Chapter. 19

1910 Words
“Okay, ka lang ba?” tanong ni Anny. Nang ito ay magising sa isang clinic na kalapit lang ng park na pinagdalhan nito sa kaibigan. “Oo, A-Anny. Siguro nalipasan lang ako ng gutom kaya nahilo ako bigla.” “Next time, kumain ka muna bago tayo umalis. Nang hindi ako nag-aalala na bigla ka na lang nawawalan ng malay.” “Thank you, Anny. Kung wala ka paano na siguro ako ngayon?” “Ano ka ba?! Wala 'yon! Sino pa ba ang magtutulungan? Kundi tayo lang naman dalawa 'di ba?” “Oh, Anny. Halika na! Maayos na naman ako at kaya ko na rin naman ang maglakad. Baka abutin pa tayo ng gabi sa daan. Mahirap na!” “Naku, mamaya na! Ang sabi kasi ng Doktor. Hintayin raw muna natin ang resulta ng laboratory mo. And I think, half hour lang naman ang hihintayin natin, then saka na tayo uuwi.” “L-Laboratory, sandali may sakit ba ako? Ano'ng sabi ng Doktor sa 'yo?” wika ni Aliyah na may halong pag-aalala sa mukha nito. “P'wede ba mag-relax ka lang! Hindi naman ibig sabihin na nagpa-laboratory ka ay may sakit ka na.” Pag-irap ng mga mata ni Anny sa harapan ng kaibigan. “Isa pa, Filipina ang doktor dito sa clinic na napuntahan natin. Hay, mabuti na lang talaga dahil ayoko nang magsalita ng French minsan. Kadalasan kasi kapag pumupunta ako sa mga hospital ganito ang datingan. English version o, 'di kaya . . .” Hindi maituloy ang sinasabi ni Anny nang makita niya ang malungkot na mukha nito. “Oh, bakit nakabusangot ang mukha mo? Ha! Ayusin mo nga 'yan!” “Ano ka ba naman? Tama na nga! Lately, kasi madalas akong mahilo. Nasusuka tapos minsan . . .” untag ni Aliyah sa kaibigan ngunit tila wala itong naririnig. Napahinto siya sa pagsasalita nang biglang bumukas ang pintuhan ng silid nito. “Oh, ito na pala si Dok, eh!” wikang ngiti ni Anny. “May result na po ba?” “Yes, base sa sample ng laboratory mo, normal lang ang isang tulad mo ang makaramdam nang pagkahilo. You need to take a rest, para sa mas higit na ikabubuti mo, Ms. Gomez.” “W-Wait, lang, Dok! Ano'ng ibig n'yo sabihin?” May halong pagtataka sa mukha ni Anny. “Ang kaibigan ko kailangan mag-rest. B-Bakit?” “Huwag kayong mag-alala. Normal lang sa mga katulad niyang buntis ang mahilo at minsan makaramdam nang pagsusuka.” “B-Buntis! Ibig sabihin ba, Dok . . .” Pagkunot ng noo ni Anny. Kasabay nang pagbaling nito nang tingin sa kaibigan. Halos hindi makapaniwala si Aliyah sa kaniyang mga narinig. Tila natigilan siya at gusto niyang maluha. Na minsan ay hindi niya inakalang siya ay nagdadalang tao. Hindi man lang sumagi sa isipan niya ang mga nangyari sa kanila ni Adrian dahil sa sakit ng mga ginawa nito para sa kaniya. “I-I'm pregnant . . .” bulong niya sa kaniyang isipan. “H-Hindi, maaari ito.” wika niyang muli. “Bakit ngayon pa?” Napatuon ang paningin niya sa Doktora nang magsalita itong muli sa kaniyang harapan. “Congratulations, Ms. Gomez,” tanging wika at pagkakangiti ng doktora sa kaniya. Bago pa man ito makalabas ng kaniyang silid ay isang reseta ng gamot ang ibinigay nito. “kailangan mo'ng mag-take ng medicine para sa magiging maayos na kondisyon ng bata sa sinapupunan mo. Bawal rin sa 'yo ang ma-stress dahil maselan ang pagbubuntis mo. Ibayong pag-iingat ang kailangan mong gawin.” Matapos makapagpaalam ng doktora sa kaniya. Sumabay naman ang mabilis na pagtulo ng kaniyang mga luha mula sa kaniyang mga mata. Napatayo siya at mabilisan niyang tinanggal ang dextrose na pinagkakabitan nito mula sa kaniyang kanang kamay. Akmang lalabas na siya nang hanggitin ni Anny ang kaniyang braso. “Aliyah, tama na! Wala na tayo magagawa pa. Ang kailangan lang natin gawin ay magsimula na lang muli ng panibago. At alam ko na kaya mo 'yon.” “Magsimula!” sigaw nito. “Alam mo ba ang sinasabi mo, Anny? Paano ako magsisimula kung dala-dala ko sa sinapupunan ko . . . ang batang ito!” “Alam kong masakit na lokohin ka! Alam ko lahat ang mga pinagdaanan mo! P-Pero hindi ibig sabihin no'n, wala na ang lahat sa 'yo. Nandito pa ako, Aliyah. Bilang isang kaibigan mo. Ano man ang mangyari? Tutulungan kita sa abot ng aking makakaya.” Mahigpit niya itong niyakap habang sumasabay rin ang luha sa kaniyang mga mata. “Hindi ko kaya, Anny! Ayokong maranasan niya ang hindi kumpletong pamilya. Ayoko, Anny!” Malakas na pag-iyak ni Aliyah. Ang mahigpit na yakap niya sa kaibigan ay tila hindi niya kayang alisin. At mga bagay na nagpapagulo sa kaniyang isipan ay tila mas lalong nagpapalungkot sa kaniyang kalagayan. Lumayo siya sa pagkakayakap nito at isang buntong hininga ang kaniyang pinakawalan. “Kung babalik man tayo ng Pilipinas. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Papa.” “Nandito naman ako palagi para sa 'yo. Kahit gaano man kabigat ang problema mo. Hindi kita iiwan! Higit sa lahat si Tatay Randy. Magiging masaya siya, kung malalaman niya na buntis ka.” “Ipangako mo sa 'kin, Anny. Na walang kahit sino ang maaaring makaalam nito. Kahit pa ang lalaking 'yon. Wala siyang karapatan sa anak ko! Wala!” “Syempre naman mahal kong kaibigan. Ngunit hindi habang buhay ay maitatago mo ito sa kaniya. Darating at darating ang panahon. Malalaman niya ang totoo,” wika ni Anny. “Hindi mangyayari 'yon, Anny. Wala siyang malalaman tungkol sa akin. Wala!” *** WALANG katapusan ang malimit na galit ni Adrian. Dahil sa mga sunod-sunod na meeting nito about sa bagong wine na kailangan nilang mai-launch sa darating na event nito sa susunod na linggo. Tinawagan niya ang kaniyang kaibigan dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang balita sa dalaga. “Dave!” singhal nito sa kabilang linya ng cellphone nito. “Don't tell me, galit ka na naman sa mga empleyado mo!” pagbibiro nitong wika. “Nahanap mo na ba pinahahanap ko?” “Wait a minute, Adrian. Trabaho ko ba ang maghanap ng taong nawawala.” “F*ck! Sa tingin ko nagsasayang lang akong kausapin ka!” “Ang laking halaga ang ibinabayad mo sa mga kinuha mong tao para lang hanapin ang babaeng pinakamamahal mo. Until now, wala pa rin.” “Wala akong panahon makipagbiruan sa 'yo, Dave.” “Kung gano'n, bakit hindi na lang ikaw ang maghanap sa kaniya. Or else hayaan mo ang panahon ang magsabi kung kailan mo siya makikita.” “Kaibigan ka ba o, kaaway?” “Adrian, malapit nang umuwi ang magiging fiance ko galing Switzerland. Ayokong mawala na lang sa wala ang paghihintay ko.” “Your such a womanizer, Dave!” “Hindi ko naman kasalan na babae ang lumalapit sa akin dahil ibinibigay ko lang sa kanila kung ano ang gusto nila, that's all. Kaysa naman sa 'yo, isang mapanakit na tao.” “Ginusto nila 'yon. Hindi ako!” galit na untag ni Adrian, habang nakatuon ang kaniyang paningin sa glass window nito. “By the way, next week na ang launch ng new collection ng ating wine. Don't forget, Adrian.” Walang patid na pagkakangiti nito sa kaibigan. Kasabay nang pagbaba nito ng kaniyang cellphone. Isang alak ang isinalin nito sa kopita. Kasabay nang pag-inom niya ay ang pagtitig sa madilim na kalangitan. “Mahahanap rin kita, Aliyah. Magbabayad ka sa lahat ng mga nagawa mo! Una, ang pag-alis mo nang walang paalam. At ang pangalawa ay ang krimen na ginawa mo na hanggang ngayon. Hindi mo pa nababayaran!” Nang maubos niya ang isang boteng alak ay minabuti nitong kuhanin ang isang secret black box na tinatago-tago niya. Hindi niya malimutan ang samahan nila ni Jacob at kasama na doon si Dave. Ngunit napalitan nang galit ang masaya niyang ngiti sa tuwing naaalala ang dating kasintahan ng kaniyang kaibigan. At kasabay nang pagtunog ng telepono nito sa ibabaw ng exclusive table niya. “Yes, Ms.Claudia.” “About sa dinner date n'yo sa isang Exclusive Hotel kay Ms. Stephanie. Naka-ready na ang lahat.” “Thank you, Ms.Claudia. Maaari ka nang umuwi. Take a rest, and be ready for the new wine collection by this coming next week.” “Welcome, Mr. Casanova,” ngiting wika ng kaniyang sekretarya. Nagpasya na siyang magtungo sa parking lot na kung saan naroroon ang kaniyang sasakyan. Kinuha niya ang remote key car nito. Sa malapit na center table ng sofa. Subalit tila hindi niya maiwasan na kontakin ang dating phone number ni Aliyah. Kahit na ilang beses na niyang naririnig ang bawat salita na rumirehistro sa kaniyang pandinig. Nang marating na niya ang parking lot ay isang pamilyar na babae ang kaniyang nasilayan. Pabulong niyang nabigkas ang pangalan nito. At kasunod nang pagkunot ng kaniyang noo. “Anny,”wika niya na may pagtataka. “Ano’ng ginagawa niya dito?” Napailing na lang ito dahil napakaimposibleng iyon ang babaeng tinutukoy niya. Napaikot siya sa kaniyang sasakyan upang ito'y makita niya ng malapitan. Subalit hindi na niya ito nakita pa nang bigla na lang itong sumakay ng itim na kotse. At paharurot nitong pinatakbo. Tanging pag-ismid ng kaniyang mga labi ang iginawad niya sa sarili dahil sa pag-aakalang hindi ito ang kaibigan ng babaeng hinahanap niya. Makailang sandali ay narating niya ang Exclusive Hotel. Halos napuno ng sari-saring design ang bawat pasilyo. Ang lamesa na kaniyang nakikita ay tila bumagay sa disenyo ng upuan. Iniayos niya ang necktie sa kaniyang leeg. Habang napatitig siya sa kaniyang relo. “It's ten o'clock,” wika ni Adrian. Nang makita niya ang oras mula sa suot niyang relo. Biglang tumunog ang cellphone nito mula sa kaniyang bulsa. Kaya naman kaagad niya itong kinuha. “Hi, Babe,” tinig ng babae sa kabilang linya nito. “Where are you?” tanong ni Adrian. Habang nakatuon ang paningin nito sa mga taong nasa loob rin ng hotel. “I'm sorry, Babe. It's so traffic.” “It's okay, don't worry. Take your time, maaga pa naman.” “I love you, Babe.” “I love you too, Babe.” Tila natigilan siya sa huli niyang sinabi nang makita niya ang matagal na niyang hinahanap. Dalawang beses pa niyang ikinurap ang kaniyang mga mata. Na tila may pagkabigla nang masilayan niya ito. Ang dating babaeng walang dahilan siyang iniwan ay dito lang pala niya makikita. Mabilis ang kabog ng kaniyang dibdib. Dinaig pa niya ang tinatambol sa hindi niya maintindihan na damdamin. Isang damdamin na mayroong galit at puno sa uhaw na pagnanasa sa matagal na pagkawala nito. Ngunit nabago ang ekspresyon ng kaniyang mukha ng isang lalaki ang may hawak sa magandang hugis ng baywang nito. Halos mapakagat ang ibabang labi niya. Hindi sa pagnanasa kundi sa namumuong tensyon ng kaniyang nararamdaman. Napakuyom ang kaniyang mga kamay. At pabagsak niyang ibinaba sa lamesa ang hawak niyang cellphone. Saka niya kinuha ang alak na dala ng isang waiter na dumaan sa kaniyang harapan. “Aliyah . . .” may diin nitong bigkas at pagdilim ng kaniyang mga mata. Habang nakatitig sa kinaroroonan ng babae. Sunod-sunod ang bawat paglagok niya ng alak. Na halos ituon niya ang galit sa dami ng kaniyang naiinom. “This is the last time, na hinding-hindi ka na makakatakas sa akin, Aliyah. You're mine, only mine.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD