SOBRANG sakit ng ulo ang kaniyang natamo sa paggising pa lang nang umaga. Pakiramdam niya ay pinukpok ang ulo niya sa hindi maintindihan na dahilan. Wala man lang siyang natandaan buhat nang malasing siya kagabi. Ang tanging naaalala lang niya ay ang mukha ng dalaga. Halos nagtataka pa siya dahil wala na rin ang pang-itaas niyang damit. Kakaiba rin ang istilo ng k'wartong kaniyang tinutuluyan. Sa pagbangon pa lang niya ay napansin nito ang mga nagkalat na damit sa sahig. Na kaagad na ikinakunot ng kaniyang noo. “Aliyah . . .” bulong niyang bigkas sa kaniyang sarili. Ngunit napapailing siya dahil iba ang silid na kaniyang nakikita. Hanggang sa isang babae ang kaniyang nasilayan nang pumasok ito ng kaniyang silid. Naka-two-piece pa ito na pinapatungan ng manipis na tela. Ang bawat hakban

