakailang tanong na rin siya sa mga kapwa prosecutor nito. Ngunit tila walang maibigay ang mga itong information tungkol sa dalaga. Pabagsak nitong inilagay ang kaniyang basong babasagin sa exclusive table niya na may lamang alak. Habang mabilis niyang naituon ang dalawa nitong mga kamay sa lamesa. At saka siya napatitig sa glass window nito sa kaniyang opisina. Na halos magdilim na ang kaniyang mga paningin dahil sa galit. Naiinis siya dahil sa sensasyong kaniyang nararamdaman. “Damn it!” Kasabay nang malakas na sigaw niya ay ang paghagis nito ng baso na kanina pa niyang pinakatitigan. “Where are you, Aliyah? Why can't you even call me?!” Halos maihilamos na niya ang mga kamay sa kaniyang mukha. Ang galit at kabog ng kaniyang dibdib ay hindi man lang niya maiwasan. Kung ano-anong bagay ang kaniyang mga inihahagis. Nalilito siya sa kaniyang damdamin. Damdamin na dapat iba ito sa takbo ng kaniyang mga plano. Subalit sa tuwing naiisip niya ang nawalang kaibigan ay pumapalit ang galit na kaniyang nararamdaman. Tila ba hinahamon siya nang isang kapalaran o, hustisya na dapat 'yon ang kailangan niyang gawin. Kukuhanin na sana niya ang telepono upang tawagan ang kaniyang sekretarya nang biglang bumukas ang pintuan ng kaniyang opisina. Bumungad sa harapan niya ang kaniyang kaibigan. Na halos takang-taka sa mga nagkalat at basag na bagay na nakikita nito sa sahig. “Adrian,” wika nito. “What are you doing here, Dave?!” “What am I doing here? Why don’t you ask your crazy mind, Adrian?” “What do you mean?” seryosong wika ni Adrian. At matalim nitong tinitigan ang kaibigan. “Look at yourself, It's like you have an enemy in your office,” ngiti nitong wika kay Adrian. Naupo ito sa bakanteng swivel chair. Kasabay nang mga birong ngiti nito sa kaibigan. “What demon entered your mind to make you go here? Ha!” May bahid na pag-igting ng panga nito kay Dave. “What is this again? Are you still not done with your plans! Wake up to the truth, Adrian! It is wrong to accuse something you are not sure of. It is because of her or, maybe, you're already in love.” “If you have nothing good to say. You can leave now!” “Stop it. Before you regret it later!” pagbabanta ni Dave. Tumayo ito sa kaniyang kinauupuan. At saka nagdesisyon na lumabas ng opisina ng kaibigan. Matapos makalabas ng opisina ang kaibigan ay pabagsak siyang naupo sa swivel chair nito. Napahilot ang mga daliri nito sa kaniyang sintido. Tila sumasabay ang kabog ng puso niya sa sakit ng ulo na kaniyang nararamdaman. Kinuha niya mula sa lamesa ang telepono. At kaagad tinawagan ang sekretarya nito. “Claudia, gumawa ka nang paraan para mahanap siya. As soon as possible! Do you understand?” “Yes, Mr. Casanova.” “Kahit saan ka man magpunta, Aliyah. Hahanapin kita!” wika ni Adrian. Kasabay nang pagkuyom ng mga kamay nito habang nakapatong sa ibabaw ng lamesa. “Hinding-hindi ka makatatakas sa krimen na ginawa mo!” May talim ang bawat mga mata ni Adrian. Galit na tila nahahati sa dalawa. Dalawang damdamin na hindi niya maintindihan. *** “I love, Switzerland!” Pagtaas ng mga kamay ni Aliyah. Habang natatanaw niya ang magandang tanawin na kaniyang nakikita. “I didn't expect, na dito tayo pupunta mahal kong kaibigan.” “Mas okay, ang malayo . . . pakiramdam ko nawawala lahat ang sakit sa puso ko,” tanging ngiti ang sumisilay sa kaniyang mga labi. “Kailimutan mo na siya, isa pa kailan lang naman kayo nagkakilala. Isang buwan na rin naman tayo dito sa Switzerland. At sa palagay ko, oras na para bumalik tayo ng Pilipinas. Alam mo naman na marami akong pending na kailangan na tapusin pa, at ikaw rin.” “Yes, tama ka! Kalimutan ang dapat kalimutan,” wika ni Aliyah, habang nakatitig sa magandang tanawin na kaniyang nasisilayan. “ Isa lang ang hindi ko dapat kalimutan at alam mo na 'yon Anny.” Pagbaling nitong harap sa kaniyang kaibigan. “Okay, Alam ko na hindi pa rin maalis sa isip mo ang bagay na gustong mong makahu para sa kaniya.” “Oo, mahahanap rin natin ang taong gumawa no'n.” “So, you mean. Babalik na ba tayo sa Pilipinas? Ha!” “Kung 'yon ang gusto mo, why not?” “It's a deal.” “Deal, negosyante ka na ba ngayon? Minsan talaga, Anny. Hindi kita maintindihan!” Pag-iling ng ulo ni Aliyah habang sumisilay ang kaniyang mga ngiti sa kaibigan. “Malalaman mo rin. Kapag nasa Pilipinas na tayo! Excited na nga akong makita siya!” wika ni Anny na may galak sa kaniyang mga labi. “M-Makita, sino?” pagtataka ni Aliyah. “Every time I remembered his name. It relaxed me and made me feel that everything was alright.” “Oh, really! Nagbabasa ka na rin ba ng mga romance novel kaya ka nawawala sa sarili, Ha!” “Don't worry, My dear. Soon, makikilala mo rin siya,” untag ni Anny. “Ah, gano'n. Anong pangalan niya? Na search mo na kung saan planeta siya nanggaling?” “Minsan, suportahan mo naman ako pagdating sa love life. Hindi 'yong . . .” Napatigil ang pagsasalita ni Anny nang tapikin siya ng kaibigan sa balikat. “Of course, kaibigan kita, eh! But anyway, kilala ko ba siya? May I know his name?” “Dave Velasquez, a handsome businessman.” “D-Dave,” mautal-utal na wika ni Aliyah. “Yes, my dear. Ano? Kilala mo ba?” “Nope, mag-iingat ka lang, baka womanizer 'yan!” pagbibirong wika ni Aliyah. “Womanizer, sa palagay ko hindi naman, tsk.” Halos mapatawa si Aliyah sa naging reaksyon ng kaniyang kaibigan. “Ikaw naman, binibiro lang naman kita.” “Sa palagay ko kailangan natin puntahan, Aliyah. Ang lugar na' yon. Bago tayo umalis ng Switzerland,” pagbabago nito ng usapan. “Siguro nga, Anny.” Ilang minuto pa lang nila nararating ang park ay tila nakaramdam siya nang pagkahilo. Marahan ang pagsapo niya sa kaniyang ulo,dahil sa kakaibang pakiramdaman. Naupo siya sa isang mabatong upuan na kung titingnan ay halos bumagay ito sa ganda ng kapaligiran. “A-Anny,” tanging bigkas ng kaniyang mga labi na tila unti-unting nagdidilim ang kaniyang mga paningin. Subalit, bago pa man siya mawalan nang malay ay mabilis na napalingon ang kaniyang kaibigan. Malakas itong napasigaw mula sa kinatatayuan nito. “Aliyah!” sigaw ni Anny. Pabagsak itong nawalan nang malay at tanging pag-aalala ang namutawi sa kaibigan. “Aliyah! Wake up!” Habang yakap-yakap siya nito. At pagtawag nito nang tulong sa mga taong nakikita niya. “Please, help me!” Kasabay nang pagtapik ni Anny sa mukha ng kaibigan. Na halos hindi na ito magkamalay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD