ILANG minuto lang ang lumipas ay nailipat na si Aliyah sa silid nito sa hospital. Batid ang pag-aalala ng binata. Kaya naman napahilamos na lang ito ng kaniyang mukha gamit ang dalawa nitong mga kamay. Pabalik-balik na tila balisa habang hinihintay ang resulta mula sa Doktor ng dalaga. Natigil na lang ang agam-agam niya nang biglang lumabas ang Doktor mula sa silid nito. “How is she?” tanong kaagad ni Adrian nang mabungaran niyang lumabas ng pintuan. At seryosong nakatitig sa Doktor nito. “Don't worry, she's fine, but she needs to take care of herself, lalong-lalo na sa kalagayan n'ya ngayon,” ani nito. habang iniaabot ang isang kapirasong papel sa kaniya. “What do you mean?” Kunot noo ni Adrian. Kasabay nang pagkuha niya ng papel mula sa Doktor nito. Tinitigan pa niya ito na tila hi

