Chapter. 27 NAMUMUO ang galit ni Stephanie ng malaman niya. Kung bakit hindi siya magawang pakasalan ng binata. Nakatanggap siya ng ilang litrato na galing mismo sa mga pinag-utusan niyang tao. Nang pasundan niya si Adrian sa Batangas. “Saan mo ito nakuha, ha! Sumagot ka!” malakas na sigaw nito habang hawak ang ilang litrato na kasama ang isang babae. “N-Nakita ko sila sa isang Resort. Nagdadalawang-isip pa nga akong sundan sila. Ngunit, napag-alaman ko na iyong abogado na ipinahahanap n'yo sa akin ay iisa lamang. Siya si Aliyah Belle Gomez, ang dating kasintahan ni Jacob Cervantes. Ayon sa source ko, siya ang may hawak ng kaso ng dati niyang kasintahan. Na sa kaniya rin ang pinakahinahanap-hanap natin. Ang cufflinks na pag-aari ng taong pinag-utusan n'yo noon.” “Asshole! Hindi dapat

