“Matapos ang gabing nangyari sa amin ni Aliyah. Minabuti kong pumunta ng Bar upang mawala ang gumugulo sa aking isipan. Mahal ko siya . . . at iyon ang nasa puso ko. Ngunit bakit ginagambala ako ng nakaraan? Isang nakaraan sa pagkamatay ng matalik kong kaibigan. Patawarin mo ako, Jacob. Mahal ko siya pero mahalaga ka sa akin.” Tinungga niya ang alak mula sa shotglass na kaniyang hawak. Habang hinihilot ng kaniyang mga daliri ang nanakit niyang sintido. “Boss, lasing na kayo. Baka gusto n'yo na ang magpahatid sa inyong bahay?” tanong ng isa sa mga Bartender ng Bar. “I'm not drunk yet.” Pabagsak niyang lapag ng hawak nitong shotglass sa bar counter. Walang pag-aatubili niyang tinawagan ang kaniyang kaibigan. Hanggang sa marinig nito ang pag-ring sa kabiling linya ng cellphone ng kaibigan.

